Ha? Di pa ba achievment ang magkaroon ng diploma hahaha
Hi, I'm a student. I just want to share my claim as a practice and preparation na rin para sa debate namin which is very mush related dito and mamaya na yon and yes pinag puyatan ko ito huhu. And my position here is pabor ako diskarte. (Eto talaga side namin) Typos ahead.
Ang diploma ay isa lamang sa 'yong mga resources o kagamitan na hinihingi pero without it, you can sustain a life parin. Dito sa Pilipinas, mataas ang standard, mababa ang pasahod. Bunga nito tinataasan din nila ang mga standardsa nila. Ano ngayon kung ma diploma ka? Mas marami ang tao sa Pilipinas kaysa sa mga job opportunities na mayroon tayo. Paano nalang kunwari, ang isang tao; nakapagtapos sya at may diploma-- ngunit hindi naman lahat ng nakapagtapos na e basta basta o kaagad na nakakakuha ng magandang trabaho. Kasi uulitin ko,nasa Pilipinas tayo. Kadalasang kinukuha pa nga ng mga kumpanya ay yung mga may experience na. Your strategy (diskarte) is how you'll be using your resources. So, anong dapat mong gawin? Kung hindi ka naman tamad, dumiskarte ka. Paano ka didiskarte? Sa paraang legal, walang pandaraya at walang inaapakang tao. kahit hindi nakapagtapos ng pag arral, does not mean wala ng chance umunlad sa buhay. You can gain experience and magiging wais karin along the way.
Marapat lang nating tandaan na: nakadepende parin sa tao iyan. Maraming sirkumstansya kagaya ng halimbawa ay 'yong mga hindi nabigyyan ng prebilehiyong makapag aral; Maraming opportunity pero walang tulong financially.Nagkaroon ng crisis o emergency. Kailangan ng diskarte sa buhay, pero kung may chance at previlege ka mag-aral, ang tamang diskarte ay mag aral. Ngunit hindi ba't ginagamitan din naman ng diskarte ang pag aaral? Nauuso nga sa panahaon natin ngayon ang pag gamit ng AI chatbots. Imbis na gamitin at palawakin ang sariling abilidad, naging daan pa ito upang paikliin ang espasyo ng utak ng mga estudyante dahil iilan sa kanila ay dito na dumedepende. Madali nalang yan, search search lang 'yan eh. Iyan ang diskarteng pandaraya. Pero isipin nyo, may mga working students na ngayon na dumidiskarte to provide their needs sa study, pati na rin sa mga kapatid na may pinapa aral o di kaya'y breadwinners. Ang mga magulang na hindi nakapagtapos pero may job (e.g paglalabandera, tricycle driver) to sustain their family. Ito naman ang diskarteng walang dahas, may sipag at tiyaga, at marangal na diskarte. Kagaya ng mga nabagnggit sa previous comments, gawin nating halimbawa si Mark Zuckerberg at Bill Gates. Sa pag kaka alam ko ay nag drop out daw sila ng college? (Correct me if I;m wrong, hindi ako nag research patunggkol sa kanila) They discovered what they really good at and passionate about, kaya naman ay mas nag focus sila dito. Kumbaga nakita na nila sa vision nila na ganito ang gusto nilang mangyari. They sacrificed their studies dahil nasa harap na nila ang oportunidad. Then boom! They made it. they become successful. Ngunit, hindi tayo basta basta dapat dumipende rito dahil hindi ito nangyayari sa lahat. Iba-iba tayo ng paraan at minsan,swertihan lang. Maraming mga pag sasakripisyo ang nakapaloob sa success ng isang tao. Again, depende sa sitwasyon. Baka yan talaga ang plano ng poong maykapal. Hindi naman dyan nag e-end yan eh. Basta may source o paraan tayo para mabuhay at mamuhay, pwede na iyon. Basta't humihingat't may bubong tayong nasisilungan, wag na nating pasanin pa ang problema ng iba.
Iba pang karagdagan: Hindi dapat naka depende ang respeto ng tao base sa 'yong katayuan sa buhay o sa kung anong natapos mo. Karespe-respeto para sa akin, ang mga taong sa kabila ng mga hamon sa buhay ay natuto paring makaahon at naging inspirasyon sa karamihan.
Gamitin ang diskarte para makapag aral at gamitin ang pag aaral para makadiskarte sa buhay.
Paano nila nasasabi na mas okay ang diskarte kumpara sa diploma, kung hindi naman nila naranasan na magkaroon nitom? Paano niyo ikukumpara ang bagay na hindi niyo naman nakuha?
-Kailangan ba na makuha muna ito bago maintindihan kung bakit mas mahalaga ang diskarte kaysa diploma? Hindi pa ba sapat ang mga nakikita at napapanood natin sa mga balita patungkol sa mga fresh graduate na walang trabaho kahit may diploma? Hindi kailangan na magkaroon kami ng diploma para lang malaman ang kahalagahan nito kung ang mga tao sa paligid natin ay ang nagpamulat sa ating mga mata ay dapat alam na natin ang sagot. Sa bansa natin? May mangyayare ba kung walang diskarte gayoong sa inyo na mismo nanggaling na may mataas na standard ang Pilipinas, na maging ang mga may diploma ay walang trabaho kung wala naman silang karanasan.
Nagiging coping defense mechanism lang ng walang mga diploma ang diskarte
— Magkaiba ang coping defense sa maparaan, paano tayo aahon kung ganiyan? Hindi sa diploma hihinto ang buhay ng tao, hindi rin iyan ang magiging rason ng mga taong walang diploma para huminto sa pagta-trabaho. Si Josh Mojica, coping defense lang ba niya ang kaniyang diskarte dahil wala siyang diploma? Hindi, ayon sa kaniya ay mas mabuti na maparaan kaysa sa may diploma pero walang ginagawa, iyon ang mga taong may diploma pero walang trabaho.
Diskarte isa the ulitmate winner in life. Kung marami ka ngang diploma but if you ca't monetize that knowledge,it's worthless..
And take note ko lang din yung nabasa ko rito: " Ang mga may diploma, masasabi nating ma-diskarte rin dahil nakapagtapos ang mga ito, o maraming ginawa para makapagtapos. Ang mga madiskarte, wais din ang mg ito dahil nga maparaan, at nag-iisip ng solusyon.
Anyways, lahat ng ito ay opinyon ko lamang. HEHEHEHE ang importante talaga is....Why not aim for both diba???
Daig ng may diploma at may diskarte and may diploma lang o diskarte lang.
Q.M.