What's new

Closed To all bitcoin user v.2

Status
Not open for further replies.

Kronus

Honorary Poster
Joined
Sep 21, 2017
Posts
282
Reaction
119
Points
176
Marami pa rin ang mga sumasali sa mga get rich quick scheme at meron akong bagong naresearch na nagpapatunay lalo sa isa kong nalaman dati na isang investment scam pero hindi ko na papangalanan.
1. May eroplano daw sila pero nagpa-ads lang pala sila. Last 2 weeks pagpunta namin ng Cebu, may nakita akong Puregold sa isang Air Asia na eroplano. Ibig-sabihin ang supermarket na Puregold may sarili nang eroplano?
2. Fineature daw sila ng isang airline sa in-flight magazine nila pero ang totoo ay katulad lang nung #1 na nagpa-ads lang din naman sila kaya sila mismo ang cover.
3. Gumagamit sila ng mga pangalan ng ibang negosyo na kapangalan nila pero hindi naman talaga related sa company nila. Para lang masabi na diversified ang businesses nila.
4. Yung owner ng company na ito ay isa sa mga top upline ng isang company na napatunayang scam naman.
5. Ang industry na nirehistro nila sa ibang bansa ay patungkol sa programming at data processing pero yung pinagmamalaki nilang listing nila sa stock market ay nakarehistro as agricultural.
6. Gagawa na rin daw sila ng cryptocurrency pero kapag hinihingian ng source code ng blockchain nila at ng whitepaper, biglang nagiging defensive kesyo hindi ka naman daw member pero sa huli, wala namang maipakita.
7. Hindi porke nakarehistro sa ibang bansa ay pwede na mag-operate dito sa Pinas. Kaya nga kahit mga international business franchises ay kailangan mag-establish ng company dito as an entity na igogovern ng mga batas ng Pilipinas.
Ang isang company na walang clear defined product or service at puro recruit lang ang inaatupag ay mahuhulog sa mga pyramid o ponzi schemes. Ang ganitong mga kumpanya ay tumatagal lamang ng 3 to 5 years tsaka sila magsasara kung wala nang pangsustento sa mga unang pumasok o magpapalit ng pangalan para makapanggoyo pa ng iba.
Nabasa ko sa isa kong friend, pwede nang short term investment kasi nauna ka at siguradong kikita ka sa mga invites mo pero paano na lang yung mga late na papasok at nasa ilalim na sila ng food chain este binary tree? Nganga na lang?
Papangalanan ko ang investment scam na iyan kapag may mga legal actions nang ginawa ang bansang pinanggalingan niya. For now, kayo na muna ang bahala mag-research.
Tulad ng ginawa ko sa Aurora Mine na post ko last time. Recruitment ang modus nila then ipapalease daw nila yung mga mining rigs nila for you to earn thru Bitcoin mining. Ang totoo, thru invites lang ang income nila kasi Bitcoin trading on its own is lucrative dahil currently paakyat ang price niya ngayon. Ang problem, wala naman talaga silang mining farm na ipaparent. Anong nangyari sa Aurora Mine? Ayun, hindi na maaccess ang website nila so goodbye pera sa mga umasa.
Mag-ingat sa mga nagsasabing kikita ka ng Bitcoin o iba pang cryptocurrency pero thru recruitment lang pala. Kung gagawin mo ang assignment mo, dalawa ang primary means para kumita sa cryptocurrency. Iyan ay ang mining and trading at kaya mo gawin yan directly sa mga legit sites ng hindi dumadaan sa mga uplines.
Marami pang mga scams ang lilitaw niyan related sa cryptocurrency dahil unti-unti na siyang nakikilala lalo na dito sa Pilipinas.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top