Hays. Di ko po alam kung kanino magoopen up kaya dito nalang po siguro. Hindi ko na po kasi alam yung gagawin ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi yung babaeng mahal ko ay hindi ko na mapagkatiwalaan. Nasira niya po kasi yung trust ko. Nangyare po ang lahat noong 2019, yeah sobrang tagal na pero di ko pa rin makalimutan. Nagcheat po sakin yung girlfriend ko noong 2019 and hindi lang po yun yung unang beses pero dahil mahal na mahal ko siya pinatawad at tinanggap ko pa rin po siya. So dahil nga po doon kung bakit wala na akong tiwala sa kanya. Naguguluhan po ako. At naiinis sa sarili ko kasi matagal na yun and alam ko nman na nagbago na siya pero itong napakatangang isip ko iniisip na may iba na naman o pinaghihinalaan siya. Naaawa na po ako sa girlfriend ko. Palagi ko napang po siyang pinagbibintangan. Sa ngayon, oks kami pero kapag nagaaway lagi kong naiisip yung ginawa niya sa past kaya imbis na magsorry lalo akong naiinis sa kanya. Perfect na din po sana siya ang kaso lang hindi po marunong humingi ng tawad kahit siya na yung may mali. At isa pa po ay yung kapag nagaaway kami natitiis niya akong di kausapin ng ilang araw o isang linggo kaya po lalo akong naghihinala. Sorry po kung mahaba di ko na po talaga alam gagawin ko. Sorry po overthinker ako hindi ko po kasi mapigilan eh. Kahit na ituon ko sa iba ang atensyon ko may naaalala at naaalala pa rin po ako.