What's new

Story time

Gavbrayden

Leecher
Joined
Mar 6, 2022
Posts
21
Reaction
5
Okay so dahil wala akong magawa today mag kukwento na lang ako.

kase may taong nagka gusto sakin before mag pandemic, pero hindi ako yung tipong pwede mong maipagmalaki kase I am so observant, shy, tahimik and weak.

So eto na nga, niligawan niya ako at pinilit na lagyan daw ng label yung relationship namin.

At dahil sa pangungulit niya, naisip ko na bakit hindi ko i try for experience di ba? Aminin niyo ayaw niyo din masabihan ng bakit wala kang gf/bf may itsura ka naman dahil paulit ulit na lang yung reason na "syempre focus sa goal or studies" . Okay lets go back to the topic, tumagal naman kami ng almost 1 year. Yes. Pero dahil sa kagustuhan kong maging mature and magkaroon ng experience pinilit kong patagalin ng "1 Year" nung una, ang bait pa namin sa isat isa hanggang sa nagbago bigla yung ugali niya. Nag aaral kase ako so syempre may mga subject na kailangan mong gawin sa labas like PE so on and so fort. Pero kada labas ko magpapaalam ako sa kanya and then send picture ng mga kaklase ko. Then parang may nag iiba na talaga sa relasyon namin. So ako naman understanding todo suyo ako sa kanya. Pero kahit konting kibot ko magagalit siya. Pati pag punta ko sa palengke dahil inutusan ako ni mama nagagalit na siya. Kesyo daw makikipag date ako sa iba ganito ganyan. Like what? Date sa wet market? Anong gusto mong gawin ko sa ka date ko i-tour sa bawat sulok ng palengke at ipakilala ang ibat ibang uri ng isda, gulay at manok (kung mayroon mang ibat ibang uri ng manok) diba? Parang ***** siya. And yun sa sobrang stress ko kinausap ko siya tinanong ko siya kung kanino niya nabalitaang may babae ako at sobrang praning niya pero sabi niya sakin sa kaibigan niya daw. Sagot ko so pinaniniwalaan mo pa kaibigan mo kaysa sakin? Ganun? Like what? Jinowa mo pa ko kung sa kaibigan mo pala ikaw magtitiwala. So hindi ko na patatagalin ang kwento kase mahaba na to at baka nakakatamad ng basahin. We broke up. Dahil nahuli ko na siya pala may kalandiang iba. Ang saya diba? HAHAHA so lesson learned. Pag may kutob ka na nire-reverse psycho ka. Be observant din. Kase habang ikaw stress na stress sa relasyon niyo di mo alam na tuwang tuwa pala siya sa karelasyon niyang iba at todo gawa ng reason para hindi ka mag hinala. And wag ka mag stay sa toxic relationship. Ciao!
 

Gavbrayden

Leecher
kase pag niligawan ka di yun tugma sa may kalanding iba
siguro not all times. may mga tao rin talagang madaling mag sawa. yung tipong hindi niya na nakukuha sayo yung gusto niya kaya naghanap siya ng iba. yung tipong di kayang mag build ng strong relationship HAHAHA lol. in my opinion lang naman.

mag mahal ka nang tito, alaga-an ka nya na parang anak.
Sugar daddy tapos kapag inalagaan ka doblehin mo yung pag aalaga na binigay niya sayo no? AHAHAHA
 
Top