What's new

Closed Tama ba ang naging desisyon ko?

Status
Not open for further replies.

Sssshhh

Addict
Joined
Aug 18, 2017
Posts
153
Reaction
24
Points
108
April 2016 Gumraduate ako ng College. Two months later (June) nakatanggap ako ng trabaho bilang isang Accounting Clerk. Maganda ang sahod, maraming benepisyo, pero nagresign ako. Bakit? Kasi sobra akong naprepressure sa trabaho, yung head ko sobrang strikta, yung rules. Overall napakastrikto ng company. So I quit, 3 months (September) pa lang ako nung nagquit ako.

By February 2017, nakapasok ulit ako ng trabaho sa isang Land Surveying Company. Ang position na inoffer sakin is Admin/Finance Officer. Pero nung nagsimula na ako ang title ko is Finance ASSISTANT. Pero kahit nag-iba yung title ko, nagpatuloy pa rin ako.

Yung sweldo ko this time, is maliit compared sa old job ko. Yung working hours ko dito is 9 hours Monday-Friday (8am-6pm with one hour break) but I only got ρáíd for 8 hrs/day. Yung 1 hour na excess is Thank You na lang. Pero okay lang, nagpatuloy pa rin ako.

6 years old pa lang tong company na pinapasukan ko. Bago pa talaga sya. Nung September 2017, may nagresign, personal reasons daw, Head Engineer namin sya. 3 years din service niya sa company. December 2017 yung Operations Manager namin na pioneer employee, nagresign din and wala syang nakuha na kahit isang singko mula sa company except 13th month and salary niya. Separation Pay? None.

So napaisip ako, advantages of working here:
  1. Hindi stressful ang trabaho unlike sa old job ko.
  2. Yun lang.

Disadvantages of working here:
  1. Low Salary. 8,500 lang sahod ko per month dineductan pa yan ng SSS, Philhealth, Pag-ibig and to think na office job sya.
  2. Unsafe para sakin. Out ko 6pm, dumadaan ako palagi sa isang madilim na iskinita papuntang highway para makasakay ng jeep pauwi. May instance pa nun na muntikan na kong maholdap.
  3. No career growth. Yung mga kasama ko dito parang mga mangmang ni ultimong CV ng Resume, di alam ang meaning. Sobrang liit lang talaga ng company ko.
  4. Toxic people. Toxic Environment - yung mga tao dito nagmumurahan kahit nasa loob ng opisina, nanunuod ng TV, naninigarilyo, naglalaro ng video games during office hours using the company's laptop and computer. Meron pa ata iba nanunuod ng **** eh, ewan ko lang.
  5. Coworkers. Halos half ng tao dito nakatira sila sa staff house so may bond na talaga sila sa isa't isa. Nung pumasok ako, I feel an outcast, hindi nila ako niyayaya kumain, gumala, nakikita ko na lang sa facebook nila yung mga pictures ng outing nila. Take note: LAHAT NG EMPLEYADO kasama except me. Naiintindihan ko naman. I tried to get close with them pero parang d nila ako gusto. So tiniis ko na lang.
  6. No Benefits. Walang separation pay (kahit ilang years ka pang nagserbisyo), Walang ECOLA, Walang Bonuses, Walang Health Insurance, Wala talaga, yung meron lang allowance P70 per day.

Mag-waone year na ako dito by February, and hindi ko na talaga kaya pa dito. So I decided to quit. Nagpasa ako ng resignation this morning. Nanghihinayang lang ako kasi 1 year na ako dito and magsisimula na naman ako ulit. Back to zero kung baga. Pero sabi ng tita ko 22 years old palang ako and it wont hurt naman kung mag-eexplore ako.

Happy ako na nagquit ako, yes, pero a part of me... medyo malungkot and hindi ko mawari bakit. Tama ba naging desisyon ko?

Last day ko sa trabaho is February 25. One month from now.
 
Last edited:
tama lang yan, dami mo palang cons eh, kung wala ako trabaho di ko pa rin tatanggapin yan eh,, dun palang sa pauwi not safe eh, wala pa back pay, un nga lang chill lang un ba gusto mo?
 
It's good desisyon na magleave ka sa trabaho nayan. Kasi nga no benefits, walang medical , no bounses , nothing lahat.

And 8,500 for 9hours. It's not that bad , pero mas taas pa iyan if mas short amount of time sa bagong mong trabaho this next month.

Marami naman magandang trabaho with benefits nakalan para sa'yo.
 
Tama naman.
Nai-list mo naman po nang maayos kung anong negative effects nung pinagtrabahuhan mo ngayon.
E talagang dehadong-dehado ka po diyan.

Siguro sentimental po kayong tao, kasi medyo matagal na yung panahong ginugol niyo diyan. At doon po kayo nanghihinayang.
 
Pag hindi ka na masaya sa trabaho mo then quit. Yun lang yun.
Para saan ba at magtitiyaga ka sa isang bagay na hindi mo gusto?
 
Mabuti na din yong may trabaho kahit maliit ang sweldo. Pero kung asenso ang hanap mo at safe tama ang naging desisyon mo atleast may experience ka na. at sa palagay ko naman meron kang swerte sa pagapply. Goodluck ts
 
Tama po yung choice mo at wala kang pagsisihan dyan. Atleast may experience kana sa work. At isa pa yung mga coworker's na ayaw sayu ay talagang toxic kac yung ugali nila parang ulo ng hipon na tinatapon kung saan saan. It would be better to quit the job na hindi mo like kaysa ma mental torture ka sa paglipas ng panahon. Advised ko lang sayu ts dami pang work sa mundo wag kang manghinayang enjoy your whole year of restday nlang muna. Hehehehe
 
Tama naging disisyun mo ts..kisa nagtitiis ka na parang iniiwasan ka ng mga katrabaho mo, sino naman gaganahan diba,..saka safety ang importante...isa tama ang tita mo madami kapang maeexplore dahil bata kapa... Mahalaga my experience kana.... Goodluck..
 
6 years na pala ang kompanya na yan tapos wala pang benipisyo sa empliyado aba tama lang na umalis ka wala kang future sa kanila. Hindi naman aalis yung ibang kasama mo kung hindi sila agrabyado sa SWELDO at BENIPISYO.
 
Ok lang yan. Hanap ka lang ng work na happy ka. Bata ka pa naman, ok lang. Darating din ang panahon na makakahanap ka ng stable job w/ good career path, that you will decide to stay and retire their.
 
tama lang yan, dami mo palang cons eh, kung wala ako trabaho di ko pa rin tatanggapin yan eh,, dun palang sa pauwi not safe eh, wala pa back pay, un nga lang chill lang un ba gusto mo?

Okay sana to kasi walang pressure, pero yun lang ang daming disadvantages and ayoko naman irisk yung life, baka maholdap ako ng tuluyan, para lang sa 8,500 na sahod kada buwan.
 
Tama naman.
Nai-list mo naman po nang maayos kung anong negative effects nung pinagtrabahuhan mo ngayon.
E talagang dehadong-dehado ka po diyan.

Siguro sentimental po kayong tao, kasi medyo matagal na yung panahong ginugol niyo diyan. At doon po kayo nanghihinayang.

Siguro sentimental nga ako, at nanghihinayang rin ako sa 1 year kasi magsisimula na naman ako ulit. Pero kasi hindi ko rin naman makita yung growth ko dito in the long run parang ugaling tambay yung mga tao, ni hindi nga kami nag-uuniform e. :(
 
Pag hindi ka na masaya sa trabaho mo then quit. Yun lang yun.
Para saan ba at magtitiyaga ka sa isang bagay na hindi mo gusto?

Tama ka po. Pero due to peer pressure kasi, yung nafoforce akong magsettle sa isang trabaho kahit na hindi ako masaya, kasi nga yung mga kaibigan ko, kabatchmates ko, parang naka-ugat na sila sa mga companies nila, yun bang settled na sila dun, and ako kasi gusto ko rin nun kaya finoforce ko sarili ko dito. Actually first day palang alam ko na hindi na ako tanggap ng mga coworkers ko pero for the sake of stabilization, tiniis ko. Kaya eto naging resulta. Nagsisisi rin sa huli.
 
Pero due to peer pressure kasi, yung nafoforce akong magsettle sa isang trabaho kahit na hindi ako masaya,
Yes of course at sasabihin pa sayo ng mga tao, ikaw ang walang tiyaga kaya hindi ka tumagal sa trabaho.
Pero sa akin lang naman eh... you want to be among them then it means you have be like them. Yan ang mahirap gawin. Gusto mo ng ganun? Makipagmurahan ka rin, maglaro ng games habang nasa trabaho. Maaring ikaw pa isipsip para matanggal ka rin in the end.
What we do for money.
I'll just say f*ck it! But then again maybe it's just me.
Ganyan talaga yan. Nasa pananaw natin yan at kung paano natin tanggapin ang sitwasyon either positive or negative.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top