What's new

Trust Issue

SakuraX

Honorary Poster
Joined
Oct 30, 2018
Posts
145
Reaction
25
Points
128
Hays. Di ko po alam kung kanino magoopen up kaya dito nalang po siguro. Hindi ko na po kasi alam yung gagawin ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi yung babaeng mahal ko ay hindi ko na mapagkatiwalaan. Nasira niya po kasi yung trust ko. Nangyare po ang lahat noong 2019, yeah sobrang tagal na pero di ko pa rin makalimutan. Nagcheat po sakin yung girlfriend ko noong 2019 and hindi lang po yun yung unang beses pero dahil mahal na mahal ko siya pinatawad at tinanggap ko pa rin po siya. So dahil nga po doon kung bakit wala na akong tiwala sa kanya. Naguguluhan po ako. At naiinis sa sarili ko kasi matagal na yun and alam ko nman na nagbago na siya pero itong napakatangang isip ko iniisip na may iba na naman o pinaghihinalaan siya. Naaawa na po ako sa girlfriend ko. Palagi ko napang po siyang pinagbibintangan. Sa ngayon, oks kami pero kapag nagaaway lagi kong naiisip yung ginawa niya sa past kaya imbis na magsorry lalo akong naiinis sa kanya. Perfect na din po sana siya ang kaso lang hindi po marunong humingi ng tawad kahit siya na yung may mali. At isa pa po ay yung kapag nagaaway kami natitiis niya akong di kausapin ng ilang araw o isang linggo kaya po lalo akong naghihinala. Sorry po kung mahaba di ko na po talaga alam gagawin ko. Sorry po overthinker ako hindi ko po kasi mapigilan eh. Kahit na ituon ko sa iba ang atensyon ko may naaalala at naaalala pa rin po ako.
 
That's so sad, TS. Mahirap na talaga pag nawala or nasira yung trust mo sa isang person. TH ka parati then wala pang ginagawa si partner mo. Napag-usapan nyo na ba yan? Kung hindi pa, mag heart to heart talk po kayo kung anong magandang gawin sa relationship nyo and i-open up mo po lahat ng hinanakit mo sa kanya. Communication is key. Sana maging okay po kayo. 😊
 
Marami pa naman iba dyan, hanap ka nalang papi. Kahit mahal mo sya, kung ginaganyan ka nya, hindi ok yun.
 
Hmmm 🤔 hindi ang girlfriend mo ang issue na dito but yourself 😅. Yup may ginawa siya bad noon but nakaraan na yun at di na maibabalik pa like what if nagbago siya at naapadala ka sa emosyon mo? 🤔 do you think kung ang tao ay nagbago eh deserve na niya ang tratuhin mo ng ganyan? 😅. What is lacking here is acceptance and kapatawaran mo sa mga nagawa niyang kasalanan. Your dealing with the ghost in the past, just move on, let the past called itself past and nothing more 🤗. Bago mahuli ang lahat at mas masakit pa ang mawala ang minamahal at yan ang tandaan mo. You push her away from you, ang mahirap diyan may mag cope sa kanya at matukso siya sa iba. Again keep yourself busy and say sorry from the bottom of your heart about what you did and tell her na hindi masama ang mag sorry kung ang taong nasaktan mo is ang mahal mo. Hindi pa huli ang lahat and pray for your relationship. Ask god para sa ikakatahimik ng iyong kalooban, you need both spiritually and acceptance 🤗.
 
Jan ka nakalamang brad..di ka mabubungangaan ng partner mo...baka di mo ginalingan....sa susunod galingan mo..para di maka isip yung babae.......isagad mo na ang best mo....
 
Hindi naman po ganon kadali yun lalo na kung mahal na mahal mo yung tao. Mqglilimang taon na po kami sa July.
 
Ang hirap po kasi sakin kapag nakikita ko siya nawawala yung galit ko. Yung mga gusto kong sabihin sa kanya kapag di kami magkasama di ko masabi. Patang gusto ko nalang po siya makasama kesa kausapin eh. Kasi tingin ko po magaaway lang kami kasi ayaw niyang magpatalo pero tama po kayo siguro nga need namin magusap yung puso sa puso. maraming salamat po ❤️
 
Mahirap po eh lalo na kung mahal na mahal mo yung tao. Siguro yun yung love? Kahit alam mong di niya nasusuklian yung pagmamahal mo ok lang ang mahalaga mahal mo lang siya.
 
Sangayon po ako sainyo. Ako po may problema samin. Tama po kayo di ko lang po siguro matanggap at hindi ko pa rin siya napapatawad. Kung may dapat pong baguhin is ako yun, hindi siya. Napakatanga ko kasi yung dating iniiyakan ko dahil nagloko at humalik na ay hindi ko tinatrato ng maayos. Maraming maraming salamat po! Pero alam nyo po sa ngayon oks ako pero maya maya kakainin ko mga sinasabi ko yun din po hirap sakin eh Hays anw Maraming maraming salamat po ❤️
 
Magiging mabuti po akong boyfriend sa kanya at ibabalik ko yung tiwala ko sa kanya kasi alam kong deserve niya ang pagkatiwalaan ulit.
 
mag usap kayo TS kung kaya naman na pag usapan nyo yan, pag usapan na agad2x wag ng patagalin pa. Walang kwenta yang 5 yrs. nyo kung in the end maghihiwalay din kayo..
Bottomline, kung di sya worthy sa pagmamahal mo so be it! Move on, may darating na mas better para sayo.
Nasa huli ang pagsisisi paps, kahit nga bagong kasal naghiwalay kinabukasan dahil sa hindi ma settled na bangayan..
 
Gagawa po ulit ako ng way para makausap ko siya. Tama po kayo communication is the key. Tsaka ako po lalaki kaya dapat ako dapat gumawa ng paraan para magkaayos kami. Sang ayon din po ako sa sinabi nyo na walang kwenta yung 5 years kung maghihiwalay lang din. Maraming salamat po ❤️
 
[XX='SakuraX, c: 1181516, m: 1350562'][/XX] keep your cool lang pag nag uusap na kayo. Dapat in a manner din na satisfied ka sa mga sagot nya yung may sincerity, ikaw mismo makakatimbang kung ipagpapatuloy nyo yan or stop na. Para kc kayong nakasakay sa bus na walang driver, tumatakbo ang relationship nyo ng wala kayong patutunguhan.. Ganon talaga ang nagmamahal meron sakit at sakripisyo pero kailangan mo rin magtira para sa sarili mo..
 
[XX='SakuraX, c: 1181502, m: 1350562'][/XX] You have to consult an therapist and giving you an advice and method on how to deal with that situation and your mix emotions persona 🤗.
 
[XX='jncndlcpa, c: 1181795, m: 1832526'][/XX] Yup i agree with you, minsan need ng intervene ng kapwa tao and make god in the center of their relationship 😁. Maganda yan dalhin sila sa isla na kung saan wala silang pagkain kundi kagamitan lang para makaluto at tirahan. Kumbaga they will know more on each other and stay their for 1 or two years harharhar 😈.
 
[XX='moondhie, c: 1181821, m: 1068628'][/XX] Natawa naman ako. Parang Man and Woman vs. Wild. Hahahahahaha. Ang hirap nyan master. Hahahaha. Magkakaalaman talaga pag ganyan. 🤣
 
Last edited by a moderator:
[XX='jncndlcpa, c: 1182130, m: 1832526'][/XX] Despite of that if they got success eh malamang may trust and respect na sila sa isa't isa and committed also 🤗.
 

Similar threads

Back
Top