What's new

Toxic relationship

Nairobi

Eternal Poster
Joined
May 17, 2017
Posts
767
Reaction
974
Points
338
May gf ako na masyadong selosa like maglalaro lang ako ng codm gusto nya naka on yung history ko para makita nya na baka may kaduo ako ganun den sa ml kahit mag like lang ako ng babae kahit artista ang avatar sa ml magagalit and sa iba pang games ganun sya dumating den sa point na ultimo kaibigan ko na madalang ko na lang nakakasama eh pinagseselosan nya pa kesyo baka may kasama kayong babae ah?! puro naman lalaki yon kahit bumili lang ako ulam tatanungin nya sino kasama mo?! Eh sa loob ng isang month nagkikita naman kame pinaparamdam ko na sya lang mahal ko kaso wala e puro kame away dahil sa mga padududang wala naman basehan then kagabi kase nag inuman kaming tatlo ng mga kaibigan ko na lalaki at once in a bluemoon ko lang sila makasama at makabonding dahil may mga work sila at silang dalawa lang tropa ko then nag movie marathon habang nagiinuman at pagkatapos non nagopen ako ng fb nagulat nalang ako minumura nya na ako kesyo nasa ibang bahay kame baka may babae kaming kasama then binlock nako sa fb ng walang paliwanag ko ilang buwan naden ako nagtitiis sa ugali nya di ko alam kung deserve ko magkaroon ng ka relasyon na ganito kanina lang umaga I decided na hiwalayan na sya pero gusto ko pa syang bigyan ng pagkakataon na magbago pero andami ko ng tiniis at binigay na chances sa kanya. Nagbabalak naden ako mag deact sa fb just to forget her. alam ko mababasa nya to kase shinare ko sa kanya tong acc ko sa PHC para makapagdownload sya ng mga movies, Pa advice nahihirapan ako 😔 Never naman ako naghanap ng iba pero bat ganon sya ka toxic. kapag naman binigyan ko sya ng chance babalik lang sa dati na puro pagdududa.
 
Last edited:
may bad experience ba sya before sa mga past relationships nya? or nangyare sakanya para magkaron sya ng trust issues sa lalaki?
 
may bad experience ba sya before sa mga past relationships nya? or nangyare sakanya para magkaron sya ng trust issues sa lalaki?
First boyfriend nya ako and yet may past kase kame noon na nakipagchat ako but nothings is fishy about sa usapan namen its all about movie don sya nagstart magselos. Pero matagal na un and napatawad nya na ako.
 
Either bad experience (not necessarily hers) or nagpproject sya.
Gather the strength na kausapin sya. Iparamdam mo na naiintindihan mo sya. Check yourself to baka kulang din nmn attention na naibibigay mo kaya ganyan.
 
Baka namn naloko na sya dati...or naagawan. maybe hindi nya jowa pero ka m.u nya or maybe crush, kaya sya ganyan ka higpit ngayon sayo na first bf nya.
 
magkipaghiwalay ka na dyan pre. Wag mo pairalin emosyon mo. logic naman para sa ikabubuti ng kaisipan at pakiramdam mo. Malay mo may lalaki pa lang iba yan, sayo lang sinisisi pagkaselosa nya para may rasong kang hiwalayan sya. Pustahan tayo.
 
nakaka stress naman yang ganyang babae paps
kung ako sayo hiwalayan mo na..
dami pang babae jan na peace of mind ang bibigay sayo,susupurtahan ka sa mga bagay bagay
 
magkipaghiwalay ka na dyan pre. Wag mo pairalin emosyon mo. logic naman para sa ikabubuti ng kaisipan at pakiramdam mo. Malay mo may lalaki pa lang iba yan, sayo lang sinisisi pagkaselosa nya para may rasong kang hiwalayan sya. Pustahan tayo.
3 days na kaming di nag uusap dahil sa nag away kame dahil nung sunday dahil lang sa paghihinala wala e napuno nalang talaga ako at naubos na pasensya ko. Ilan beses nako umintindi at nagpasensya. Kaso wala e.

nakaka stress naman yang ganyang babae paps
kung ako sayo hiwalayan mo na..
dami pang babae jan na peace of mind ang bibigay sayo,susupurtahan ka sa mga bagay bagay
Kaya nga lods e gusto ko lang naman ng peace of mind at stress free na relasyon kaso ganito na kame e ilan beses nako nagtiis at nagbigay ng chance kaso wala e di naman ako nagloloko kase di ko kayang magawa un sa kanya.
 
Pakawalan mo na yan pre. Lalaki ka. Tingin ko mas gusto nya yung no talk kayo now kasi malaya syang makakabengbeng sa ex nya. Tandaan mo, mas kilala nya ex nya kesa sayo.
 
Hindi healthy ang relationship nyo. Yung jowa ko ngayon first boyfriend ko. Mid twenties na kami and bago pa lang kami. Mahilig din sya mag cod like araw araw pero never kong tinanong kung may kaduo or kung sino nakakalaro nya nowadays. Kasi unang una, mag jowa pa lang kami. Hindi rin ako mahilig mag overthink sa mga bagay bagay na makakasira sa relationship namin. Pero kung ganyan yung partner mo like bawat galaw mo is suspicious sya, mahirap makipagtalo sa ganyan kasi ikaw na lang din mapapagod hanggang sa huli.
 
Hi po ako po selosa. Sa tulad namin po na selosa ang tanging hiling lang po namin ay assurance po na mahal niyo kami. Masasabi ko lng din po na need nio ang communication pag usapan niyo dalawa yung ganitong problema. Kaya po ganyan siya kasi mahal na mahal ka po niya. May mga tao lng tlga na overthinker. At sana kung mahal mo talaga siya pagtulungan niyo dalawa kung paano siya hindi magselos.
 
Trust issues pre. Di naman yan toxic pero maybe emotionally damage lang sya sa past nya. Siguro yung past bf nya nanloko mga ganun. Kaya nagkakaroon sya ng doubts. Normal lang yan. Magkakaroon tayo ng trauma sa mga nangyayaring masama sa buhay natin.
Kausapin mo lang na di ka nakikipag sabayan sa kanyang galit sa pag se selos. Katagalan yan is magkakaroon sya ng tiwala sayo.
 
siguro masyado lang sya na eexpose sa either social media or sa mga friends nya na may bad experience. base sa kwento mo, medyo nakakasakal nga yung ugali nya. much better siguro mag usap kayo ng masinsinan about sa ganung attitude. immature lang siguro sya kasi 1st bf ka nya. bigyan mo sya ng assurance mahirap kasi ang may trust issues.
 

Similar threads

Back
Top