tama yan, ganyan ginawa ko dati pati mga connections nya na friend ko naka unfollow din, kahit nga ngayon na okay na ko at may bago na naka unfollow parin sila, no need na kasi ibalik hahaha
kung masakit para sayo, unti unti yan mawawala sa tagal
Sa mga nabasa ko sa taas,
I think, in denial ka pa paps..
Una, dahil sa connection niya with her past husband--yung baby nila;
2nd, yung ego mong nasaktan at feel mong natapakan, dahil sa pagentertain niya sa iba;
3rd, yung pag-assume mo na ikaw pa rin ang gusto niya;
4th, you're acting cool, kaya sinasabi mo na siya ang naghabol sayo nung una at naging emotionally invested ka na lang in the process. Dahil sabi mo nga ikaw yung tipo na habulin.
Kailangan mo nang mag move on paps, putulin mo na lahat ng connection meron kayo. And let yourself heal first bago pumasok ulit sa susunod na relationship.
Totoo lahat ng sinabi mo legit.
Pero alam mo yon naka move on nako pero parang nasaktan lang ako kasi meron na syang iba haha pero ganon talaga ang buhay
[XX='Awe_56iu, c: 1278110, m: 1801178'][/XX]
salamat paps madaming salamat din
Hindi muna ako sa sarili muna ako mag focus magpapaka yaman muna ko haha Salamat
[XX='jncndlcpa, c: 1278216, m: 1832526'][/XX]
Feel ko kasi na mas maganda na ung ganon kesa masaktan ko pa sarili ko,like she doesn't deserve naman na gawa ng may kausap na sya and she's happy naman na kaya Ill keep it that way.
Bitter sweet tawag dyan paps lahat naman tayo medyo nasasaktan kapag may iba na yung dati minahal natin, syempre kahit papaano minahal mo yun eh, pero at the end of the day marerealize mo tapos na yung kayo. Tapos na yung mga dahilan bakit kayo nagkakilala, ngayun baunin mo na lang lahat ng lesson na natutunan mo sa kanya sa darating na iba. Okay yan na ikaw muna asikasuhin mo, at magpayaman ka muna hahaha ayusin mo muna sarili mo para ready na ready ka na, walang insecurities, walang pangmamaliit na magaganap sa sarili niya yung tanggap niya kung ano siya regardless sa sasabihin ng iba kahit mahal pa niya
Naniniwala ako na marami pa dyan na mas better para sayo, sana yung piliin mo paps yung ready na rin kasi by that time ready ka na rin. Mahirap kasi kapag yung pipiliin mo di pa ready sa relationship niyo, Like katulad ng sa ex mo napakarami pang baggages na dala dala, di goods yun.
So ayun lang first time ko lang mag advice ng ganito dito nakita ko kasi post mo hahaha sana nakatulong, based on experience na rin yan kasi galing din ako sa breakup na nagpabago rin ng buhay ko yung inayos ko sarili ko.
[XX='jncndlcpa, c: 1278324, m: 1832526'][/XX] iba kasi ako magpaliwanag mmy..charismatic, kaya pati ikaw mapapaniwala. Joke lang ito. baka kasi open-ended pa naman yung advice mo. Kaya nag isip pa siya ng ibang option.