What's new

Closed Take your time to read, baka maging Milyonaryo ka

Status
Not open for further replies.

aceiacei

Addict
Joined
Oct 5, 2016
Posts
120
Reaction
27
Points
89
Sa mga hindi po nakakaalam, at sa mga nakakalimot, nalalapit na po ang Halving nang BITCOIN block mining rewards.

Spoiler contents are visible only to Established Members.

So ano naman po pakialam namin jan sa HALVING na yan??

ito po ang scenario:

1583643940038.png


So hihimayin natin yung details nang image sa taas.

So may 18,259,100 BTC ngayon na nag eexist sa ecosystem nang crypto.
( Keep in mind guys kasama na jan ung mga naligaw o nawawalang bitcoin na kung saan saan na send )

86.948% lang jan ang total na naka issue.

at 2,740,900 bitcoins nalang ang pdeng mamina kumpara sa 18mil nung nasa ecosystem na.

so sa ngayon may total na 1800 BITCOINS ang namimina araw araw.

At dito na papasok si HALVING - kung mababasa nyo ung sa image sa parting baba - each new block adds 12.5 bitcoins into circulation
so ang reward pag nakabuo nang block ay 12.5 bitcoins, -after halving magiging 6.25 bitcoins nalang per block.

dahil dito lalong hihirap mag mine nang bitcoin, meaning bababa ang supply nang napasok na bitcoin sa ecosystem araw araw.
jan na papasok ang kapatid ni mababang supply - which is si pag taas nang demand.

Pag tumaas ang demand ni bitcoin anong mangyayari? Tama mga brader, tataas ang presyo ni bitcoin.

Kaya sa mga smalltime miners natin jan, ngayon palang ibenta nyo na mga pangmina nyo at ipang hoard nyo nalang nang BTC. dahil kung sa ngayon mahirap na mag mina nang bitcoin
pano pa kaya after nang halving. lugi tayo sa kuryente nyan lol


So eto pala kung hindi pa kayo nakukumbinse - ang last halving ay nangyari nung July 9, 2016

i attach ko screenshot nang pag inflate nang demand from july 2016 to december 2016

Spoiler contents are visible only to Established Members.


Yan, kaya sa mga hindi pa nakakapag tabi jan nang Bitcoin, convert convert na mga kapatid at sabaysabay nating sakyan ang resulta nang HALVING

Time remaining : 64 days 09 Hours

Disclaimer: ang Bitcoin halving ay isa lang elemento nang BTC na nangyayari every 4 years, hindi ibigsabihin na sigurado na ang pag taas nang presyo, ngunit isa itong malaking variable para sa price increase. inuulit ko po, napaka volatile nang price changes nang mga crypto lalo na si BTC kaya make sure na mag research kayo bago kayo mag ipon.


Kung nakadagdag man ito nang information sa inyo , o nakatulong sa kung ano mang paraan, wag po natin ipag damot ang Like or heart react. hihi

Wala ka pa bang coins.ph account? sali na

Spoiler contents are visible only to Established Members.
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top