What's new

Thoughts about the shooting incident?

Kalat na kalat sa facebook yung ginawa ng pulis sa mag-ina na walang kalaban laban.
Ambigat lang sa pakiramdama makapanood ng ganon.
Di ko nilalahat pero marami talagang ganyang police na sabik bumaril or di kaya short tempered.
Di ko alam kung bakit may mga ganyang klase ng tao na nakakapagsuot ng uniporme kung nate-train naman sila ng maayos.

Sobrang awa ko lang talaga sa mag-ina na yon.
May their souls rest in peace.
 
[XX='moondhie, c: 603229, m: 1068628'][/XX] Tama ka boss. Dapat talaga alam ang both sides of a story.
 
After ko marinig ang balita niyan agad akong nakinig sa balita sa radyo at nagsalita naman ang investigator at nilahad niya kung bakit nauwi sa pamamaril. Ganun talaga pag uminit nawawala na sa wisyo lalo na kung may hawak ka na alam mong pampawi ng galit mo 😅.
 
dapat bigyan ng pinakamabigat na parusa sa pulis na iyon. O kaya bitayin siya,
daming galit na human rights activist dahil dun. Sana makarating to sa ICC,
Well double murder (Almost habang buhay na yan) ang initial case niya at di pa kasama administrative case. Nagtataka lang ako bakit need pa magalit ng human rights activist? 🤔 (kung meron man). It is isolated case yun and walang kinalaman ang gobyerno sa nangyari. Desisyon yun ng pumatay (Have grudge sa kalaban). For me bantayan lang dapat nila ang kaso para makuha ang justice sa biktima. ICC? 🤔 walang connect po iyan kasi may korte tayo and normal domestic violence lang iyon at sumuko naman yung pumatay 🤗.
 
Sana lang hindi protektahan ng mga kabaro niya. Kesyo may mas mabigat pang pinag-ugatan yung away nila, dahil sa boga, at natrigger sa pagkanta ng I Don't Care nung nanay. Lagi tayong babalik sa hindi solusyon ang pumatay ng tao. Ang batas ay batas, pagbayaran niya mga kasalanan niya.
 
walang excuses..taenang pulis yun..kahit anong klaseng excuses pa ang ilabas nila. dapat maximum tolerance ang pina iral niya..nakaka awa yung mag ina.
 
naaalala niyo pa ba yung balitang may dalagitang hinuli ang mga magulang dahil pushers daw umano ang mga ito noong mainit ang drug war, ang sinabing kapalit ng pulis ay ang makipagsiping sa kaniya yung dalagita kapalit ng kalayaanng magulang niya, rape yung nireklamo ng babae bata pa, binalita yun sa gma news.
 
kahit na,masyadong mababaw na rason yung pag kanta or pag-inis ng victims and professional siya di dapat agad² nag papadala sa emotion kasi buhay yung nawala. I get your point din pero wala eh dapat mas na handle niya ng maayos yun.
 
ang masasabi ko lang ay nakakalungkot at dismaya specially sa pulis kasi dapat mas pinahaba ang pasensya niya sayang lang na professional siya at antagal ng baranggay sa paniqui if dumating sila agad hindi na sana napunta sa barilan,isa pa bakit kasi hinayaan ng nanay palapitin ang batang babae dun kasi mas naging malala nun nakisali na siya. basta sana maparusahan yun pulis. rest in peace na lang sa mag ina.. sayang lahat ng buhay na nainvolved kahit na sa pulis sinayang niya buhay niya. nagbigay pa sya ng trauma sa anak niya.
 
[XX='sunstrife, c: 603338, m: 352743'][/XX] Alam ko kasama sa tinetrain yung patience ng isang pulis bago makapag suot ng uniporme e, kaso mas madalas mangyari na hanggang training lang nila nagagawa. Di ko rin maintindihan kung bakit mayayabang yung iba e, kahit mga baguhan lang.
 
Kitang kita naman na kulang talaga sa disiplina karamihan sa mga pulis e, maduming madumi na imahe ng kapulisan ngayon. Pinangarap kong maging isa sakanila dati e, ngayon hindi na. Mas magandang sila ilagay sa front line tuwing may gera e.
 
Di normal yun lods para sakin kasi if may malalim na pinag hugutan yung pinag-awayan may mga legal solutions para dun. Pero nauwi siya sa pamamaril and dapat mas na handle ng pulis yun, kasi mas professional siya. Buhay ang nawala dahil umiral yung init ng ulo kaya di normal yun.
 
tsaka ung suspension nya dahil sa pag tanggi sa drug test noon how come n n kaka pag serbisyoprin yan tsk tsk. wala talagang sistema.
 
Sadly this is not an isolated case! Since duterte is in power we live in a culture of impunity... whatever they do the cops, the military, they will be absolved by the madman. It's impunity from the top, the leadership, all the way down. The new normal in the Philippines.... When are we going to wake up? This cannot go on :cry:


screenshot-twitter.com-2020.12.21-10_22_35.png



screenshot-twitter.com-2020.12.21-10_18_01.png
 

Attachments

di naman masasabi ng bata yun kung hindi naispoil yung bata. tamo di marunong rumespeto sa matanda.
sana lang talaga makatarungan ang hustisya sa mag-ina.
 
Back
Top