What's new

Help TANUNGAN NG SIRA SA COMPUTER AT LAPTOP | TANONG MO, SAGOT KO!

CONFITEOR

Honorary Poster
Established
Computer technician ako for several years, and I can say na marami na ko na-encounter na problema sa computer at naayos.

Ask me anything tungkol sa sira ng computer at laptop nyo.

Sa mga kapwa ko technician tulungan din po natin ang mga members dito sa problema nila, wag lang sa love life 😅🤣

When posting questions, please post in this format para madali ma-trace ang problem

*************
Problem/Errors (if error, indicate the error code):
Date when last used (na okay pa):
Date problem/error occured:
Last activity bago nagkaproblema (example: nanonood ka lang ng p*rn bigla na lang nag shutdown na pc mo):
*************

Paki indicate din kung anong unit at quick specs:
Motherboard:
Procie:
RAM:
Windows OS Version (Win 7, Win 10, XP)

Always do first level troubleshooting:
1. Check cables/connections
2. unplug and unplug power cable/laptop charger
3. check kung umaandar ang fan
4. for no boot/no display, reseat RAM: clean with erase then put it back
at marami pang basic procedures na pwede munang gawin na baka sakaling mapagana ang system unit/laptop nyo

Sa mga may visible na sira sa LCD, (*****, lcd burn, etc.) obviously for replacement na ang case nyan, pero kung mapagtyatyagaan nyo gamitin wala namang problema don

Sa keyboard ng laptop with keys na di gumagana, I suggest na baklasin o ipabaklas nyo at linisan ang keyboard, marami nagagamot pa sa ganon bago magproceed sa replacement. Tinatanggal ko minsan yung di gumaganang key, at ibinabalik lang tapos gumagana na ulit.

Let's keep this thread alive! Susubukan ko kayo matulungan based on my experience ^_^
 
Last edited:
may katanungan po ako mga master. PC ko mag 1 year na ganitong problema. Pag on ko nang avr, automatic on din cpu fan at front lights pero d pa talaga sya mag boot, need ko pa e power button. Tas pag shutdown naman, on pa din cpu fan niya, d completely off. Dahil dito sobrang low health na mga HDD at external ko dahil sa force off sa avr. Sa tingin ko sa PSU? Tulong sana mga kapatid
 
Oo paps dati, ngayon hindi ko na magamit. Pag ioopen ko hindi siya mag open malakas lang yung fan, hindi siya normal na lakas. Sinubukan ko na ring linisan ram at pati yung hard drive, ayaw talaga mag open.
Hindi para sa'yo yan pero 'di bale, tanggalin muna sa outlet, linisin ang mobo gamit compressed air at soft paint brush, yung mga slots, PSU, fans. Pag wala ng alikabok, tanggalin mo yung CMOS battery, diinan ang power button ng CPU for 30 secs, tapos ibalik ang CMOS after 5 mins. Plug muna sa power, isang ram lang at isang slot muna ang gagamitin, onboard graphics muna i-connect ang monitor, power on na, kapag ayaw isang ram naman.
 
hnd parin sir. ano kaya iba ko pang pede gawin
  1. Switch on the computer and tap F2 key to enter the BIOS.
  2. Once in BIOS, press F9 to load BIOS defaults.
  3. Press F10 to save and exit the BIOS.
  4. Tap F8 key repeatedly at Dell logo for windows "Advanced Boot Options".
  5. Use the up/down arrow keys to highlight “Last known good configuration “and press enter.
  6. If the computer does not boot to windows, restart and repeat Step 4.
  7. Use the up/down arrow keys to highlight "Repair your computer" and press enter.
  8. Select the input language and select your user account.
  9. Once at "System Recovery Options", click "Startup Repair".
 
Master baka matulungan mo ako pano ko kaya mareset ang bios ng asus x407uar windows 10 i3 4g ram 1tera hdd help nmn po dirin po na gana yun alt +r sa backdoor recovery eh check ko din yung loob walang cmos battery natry ko na rin tanggalin ang built in battery nya ganun pa din po pahelp nmn master
 
boss, may mga pc kc ako na kahit bagong format at wala pang masyadong files eh mabagal pa rin talaga. ang ram ko ay nasa 4gb lang, cpu speed ay 3.30ghz. dabest kaya kung mag uupgrade ako ng ram na mga 32gb all in all?
salamat po sa tutugon
 
yung sakin sir ginawa ko na lahat ng troubleshooting basic ayaw pa din ma uhay cpu ko anu kaya ptoblema nito pag on ko patay agad yung ilaw ayw din umikot ng fan
 
Back
Top