What's new

Closed Tanging daan para makapunta sa langit

Status
Not open for further replies.

angelo_salem9

Honorary Poster
Joined
Jun 3, 2016
Posts
589
Reaction
119
Points
177
Age
35
Madalas sabihin ng tao, “Mabait ako, laging nagsisimba, at sinisikap kong gumawa ng mabuti. Siguro ang mga masasamang tao lamang katulad ng mga mamamatay-tao at mga nang-aabuso ng mga bata ang mapupunta sa impyerno.”

Ito ang karaniwang iniisip ng mga tao, pero hindi ito totoo. Si Satanas ang naglalagay ng ideyang ito sa isipan ng mga tao. Siya at ang mga sumusunod sa kanya ay mga kaaway ng Diyos (1 Pedro 5:8). Laging nagkukunwari si Satanas na siya ay mabuti (2 Corinto 11:14), at kinokontrol niya ang isip ng taong hindi pa nananampalataya sa Diyos. Sinasabi ng 2 Corinto 4:4, “Ayaw nilang manampalataya sa Magandang Balita dahil binulag ang kanilang mga isipan ni Satanas, ang Diyos ng mundong ito. Binulag niya sila upang hindi nila maintindihan ang Magandang Balita tungkol sa kapangyarihan ni Kristo, na siyang larawan ng Diyos.”

Hindi totoo ang paniniwalang bale-wala sa Diyos ang maliliit na kasalanan at ang impyerno ay para lang sa masasamang tao. Lahat ng kasalanan ay naglalayo sa atin sa Diyos, maging gaano man ito kaliit. Lahat ay nagkasala at walang makapupunta sa langit dahil sa sarili niyang pagsisikap (Roma 3:23). Ang pagpunta sa langit ay hindi nakabatay kung mas marami ang nagawa mong mabuti kaysa sa masama. Hindi tayo makapupunta doon kung iyon ang ang ating pagbabatayan. Ayon sa Roma 11:6, “Kung ang kanilang pagkapili ay dahil sa kanyang biyaya, hindi na ito nakasalalay sa mabubuting gawa ng tao. Sapagkat kung nakasalalay sa mabubuting gawa, hindi na ito biyaya.” Wala tayong magagawa anuman para makarating sa langit (Tito 3:5).

Makapapasok ka lamang sa kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng makipot na pintuan, dahil maluwang ang pintuan at malapad ang daan patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami (Mat 7:13). Kahit na ang karamihan ay namumuhay sa kasalanan at ang pagsampalataya sa Diyos ay hindi popular, hind iyon palalampasin ng Diyos. Ayon sa Efeso 2:2, “Namuhay kayo nang ayon sa pag-uugali ng mundo. Nasa ilalim kayo noon ng kapangyarihan ni Satanas na siyang naghahari sa mundo. At siya rin ang espiritung kumikilos sa puso ng mga taong ayaw sumunod sa Diyos.”

Nilalang ng Diyos ang mundo na ganap at mabuti. Pagkatapos, nilikha niya sina Adan at Eba. Binigyan sila ng Diyos ng kaisipan at kalayaang pumili kung susundin nila ang Diyos o hindi. Ngunit tinukso sila ni Satanas upang suwayin ang utos ng Diyos at bunga nito ay ang kanilang pagkakasala. Ito ang dahilan kung bakit nahiwalay sila sa Diyos at naputol ang kanilang magandang relasyon sa kanya. Ang Diyos ay banal at ganap, kaya kailangan niyang hatulan ang kasalanan. Dahil makasalanan tayo, hindi na tayo maaaring makabalik sa piling ng Diyos sa pamamagitan ng sarili nating pagsisikap. Kahit gumawa tayo nang gumawa ng mabuti, magkakasala pa rin tayo, kaya kailangan pa rin tayong hatulan. Kaya gumawa ang Diyos ng paraan upang tayo ay makapiling niyang muli sa langit. Sinasabi sa Juan 3:l6, “Sapagkat mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Sa Roma 6:23, “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.”

Ipinanganak si Kristo upang ituro sa atin ang daan patungo sa langit at pagkatapos namatay siya sa krus upang hind na tayo hatulan ng kamatayan. Sa ikatlong araw ay muli siyang nabuhay mula sa mga patay (Roma 4:25), patunay na nagapi na niya ang kamatayan. Siya ang naging tulay sa Diyos at sa tao para makabalik tayo sa Diyos at magkaroon tayo muli ng relasyon sa kanya kung tayo ay sasampalataya.

“Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesu Kristo na iyong sinugo”(Juan l7:3). Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos, pero kahit na si Satanas ay naniniwala rin. Upang matanggap natin ang kaligtasan, kailangang lumapit tayo sa Diyos. Talikuran natin ang ating mga kasalanan, sundin natin siya, at ayusin natin ang ating relasyon sa Kanya. Magtiwala tayo nang lubusan kay Hesus, sapagkat sinabi sa Roma 3:22, “Pinawalang sala ng Diyos ang lahat na nananalig kay Hesu Kristo.” Sa ganitong paraan lang tayo maliligtas, maging sino man tayo o ano man ang ating mga nagawa. Sinasabi sa Biblia na walang ibang daan patungo sa langit maliban kay Hesu Kristo. Sinabi ni Hesus sa Juan l4:6, “Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.”

Si Hesus ang tanging daan upang tayo ay maligtas, sapagkat siya lang ang nagbayad sa parusa para sa ating mga kasalanan (Roma 5:8). Sinasabi rin sa Gawa 4:l2, “Kay Hesu Kristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.” Walang anumang relihiyon o lider ng relihiyon na makakabayad sa ating kasalanan maliban lamang kay Hesus na namatay sa krus. Sapagkat ang kaligtasan ay matatagpuan lamang kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya.
 
alam nyo ba guys yun story about kay Lilith? na sabay daw sila ni Adan nilikha ng diyos ngunit si Lilith ay nagrebelion at hindi sumusunod sa diyos at sa payo ni Adan kaya umalis xa sa garden of eden.. tapos nanganak xa at nagparami ng masasamang tao or also known as demons.. kaya naman hindi pala si eba ng kaunaunahan babae na nilikha na kinuha sa tadyang ni Adan.. interesting story nanacurious ako.. but for your share TS naniniwala ako jan.
 
e saan naman yan mababasa?
 
Actually sa fb shares ko lang napanood yun parang explanation dun ayon sa jewish mythology at sabi 1 time lang daw nabanggit ang name nya doon sa bible.. pero depende parin naman sa tao yan kung anu ang kanyan paniniwalaan..
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

There are legends that Adam had a wife before Eve who was named Lilith, but this is not found in the Bible. The legends vary significantly, but they all essentially agree that Lilith left Adam because she did not want to submit to him. According to the legends, Lilith was an evil, wicked woman who committed adultery with Satan and produced a race of evil creatures. None of this is true. There is no biblical basis whatsoever for these concepts. There is no one in the Bible named Lilith.

The passage most often pointed to as evidence for Lilith is You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., which in the NRSV reads, "there too Lilith shall repose." This is a poor translation. Every other major translation of the Bible reads something to the effect of "night creature" or "screech owl." Even if "demon monster named Lilith" was the proper translation of the Hebrew word, Adam is nowhere even hinted at in this passage or its context. Whatever the Lilith was, it is not given any connection whatsoever to Adam or Creation.

Another commonly used support for Lilith is the differing Creation accounts in Genesis chapters 1-2. Some claim that the woman in Genesis 1 was Lilith, with the woman in Genesis 2 being Eve. This is completely ludicrous. Rather, Genesis chapter 2 is a "closer look" at the creation of Adam and Eve as recorded in Genesis chapter 1. The Bible specifically says that Adam and Eve were the first human beings ever created (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). This "Lilith" myth is popular in some radical feminist movements because Lilith is an example of a woman refusing to submit to male headship. While there are myths outside of the Word of God regarding Lilith, her complete absence from Scripture demonstrates that she is nothing more than a myth.
 
Alam natin na totoo ang Diyos sapagkat ipinakilala Niya ang Kanyang sarili sa tatlong kaparaanan: Una, sa pamamagitan ng kanyang sangnilikha. Pangalawa, sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ang Bibliya at pangatlo, sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesu Kristo.

Ang pinakasimpleng patunay na totoo ang Diyos ay ang Kanyang sangnilikha. “Mula pa nang likhain Niya ang sanlibutan, ang kalikasang di nakikita, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay maliwanag na inihahayag ng mga bagay na ginawa Niya. Kaya't wala na silang maidadahilan.” (Roma 1:20) ' Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa (Awit 19:1)!

Kung makakakita ako ng isang relo sa gitna ng bukid, hindi ko iisipin na ito ay lumitaw na lang ng kusa at wala itong pinagmulan o di kaya ang naturang relo ay nandoon na sa simula't simula pa. Base sa disenyo ng relo, iisipin kong mayroong matalinong lumikha dito. Subalit nakikita kong napakalayo ng kaibahan ng disenyo at pagkakatugma ng ating mundo kung ikukumpara sa isang relo. Ang sukat ng ating panahon ay hindi nakabase sa relong ating isinusuot, kung hindi sa gawa at kagustuhan ng Diyos, tulad ng regular na pag-ikot ng mundo. Ang buong sandaigdigan ay isang napakalaking disenyo at dahil dito, ito rin ay nangangailangan ng isang Dakilang manlilikha.

Kung makakakita ako ng isang mensaheng nakasulat sa pamamagitan ng mga simbolo, hahanap ako ng isang taong may kakayahang magbasa nito upang tulungan akong maunawaan ang nakatagong mensahe. Iisipin kong ang pinagmulan at ang sumulat ng naturang mensahe ay isang napakatalinong tao. Gaano ba kasalimuot ang 'DNA Code' na dinadala natin sa bawat bahaging ating katawan? Hindi ba't ang pagiging kumplikado at pagkamasalimuot ng ating DNA ay nangangailangan din ng isang napakatalinong Manlilikha?

“Iniangkop Niya ang lahat ng bagay sa kapanahunan. Ang tao'y binigyan Niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.”(Mangangaral 3:11)

Likas sa tao ang kaisipan na mayroong nakahihigit sa lahat ng may buhay at sa nakikita lang ng mata at mayroon pang buhay na mas mataas kaysa sa buhay na nakagawian na natin dito sa mundo. Ang ating pandama sa mga bagay na walang hanggan ay nakikita sa dalawang paraan: Sa paggawa ng batas at pagsamba.

Ang bawat sibilisasyon sa kasaysayan ay may pinapahalagahang mga moral na batas, na nakapagtatakang kapareho ng iba't ibang mga kultura sa ibang panig ng mundo. Kagaya halimbawa na ang pagmamahal ay pinupuri sa buong mundo samantalang kinokondena naman ang pagsisinungaling. Ang naturang magkaparehong moralidad, ang pandaigdigang kaalaman kung ano ang tama at mali ay nagtuturo lamang na may isang Dakilang Manlilikha na nagbigay sa atin ng naturang kaalaman.

Ganoon din naman, ang lahat ng tao sa buong mundo, anuman ang kultura ay laging may iniingatang sistema ng pagsamba. Magkakaiba ang paraan ng pagsamaba at ang pinaguukulan nila ng pagsamba subalit ang pagkaalam na may isang Makapangyarihan sa lahat ay hindi maipagkakailang bahagi ng pagiging tao. Ang ating pagnanais na sumamba ay ayon sa katotohanang ginawa tayo ng Diyos ayon sa kanyang wangis (Genesis 1: 27).

Inihayag din ng Diyos ang Kanayang sarili sa pamamagitan ng Kanyang salita, Ang Bibliya. Sa buong Bibliya ang katotohanan ng Diyos ay itinuturing na hindi mapapasubaliang katotohanan. (Genesis 1:1, Exodo 3:14) Nang isulat ni Benjamin Franklin ang kanyang talambuhay, hindi niya sinayang ang kanyang oras para patotohanan na siya ay totoo at siya ay nabubuhay. Kagaya nito, hindi rin nagsayang ng panahon ang Diyos para patotohanan na Siya ay totoo sa kanyang Aklat. Ang katangian ng Bibliya na magbago ng buhay ng tao, ang kanyang integridad at ang mga himalang nakasaad dito ay sapat ng dahilan para pagtuunan ito ng pansin.

Ang ikatlong paraan ng kapahayagan ng Diyos sa Kanyang sarili ay sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus.( Juan 14:6-11) “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos…Naging tao ang Salita at Siya’y nanirahan sa piling natin.” (Juan 1:1,14) “Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Kristo nang Siya’y maging tao” (Colosas 2:9).

Sa buong buhay ni Hesus, perpekto Niyang nasunod ang lahat ng kautusan sa Lumang Tipan at natupad ang mga propesiya na may kinalaman sa Mesiyas (Mateo 5:17). Maraming beses din na tinulungan ni Hesus ang kanyang kapwa at gumawa ng mga himala upang patotohanan ang Kanyang mensahe at ang Kanyang kabanalan. (Juan 21:24-25) Pagkatapos ng tatlong araw matapos na Siya’y ipako sa krus, bumangon Siya mula sa libingan, isang pangyayari na pinatunayan ng daan-daang mga saksi (1 Corinto 15:6) Ang mga tala sa kasaysayan ay punong puno ng mga katibayan kung sino talaga si Hesus. Ayon pa kay Apostol Pablo, ang bagay na ito ay hindi ginawa lamang sa isang sulok ng sanlibutan (Gawa 26:26).

Ating napag-alaman na mayroon talagang mga taong nagdududa at may mga sariling ideya patungkol sa Diyos. “Wala namang Diyos!” ang sabi ng hangal, ito ang palagi nilang katuwiran; kaya naman ngayon ang kanilang buhay, kakila-kilabot at kasuklam-suklam; Masasamang gawa’y kanilang libangan, wala nang matuwid wala ni isa man.” (Awit 14:1) Subalit ang lahat ay mauuwi lahat sa pananampalataya. “At hindi kinalulugdan ng Diyos ang hindi nananalig sa Kanya. Sapagkat ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat maniwalang may Diyos, at Siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa Kanya” (Hebreo 11:6)
Naiinom nyo na po ba ang gamot nyo?parang ikaw yung kakila-killabot eh
 
Under naman itong thread sa Traditions & Beliefs kaya ayus lang na pagusapan ito ayon sa ipinyon at pananaw ng bawat isa...
 
teka brother hindi ko maintindihan tong

Ayaw nilang manampalataya sa Magandang Balita dahil binulag ang kanilang mga isipan ni serpent, ang Diyos ng mundong ito.

sabi sakin ng isang born again tinuturo daw yan sa baptist eto pa oh

serpent na siyang naghahari sa mundo.

pero anong verse yan sa bible at anong bible?
 
It is common understanding in the Christian community that the Serpent being referred to in Genesis 2 is Satan.

2 Corinthians 4:4 NLT
Satan, who is the god of this world, has blinded the minds of those who don't believe. They are unable to see the glorious light of the Good News. They don't understand this message about the glory of Christ, who is the exact likeness of God.
 
Naiinom nyo na po ba ang gamot nyo?parang ikaw yung kakila-killabot eh

Stop making an idiotic and stupid comment. Be sensible enough to share your opinion if you have one instead of mockery. The post of TS is an intellectual debate.

Thank you.
 
It is common understanding in the Christian community that the Serpent being referred to in Genesis 2 is Satan.

2 Corinthians 4:4 NLT
Satan, who is the god of this world, has blinded the minds of those who don't believe. They are unable to see the glorious light of the Good News. They don't understand this message about the glory of Christ, who is the exact likeness of God.
i see so yung bible na ay sinasabi niya na hindi lang isa ang diyos?

parang yun ang sinasabi niya kasi po sa bible ko eto po naka sulat

2 Corinthians 4:4

ASV in whom the god of this noteworld hath blinded the noteminds of the unbelieving, notethat the notelight of the notegospel of the glory of Christ, who is the image of God, should not dawn upon them.

BBE Because the god of this world has made blind the minds of those who have not faith, so that the light of the good news of the glory of Christ, who is the image of God, might not be shining on them.

EasyEnglish Those people do not believe it, because the god of this world has kept their minds in the dark. He stops them from seeing the light. Christ is completely like God. And that light shines from the good news about how great Christ is.

ISV In their case, the god of this world has blinded the minds of those who do not believe to keep them from seeing the light of the glorious gospel of the Messiah, who is the image of God.

KJ2000 In whom the god of this age has blinded the minds of them who believe not, lest the light of the glorious gospel of Christ, who is the image of God, should shine unto them.

KJV In G1722 whom G3739 the god G2316 of this G5127 world G165 hath blinded G5186 the minds G3540 of them which believe not G571, lest G1519 G3361 the light G5462 of the glorious G1391 gospel G2098 of Christ G5547, who G3739 is G2076 the image G1504 of God G2316, should shine G826 unto them G846.

KJVLite In whom the god of this world hath blinded the minds of them which believe not, lest the light of the glorious gospel of Christ, who is the image of God, should shine unto them.

NET among whom the god of this age has blinded the minds of those who do not believe so they would not see the light of the glorious gospel of Christ, who is the image of God.

NHEB in whom the god of this world has blinded the minds of the unbelieving, to prevent the light shining from the Good News of the glory of Christ, who is the image of God.

TAB Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

marami din pong tawag diyan sa demonyo na yan dragon din po pero hindi po ba mas okay kung uod nalang xD
 
I see your point. But the god used in 2 Corinthians 4:4 is not the same word used when we refer to God Almighty, which is the true God. Even in the old testament people particularly kings where called gods. But this doesn't refer to the True God. It is used to connote an idol. It is different when you read it in Greek language. In referring to the True God, the writer used a definite article (the) instead of using an indefinite article (a) which refers to an idol.

It is the same in English language. The article "the" before a word conveys a definite meaning. But when article "a" is used, it conveys uncertainty of the subject or person referred to.
 
Last edited:

para sakin parang hindi magandang basahin yung biblia na yan dahil kung ganyan ang naka sulat jan paano pa kaya yung iba pang verse baka maiba ma mislead pa
based on kjv
Exodus 23:13
Isaiah 44:6
1 John 4:1
Deuteronomy 6:15
nakakatakot mag basa ng ganyang biblia :)
pero opinion ko lang ^^
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 24
    Replies
  • 5K
    Views
  • 12
    Participants
Last reply from:
fintaztix

Online statistics

Members online
1,330
Guests online
5,341
Total visitors
6,671
Back
Top