What's new

Trivia Socialism 101

Status
Not open for further replies.
Marami sa atin ay hindi alam kung ano ba ang Sosyalismo o Socialism.
Sinasabi ni Duterte na siya daw ay isang sosyalista noong panahon na nangangampanya pa siya.

Ano ba ang layunin ng isang sosyalista sa loob ng sistema ng lipunang ito at ang mga paraan kung paano ito tumatakbo.
Bakit sinasabi na ang Sosyalismo ay matindi kaaway ng Kapitalismo?


Ano ang Sosyalismo?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod.

- Sa simpleng salita, ang sosyalismo ay isang sistema ng lipunan na sosyal na pagmamay-ari ng mga kasangkapan sa paglikha ng yaman, gaya ng lupa at empresa o pag aari ng lahat. Sosyal, sa pakahulugan na pag-aari ito ng bawat isa, hindi ng iilan. Dahil dito, nangangahulugan din na ang mga yamang nalilikha ng mga kasangkapang ito ay sosyal ding paghahatian ng mamamayan.
Ang sosyalismo, kung gayon, ay isang sistema ng kabuhayan ng lipunan kung saan ang nililikhang yaman ng mga tao ay pinaghahatian ng lahat.
Sa unang yugto nito, ang paghahati ay gagawin ayon sa trabahong ginawa ng bawat indibidwal. Sa maunlad na yugto, ang paghahati ng yaman ay batay sa pangangailangan ng bawat indibidwal.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nasa yugto ng sistemang Pyudal o nakasandig parin ang ating ekonomiya sa pagsasaka bilang taga export ng mga hilaw na materyales habang ang kapitalismo naman ay pinapatakbo ng mga dayuhan at iilang tao lamang..

Layunin din ng topic kong ito na lubos natin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala parin tayo sariling industriya at nakasandal parin ang ating ekonomiya sa mga dayuhan namumuhunan kesa sa sarili natin produksyon.


Para po sa kabuuan, download nyo po pdf file: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Si duterte ang pag asa natin mga kababayan
May paninindigan at malasakit sa mga tao
Gumagawa talaga siya hindi puro salita
 
Buti nalang si duterte presidente. Umuunlad na yung pilipinas pero kung di namatay di madam mirriam mas mapapabilis pa siguro ang pag unlad ng bansa
 
Buti nalang si duterte presidente. Umuunlad na yung pilipinas pero kung di namatay di madam mirriam mas mapapabilis pa siguro ang pag unlad ng bansa
Si duterte ang pag asa natin mga kababayan
May paninindigan at malasakit sa mga tao
Gumagawa talaga siya hindi puro salita
Kalooban nyo ba talaga kaya nyo nasasabi na umuunlad ang pilipinas.. O dahil sa paghanga lang.. Magkaiba kasi yun.

Kung paghanga kasi kahit may mali para sa paningin nila nagiging tama.
 
Ibinoto ko siya kasi nakikita ko ang ginawa nya simula pa noong nanungkulan siyang mayor
Alam mo ba ang davao ang isa sa pinaka safe na syudad sa buong mundo?

Kaya nga naniniwala ako na sya ang pag asa ng pilipinas
 
taetae2018 hindi sa pagiging ligtas umuunlad ang isang bansa. Kundi sa ipinupundar nitong yaman na kayang tugunan ang ating pangangailangan. Gaya ng kayang ibigay ang ating mga basic needs. Ang trabaho, tirahan,edukasyon, pagkain, kalusugan. Ang pagiging ligtas ay isa lang din bahagi ng normal na ipinagkakaloob sa taong nasasakupan nito kapalit ng buwis na binabayad ng mamamayan.. Ibig sabihin na tungkulin lang ito talaga ng gobyerno.
 
taetae2018 hindi sa pagiging ligtas umuunlad ang isang bansa. Kundi sa ipinupundar nitong yaman na kayang tugunan ang ating pangangailangan. Gaya ng kayang ibigay ang ating mga basic needs. Ang trabaho, tirahan,edukasyon, pagkain, kalusugan. Ang pagiging ligtas ay isa lang din bahagi ng normal na ipinagkakaloob sa taong nasasakupan nito kapalit ng buwis na binabayad ng mamamayan.. Ibig sabihin na tungkulin lang ito talaga ng gobyerno.
Ito ts paliwanag ko sayo
Mayaman nga ang isang bansa tapos magulo at may nagpapatayan
Sa palagay mo uunlad kaya o uusad pa kaya ang isang bansa kung magulo at sira na ang systema? Tingnan mo ang syria at iraq na may kaguluhan umusad paba ang kanilang bansa sa ikauunlad
Sige daw brad sumagot ka
 
nagawa ni duterte yan sa davao isa sa pinakamaunlad at pinakaligtas na syudad sa mundo ayon sa survey ng mga nakapag aral at matatalinong tao kaysa sayo ts

Kaya ako sayo manahimik ka nalang at huwag na mag rarason kasi

Lumalabas na CANCER KA NG SYSTEMA
 
Mga taong katulad mo ts na panay irrational na panunungayaw sa gobyerno ang alam ay isa rin sa pumipigil sa pag unlad ng isang bansa
Bakit di ka nalang sumuporta sa magagandang adhikain ng bagong gobyerno natin ngayon at mabuhay na sumusunod sa batas maging law abiding citizen ka nalang ts
 
Ito ts paliwanag ko sayo
Mayaman nga ang isang bansa tapos magulo at may nagpapatayan
Sa palagay mo uunlad kaya o uusad pa kaya ang isang bansa kung magulo at sira na ang systema? Tingnan mo ang syria at iraq na may kaguluhan umusad paba ang kanilang bansa sa ikauunlad
Sige daw brad sumagot ka
sinabi ko na brad na tungkulin ng gobyerno na protektahan ang mamamayan.. May pagkontra ba ko don.. Gusto ko lang maipaghambing sayo na maganda ang bansa kung ligtas at maunlad hindi puro ligtas lang pero walang naman pagunlad.

Hindi ako tumutuligsa sa mga nagawa nya tama at maganda ang nagagawa nya para sa inyo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon na kailangan suportahan mo sya kung may mali na pala sya nagagawa.. Kailangan mo rin suriin at ipaalala sa kanya na mali at hindi kagustuhan ng manamayan ang mga panukala nya.. Hindi para tuligsain sya kundi itulak sya na pumanig sa kagustuhan ng mamamayan at hindi para kainisan sya.

Sumusuporta tayo kung para sa bayan ang ginagawa nya, pero kung makakasama naman sa mamamayan kailangan mag isip din tayo at hindi puro OO.

Tandaan mo na hindi perpekto ang isang pangulo. May mga desisyon sya tama at mali, nakabubuti at nakakasama.. Kaya narito tayo para magpaalala sa kanya at hindi para sumamba.
 
Pero ts malaking factor yan siguridad ng mga tao upang maging maunlad ang isang bansa
Tingnan mo ang syria ngayon
Na gets.mo ba ako.ts?
Sa mga sinasabi mo pansin ko parang.may.laban ka sa gobyerno ngayon
Tapos akala mo sinasamba namin sila
Nakikita lang namin ang ginawa nila ts at kami ay naniwala sa kanila na sila ang.pag asa ng pilipinas dahil nga sa kanilang mga ginawa sa kanilang unang tungkulin kaya wala dapat na ipagtungayaw kasi
Tapat sa tungkulin ang ating pangulo ngayon at may malasakit sa bayan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top