What's new

Trivia Tanong na wala pang nakasagot tungkol sa bibliya

Hindi ito debate thread kaya di ako nag rereply sa mga replies mo at alam mo na ang lahat tungkol sa bibliya kaya di ko na kaylangang sagutin mga tanong mo i-rereport na kita pag di ka pa tumigil
 
binanggit ang Dinosaur sa Bibliya pero hindi literal na Dinosaur ang pagkakabanggit. Nalimutan ko yung verse pero naaalala ko ang sabi "Malalaking hayop"?
 
[XX='Ace106, c: 701545, m: 1382361'][/XX] di ko maintindihan. Anak ng Diyos si Cristo pero hindi siya diyos? Baka ang pinopoint out mo kapatid na hindi kahanay ni Cristo ang Ama? Oo tama naman. Pero sabihing hindi diyos si Cristo.. parang mali ata kapatid?
 
Di naman talaga diyos si jesus naging diyos lang sya dahil mataas ang position niya sa langit pero di sya ang tunay at makapangyarihan sa lahat
 
[XX='Gentleman007, c: 701295, m: 631158'][/XX] mahirap po yang salin :) mas okay pa ang version King James at Ang Dating Biblia.. yun lang naman ang nakakadisappoint sa Jehovah's witnesses, ang pagbabago ng pangalan ng Diyos, pero the rest naman siguro sa turo. okay na
 
Nagsimula po magkaiba iba ang lahi simula nung pinatayo ang tore ni babel. Nung pinana niya ang langit nagalit ang Dyos at ang lahat ng mga tao roon nagkaiba iba ang language, dun na nasimula ang pagkakron ng maraming wika at races.
 
Sabi mo ts naniniwala bakit ipinapako nila? Kasi naniniwala ka kahit maimpluwensiyahan ka ng iba stick kasa paniniwala mo? Hindi ba ang pananampalataya ay nagsisimula sa pakikinig? Nakita at nadinig naman nila bakit ayaw nila maniwala?
 
Yes naniniwala sila nong una pero nag bago yun kung babasahin mo ang kasaysayan ni jesus makikita mo na madaming sumusunod sa kanya pero nong nag laon nawala din at dahil din sa mga lider na gusto patayin si jesus kaya sa kanila na paniwala nila na impostor si jesus
 
Oo nasa loob nang langit nakakabalik parin si satanas sa langit kahit nagkasala sya pero sa panahon natin di na makakabalik si Satanas don sa langit
 
ahh ok im roman catholic but not doing what they are doing......ask ko lang bakit jehova ang pangalan niyo brother wala naman ito sa bible?
 
[XX='Ace106, c: 710362, m: 1382361'][/XX]Kung nakakapasok pa rin siya sa langit dati lumalabas na sinungaling pala ang Panginoong Jesus. Kasi sabi ng Panginoong Jesus sa Mateo 7:21 na ang papasok lang sa Kaharian ng langit ay yung mga sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama. Pinapakita lamang ni Cristo na lahat ng nakakapasok sa kaharian ng langit ay yun lang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama. Kaya bakit hahayaan ng Ama na papasukin si satanas sa langit eh hindi naman ito sumusunod sa kalooban ng Ama. Kontradiksyon sa turo ni Cristo ang nagsulat ng aklat ni Job na nakakapasok si satanas sa langit dati. Kaya hindi totoong nakakapasok si satanas sa langit dati dahil hindi naman siya sumusunod sa kalooban ng Diyos Ama ayon sa aral ng Panginoong Jesus.
 
Actually sir naniniwala kaming ang
pangalan nang diyos ay Jehova or sa iba ay YAHWEH kahit sa Kjv kung babasahin mo ang bible sa psalm 83:18 ay makikita mo ang pangalan na Jehovah sa ibang bible naman makikita mo sa likoran ang explanation kung bakit nawala ang pangalan nang diyos pero sa ibang bible talagang tuluyan nawala ang pangalan nang diyos

More info dito saming articles
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ito rin video para madali
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Ang totoo nong nag hari si jesus sa langit at nag umpisa ang kaharian sa langit kaya inihagis si Satanas dito sa lupa ibig sabihin na sirado na ang langit para sa kanya


Full verse Apocalipsis 12:1-12

1.Pagkatapos, isang dakilang tanda ang nakita sa langit: Isang babaeng nadaramtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng mga paa niya, at sa ulo niya ay may isang koronang gawa sa 12 bituin, 2.at siya ay nagdadalang-tao. At sumisigaw siya dahil sa kirot at matinding hirap sa panganganak. 3. Isa pang tanda ang nakita sa langit. Isang malaki at kulay-apoy na dragon, na may 7 ulo at 10 sungay, at sa mga ulo nito ay may 7 diadema; 4. at kinakaladkad ng buntot nito ang sangkatlo ng mga bituin sa langit, at inihagis sila nito sa lupa. At ang dragon ay nanatiling nakatayo sa harap ng babae na malapit nang manganak, para kapag nanganak na ang babae ay malamon nito ang anak niya. 5. At nagsilang siya ng isang anak na lalaki, na magpapastol sa lahat ng bansa gamit ang isang panghampas na bakal. At ang anak niya ay inagaw at dinala sa Diyos na nakaupo sa trono. 6. At ang babae ay tumakas papunta sa ilang, kung saan may lugar na inihanda ang Diyos para sa kaniya at kung saan nila siya pakakainin sa loob ng 1,260 araw. 7. At sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel at ang mga anghel niya ay nakipagdigma sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagdigma, 8. pero hindi nagtagumpay ang mga ito, at wala na silang lugar pa sa langit. 9. Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na nagliligaw sa buong mundo; inihagis siya sa lupa, at ang mga anghel niya ay inihagis na kasama niya. 10. Narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsabi: “Ngayon ay dumating na ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang Kaharian ng ating Diyos at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, dahil ang tagapag-akusa sa mga kapatid natin ay inihagis na, ang nag-aakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos! 11. At nagtagumpay sila laban sa kaniya dahil sa dugo ng Kordero at sa mensahe ng pagpapatotoo nila, at hindi nila inibig ang buhay nila kahit sa harap ng kamatayan. 12. Dahil dito ay matuwa kayo, O langit at kayong mga nakatira diyan! Kaawa-awa ang lupa at ang dagat, dahil ang Diyablo ay bumaba na sa inyo na galit na galit, dahil alam niyang kaunti na lang ang panahong natitira sa kaniya.”
 

Users search this thread by keywords

  1. Omnipotence Paradox

About this Thread

  • 2K
    Replies
  • 35K
    Views
  • 190
    Participants
Last reply from:
Gentleman007

Online statistics

Members online
1,337
Guests online
4,197
Total visitors
5,534
Back
Top