What's new

Tips sa may putok o body odor.

MisterAydin

Eternal Poster
Joined
Nov 1, 2020
Posts
571
Reaction
675
Points
295
Exfoliate your armpit.
I suggest na use ka ng maxi peel.
May number un, so use either #2 or #3. Kung sensitive ka mag #1 ka.
Kasi may mga taong kahit anong deo nila amoy paksiw padin sila.
Ang prob dun eh nasa skin na mismo.
Kailangan maexfoliate ung upper layer ng skin na puro bacteria/fungi.
This goes with guys too.
Kailangan nating magexfoliate ng kili-kili natin.
Ginagawa ko to kahit wala akong body odor kasi ayaw ko talaga ng amoy sinigang. Hindi talaga ako fan ng maasim...lalo na tao.
So far, napansin ko na pag ginagawa ko to (every 3 months), kinabukasan walang amoy kili-kili ko. Kahit di ako magdeo buong araw walang amoy.
Take note, mainit pa panahon.


Direction:
1. Bago matulog, hugasan ang kili-kili.
2. Magpatak ng 2 drops ng Maxipeel sa cotton tapos ipahid.
3. Air dry for 2 mins.
4. Lagay ng moisturizer. Manipis lang. Basta lang malagyan.
5. Magpray.
(1month MAX mo lang gagawin to. Bawal lumagpas. Tapos gawin mo ulit after 3 months.)


Need ng moisturizer kasi medyo matapang si Maxipeel at malakas makasugat ng kili-kili. Hindi pwedeng wala. Maniwala ka. Natry ko nun, di ko mataas braso ko. Any moisturizer will do. Nivea Creme Blue mura. O kaya ung Olay kung mayaman ka. Depende sayo.


Tapos ang pinaka deo ko sa araw ay:
1. Lagay aloe vera soothing gel (any brand) sa kili-kili.
2. Patuyuin.
3. Lagay tawas.
4. Magpray.


Baka may magsabi na masyadong mahal. Nope. Kasi pag bumili ka nman nyan ilang buwan na use mo na. Ung soothing gel na 300ml ay 2-3 months bago maubos. Ung Maxipeel 60ml ay isang buwan. Ung moisturizer depende sa laki at lagay mo.


Kung gusto mong bumango, GUMASTOS ka.

Dagdag ko rin. Lessen mo ung usage mo ung deo na available sa market. Nag cause un ng blockage ng pores sa kili-kili na lalong nagpapabaho sayo. Isang common prob sa may mga body odor ay meron silang pores sa kili-kili na itim tapos pagpiniga un may laman na mabaho. Check mo kili-kili mo for sure meron. Parang blackheads un sa kili-kili na ang laman ay parang nana na puti o minsan black. Check pic.
Kaya magexfoliate ka.
Black_92059.jpg



Make sense??


Shalom!
 

Attachments

Last edited:
Kaninong kili kili nasa pic? hehehe

Thanks for this tips, kili kili ko maputi naman kaso may parang bukol bukol na maliliit parang syringgoma.
 
Maganda rin ata Milcu Powder papi.

Nung ginamit ko yun, nawala asim ng armpits ko. Pero wala akong putok ah 🤣
 
Mas ok kung ihalo sa tubig yung tawas 🤣 mas mura try niyo
Woi, gusto kong itry to. Kaso ayaw kami pagamitin ng tatay namin nang kahit anong panglagay sa kili² iitim daw! BTW sa mainit na tubig mo tinutunaw yung tawas? Anong halo? TY. Sweaty din kase paa ko. Lalagay ko sana sa paa ko .
 
Woi, gusto kong itry to. Kaso ayaw kami pagamitin ng tatay namin nang kahit anong panglagay sa kili² iitim daw! BTW sa mainit na tubig mo tinutunaw yung tawas? Anong halo? TY. Sweaty din kase paa ko. Lalagay ko sana sa paa ko .
Kahit sa malamig na tubig po ,Mabilis lang naman siya matunaw HAHAHA yubg buo buo durogin mo na lang .BTW, pabg last banlaw mo siya
 
  • Love
Reactions: KTL
Back
Top