What's new

Closed Sino si hesu kristo

Status
Not open for further replies.

angelo_salem9

Honorary Poster
Joined
Jun 3, 2016
Posts
589
Reaction
119
Points
177
Age
35
Hindi gaya ng katanungang,'Buhay ba ang Diyos?', iilang tao lamang ang nagtatanong ng,'Sino si Hesu Kristo?' sapagkat lahat halos ay kumikilala na si Hesus ay totoong taong nabuhay at nanirahan sa sa bansang Israel dalawang libong taon na ang nakararaan. Ang pagtatalo-talo ay nagsisimula kapag ang talakayan ay patungkol sa uri ng pagkatao ni Hesus. Halos lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na si Hesus ay isang propeta, magaling na mangangaral, o taong maka-Diyos. Subalit ang Banal na Kasulatan ay nagpapahayag na si Hesu Kristo ay higit pa sa isang Propeta, mabuting Guro, o taong maka-Diyos.

Sa kanyang aklat na 'Mere Christianity', sinulat ni C.S.Lewis ang ganito: 'Sinisikap kong pigilan ang sinuman sa pagsasabi ng ganitong kahangalan tungkol kay Hesu Kristo: 'Handa kong tanggapin na si Hesus ay isang dakila at marangal na mangangaral, ngunit hindi ko tinatanggap ang Kanyang pagpapakilala sa sarili bilang Diyos.' Iyan ang isang bagay na hindi natin nararapat sabihin. Ang isang pangkaraniwan lamang na tao na nag-aangkin ng gaya ng mga ipinahayag ni Hesus ay hindi kailan man pwedeng maging Dakilang Guro. Maaring siya'y nasisiraan ng bait - - kapantay ng pagsasabi na Siya'y gaya sa malasadong itlog -- kung di man Siya'y isang diyablo ng impiyerno. Kailangan mong mamili - Maaaring ang taong ito ay ang Anak ng Diyos, o kaya nama’y isang baliw o mas higit pa...Sabihin mo na isa Siyang hangal, duraan mo Siya at patayin o magpatirapa ka sa Kanyang paanan at tawagin siyang Panginoon at Diyos. Ngunit huwag nating palampasin ang walang kabuluhang pagtrato kay Hesus bilang isang dakilang mangangaral lamang. Ang pagpili kung paano natin kikilalanin si Hesus ayon sa ating pananaw ay isang bagay na hindi Niya pinahintulatan. Hindi iyan ang Kanyang layunin'.

Kung ganoon, sino si Hesu Kristo ayon sa pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili? Sino Siya ayon sa sinasabi ng Banal na Kasulatan? Una ay tunghayan natin ang sinabi ni Hesus sa Juan 10:30, 'Ako at ang Ama ay iisa.' Sa biglang tingin, tila hindi ito pag-angkin na Siya ay Diyos. Subalit suriin natin ang reaksiyon ng mga Hudyo, 'Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos'(Juan 10:33). Sa harap ng mga Hudyo, walang alinlangang inangkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Sa sumunod na mga talata, hindi itinuwid ni Hesus ang mga Hudyo sa kanilang pagkaintindi at sinabing, 'Hindi Ko inaangking Ako ay Diyos.' Pinatunayan sa talatang ito na tunay na si Hesus ay Diyos nang Kanyang ideklara, 'Ako at ang Diyos ay iisa'(Juan 10:30). Ang Juan 8:58 ay isa pang patunay ng pagka Diyos ni Hesu Kristo. Tumugon si Hesus, 'Sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, 'Ako'y Ako na!'(Juan 8:58). Muling kumuha ng mga bato ang mga Hudyo at tinangkang ipukol kay Hesus. Ang pahayag ni Hesus ng Kanyang pagkakilanlan bilang 'Ako ay Ako', ay tuwirang paggamit ng Pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan (Exodo 3:14). Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesus kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa Pangalan ng Kataas-taasang Diyos?

Ito ang sinasabi sa Juan 1:1: 'Ang Salita ay Diyos.' At sa Juan 1:14 naman ay ito ang sinabi, 'Ang Salita ay nagkatawang tao.' Ito'y maliwanag na indikasyon na si Hesus ay Diyos sa anyong laman. Ang alagad na si Tomas ay nagpahayag tungkol kay Hesus ng ganito, 'Aking Panginoon at aking Diyos'(Juan 20:28). Si Tomas ay hindi nagkamali dahil hindi siya sinaway o iwinasto man ni Hesus. Si apostol Pablo ay naglarawan kay Hesus ng ganito, '...ang ating Dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo...'(Tito 2:13). Gayon din ang sinabi ni apostol Pedro, '...ang ating Diyos at Tagapagligtas na si Hesu Kristo'(2 Pedro 1:1). Ang Diyos Ama ay nagpatotoo rin sa pagiging Diyos ni Hesus, 'Ang Iyong Trono, O Diyos ay mananatili magpakailan man, at ang Katuwiran ay mangingibabaw sa Iyong Kaharian.'(Awit 45:6). Ang mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan ay nagpahayag ng pagiging Diyos ni Hesus, 'Para sa atin, isang sanggol na lalaki ang isisilang, at Siya ang mamamahala sa atin. Siya ang kahanga-hangang Tagapayo, ang makapangyarihang Diyos, walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan'(Isaias 9:6).

Kaya nga't tulad ng pangangatuwiran ni C.S.Lewis, ang pagtitiwala kay Hesus bilang isang mabuting Guro lamang ay isang bagay na hindi dapat ipagwalang bahala. Bagkus, maliwanag at walang pangingiming inangkin ni Hesu Kristo na Siya ay Diyos. Kung hindi Siya Diyos, Siya ay sinungaling, samakatuwid hindi Siya Propeta, hindi mabuting Guro, at lalong hindi maka-Diyos. Sa kanilang pagnanais na ilayo ang mga tao sa katotohanan patungkol sa mga pahayag ni Hesus sa Kanyang sarili, itinuturo ng mga modernong 'iskolar' na ang 'tunay na Hesus sa kasaysayan' ay hindi inangkin ang maraming hula at pagpapakilala sa Banal na Kasulatan patungkol sa Kanyang katangian. Sino tayo para mangatuwiran tungkol sa mga salitang pinahayag ni Hesus, at sa mga salitang hindi Niya sinabi ngunit di umano ay nakasulat? Papaano mangyayari na ang mga modernong 'iskolar' na halos dalawang libong taon ang agwat sa kapanahunan ni Hesus ay magkakaroon ng mas malawak na pananaw at kaalaman kay sa mismong mga tagasunod at kasama-sama Niya na naglingkod sa kanya at tinuruan din Niya (Juan 14:26).

Bakit ba napakahalaga ang katanungan tungkol sa tunay na pagkakakilanlan kay Hesu Kristo? Bakit makabuluhan na tiyakin kung si Hesus nga ba ay tunay na Diyos o hindi? Ang pinakamahalagang kadahilanan kung bakit kailangang tanggapin na si Hesus ay Diyos ay sapagkat, kung karaniwang tao lamang Siya, ang kamatayan Niya ay hindi magiging sapat na kabayaran upang tubusin ang kasalanan ng buong sangkatauhan (1 Juan 2:2). Tanging Diyos lamang ang mayroong lubos na kakayahan upang mabayaran at iligtas ang tao sa walang hanggang kaparusahang dulot ng kasalanan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21). Kailangang Diyos si Hesus upang maging ganap ang kabayaran ng ating mga kasalanan. Kinakailangan din na maging tao si Hesus upang danasin ang kamatayan na siyang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23). Ang kaligtasan ay matatamo lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo! Ang pananampalataya sa pagka-Diyos ni Hesus ang tanging daan tungo sa kaligtasan.

Ang pagka-Diyos ni Hesus ang siyang dahilan kung kaya’t buong katwiran Niyang ipinahayag, 'Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.' (Juan 14:6)
 
bakit pla sya dapat sambahin? eh anak lang sya ng dyos? bakit tayo smasamba sa anak hnd sa ama na syang dakila? gmising na tayo sa katutuhanan.
 
bakit pla sya dapat sambahin? eh anak lang sya ng dyos? bakit tayo smasamba sa anak hnd sa ama na syang dakila? gmising na tayo sa katutuhanan.
Hindi mo ba nabasa sa john 10:30 na sinasabi doon na "AKO AT ANG AMA AY IISA" ikaw ang gumising mali kana .
 
Juan 14:12, “Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama.”

Gawa 4:12, “Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas.”

Gawa 26:18, “…At sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin, sila'y patatawarin sa kanilang mga kasalanan at sila'y mapapabilang sa mga taong pinaging-banal ng Diyos..”

Pahayag 2:13, “Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin …”

Juan 20:28, “Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Jesus, ‘Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako?’”

Juan 20:31, “Ang mga nakatala rito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.”

Gawa 2:38, “Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo....”

1 Juan 3:23, “Ito ang kanyang utos: sumampalataya tayo sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan tayo gaya ng iniutos ni Cristo sa atin.”
 
Mula sa umpisa ng buhay ni Hesus sa lupa, makikita natin ang mga halimbawa ng pagsamba sa Kanya ng mga tao. Pagkakita pa lamang ng mga pantas sa sanggol na si Hesus, “nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya” (Mateo 2:11). Itinala sa Bibliya ang inisyal na tugon ng mga tao ng pumasok Siya sa Jerusalem: At ang mga karamihang nangasa unahan niya, at ang nagsisunod, ay nagsisigawan, na nagsisipagsabi, Hosana sa Anak ni David: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon: Hosana sa kataastaasan! Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel’” (Mateo 21:9; Juan 12:13). Ang salitang hosanna ay isang pakiusap sa pagliligtas at pagpapahayag ng pagsamba. Ang salitang ito na ginamit ng mga taong sumalubong kay Hesus ay isang uri ng pagsamba.

Pagkatapos na mamangha ang mga alagad kay Hesus dahil sa paglakad Niya sa ibabaw ng tubig, “At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, ‘Tunay na ikaw ang Anak ng Dios’” (Mateo 14:33). May dalawang hindi malilimutang halimbawa ng pagtanggap ni Hesus sa pagsamba pagkatapos Niyang mabuhay na mag-uli. Ilang babae (Mateo 18:1; Markos 16:1; Lukas 24:10) ang papunta sa mga alagad upang sabihin sa kanila ang tungkol sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli ang sinalubong ni Hesus habang daan, “At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba” (Mateo 28:9).

Pagkatapos, nagpakita si Hesus kay Tomas na hindi naniniwala na nabuhay na Siyang mag-uli kahit na pinatunayan ng ibang mga alagad ang tungkol dito. Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, ngunit nagdududa pa rin si Tomas. Alam ni Hesus na nagdududa si Tomas kaya’t nagpakita Siya sa kanya at ipinakita ang marka ng pako sa Kanyang mga kamay at paa. Ano ang reaksyon ni Tomas? “Sinabi ni Tomas kay Hesus, ‘Panginoon ko at Diyos ko!’” (Juan 20:28). Wala isa man sa mga pangyayaring ito na ipinagbawal ni Hesus ang pagsamba sa Kanya, gaya ng pagbabawal ng mga tao at ng mga anghel sa pagsamba sa kanila (Gawa 10:25–26; Pahayag 19:9–10).

Patuloy tayong nagaalay ng pagsamba kay Hesus ngayon sa pamamagitan ng pagaalay sa Diyos ng ating buhay bilang buhay na handog anumang oras natin nasain, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya (Roma 12:1–2). Sinabi ni Hesus, “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Sinasamba natin ang Diyos sa espiritu at katotohanan sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. Ang pagsamba ay hindi lamang pagyukod at pagluhod kay Hesus o paglalatag ng mga sanga ng palma sa Kanyang daraanan, o pag-awit at pagsigaw ng ating pagpupuri. Ang pagsamba ay pagkilala kay Hesus, pakikipagrelasyon, paglilingkod at pagtitiwala sa Kanya.
 

In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. John 1:1 NIV

The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the one and only Son, who came from the Father, full of grace and truth. John 1:14 NIV
 
I believe that there is God the father and has son Jesus Christ but I'm still confuse to whom I directly pray.Usually I pray to God the father through Jesus Christ.In short I pray to both of them. I feel guilty or unsatisfied if I only pray to one them.
Could anyone enlighten me with supporting bible verses?
 
AKO!" naniniwala ako ky Hesu kristo dahil sa pamamagitan ng pag sampit sa pangalan nya akoy maililigtas at mapatawad ng ating makapangyarihang "Diyos Ama"
 
Sana malinawan kayo"

Ako ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.' (Juan 14:6)
 
I believe that there is God the father and has son Jesus Christ but I'm still confuse to whom I directly pray.Usually I pray to God the father through Jesus Christ.In short I pray to both of them. I feel guilty or unsatisfied if I only pray to one them.
Could anyone enlighten me with supporting bible verses?
xD medyo same tayo before nagdadasal ako sa ama ni kristo dahil seloso siya pero sa mga pinapakinggan kong kanta na sinasamba si hesu kristo na parang siya ay ang diyos mismo nalito tuloy ako dahil may verse na nag sasabi na si hesus ay hindi mataas kaysa sa kanyang ama at nag tanong ako sa taong nag hikayat sa akin nasa bible daw na siya rin ang ama pero hindi pinaalam anong verse sinabi niya lang na basahin ko ang biblia until now nalilito parin ako dahil nag stop ako mag basa due to continues sin ^^ pero hindi na ako masyado nagiguilty dahil sa aware ako na seloso ang ama at sasambahin ko ang kanyang anak
 
xD medyo same tayo before nagdadasal ako sa ama ni kristo dahil seloso siya pero sa mga pinapakinggan kong kanta na sinasamba si hesu kristo na parang siya ay ang diyos mismo nalito tuloy ako dahil may verse na nag sasabi na si hesus ay hindi mataas kaysa sa kanyang ama at nag tanong ako sa taong nag hikayat sa akin nasa bible daw na siya rin ang ama pero hindi pinaalam anong verse sinabi niya lang na basahin ko ang biblia until now nalilito parin ako dahil nag stop ako mag basa due to continues sin ^^ pero hindi na ako masyado nagiguilty dahil sa aware ako na seloso ang ama at sasambahin ko ang kanyang anak
Holy Trinity po un The Father The Son and The Holy Spirit at iisa lang po un Si GOD nag kakalito lito lang po dahl sa ibat ibang turo saantn pero Iisa lang mo yan which is si GOD po :)
 
Last edited by a moderator:
Holy Trinity po un The Father The Son and The Holy Spirit at iisa lang po un Si GOD nag kakalito lito lang po dahl sa ibat ibang turo saantn pero Iisa lang mo yan which is si GOD po :)
ano pong verse ^^ sa biblia po ako naniniwala hindi sa tao na nagsasabi tapos walang ni add na verse ^^ yun din po ang advice sakin ng naghikayat sakin huwag ko daw paniwalaan sinasabi niya mag basa daw ako ng bible
 
Last edited by a moderator:
Hindi ako makapag qoute ng reply.
Reply ko ito kay Kapitan
Ayun sa pagkakaintindi ko.. God the Father and Son are the same God but the Father is higher than the Son. Read bible verse john 14:28
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 35
    Replies
  • 2K
    Views
  • 17
    Participants
Last reply from:
angelo_salem9

Online statistics

Members online
325
Guests online
3,456
Total visitors
3,781
Back
Top