What's new

Help sino only child dito?

ssouzeii

Eternal Poster
sino po only child dito? Nafeel nyo na bang masuffocate sa parents or parent nyo? ako kasi oo sa mama ko kasi feeling ko tingin niya saakin elementary na hindi kaya alagaan sarili, pinapauwi niya ko ng maaga, text siya ng text, call ng call gaya kanina kasi brownout dito nakicharge ako sa ibang bahay tas pinayagan naman niya ko kasi kailangan niya din ng charge.

Sabi niya sige 8 uwi kana umalis ako nun around 4:30 to 5 pm na nun tas indi ko napansin na nagparatex siya ultimo iba kong friends na hindi ko naman kasama dun sa lugar kinontact niya tas siguro kasalanan ko naman kasi hindi ko napansin yung tex niya kasi chinacharge ko cp ko at malayo sakin kausap ko yung mga kaibigan ko tas kumain na rin ng dinner tas pigpara pauwi niya na ko eh uuwi naman talaga ko hindi naman ako lalampas sa usapan. Minsan naiisip ko wala sakin tiwala si mama kasi nagusap naman na kami nasetup na utak ko kaya di na ko nagcheck ng phone tas pigpara pauwi niya nako bandang 6:30 palang. Hindi naman ako mapapano kaya ko naman sarili ko atsaka may kasama naman ako umuwi bat anhirap sakanya ipaintindi na kaya ko sarili ko.

Single mom na mama ko sakin kasi hindi naman ako tinutustusan ni papa ng maayos. May advice po ba kayo para magkaroon ako ng good relationship sa mama ko na overprotective at grabe mag alala na parang mapaparanoid na minsan di ko na maintindihan hays.. aminado ako na natataasan ko siya ng boses pero di ko na alam lagi nalang kami nag-aaway ni mama.
Tatanggapin ko po kahit criticism kasi alam ko may mali din ako ganun lang talaga yung nararamdaman ko lagi parang yung freedom ko masyadong nahohold back.

hindi ko na alam feeling ko ang dependent ko na tuloy masyado parang di na ko nago grow salamat sa sasagot po..
 
only child din ako, at madalas ganyan ang mama ko, nakaka badtrip din kasi lalaki ako tapos di ko magets kung bakit ganon na lang sila ka takot kpag nag lalaboy ako eh lalaki naman ako. at kapag nag papa-alam ako na pupunta lang ako sa ibang tropa na hindi pa nya na-me-meet. may segway syang, "aba, bago yan ah" na parang laging may hinala kung anong gagawin ko. nakaka badtrip diba? nakaka sakal diba? ganyan din iniisip ko nung mga 10-12years ago.


27 na ako ngayon, at sobrang thankful ako na ganyan ang mga magulang ko sa akin. napapansin ko madalas na mas close kami ng pamilya. ngayong kumikita na ako ang una kong tntreat ay mga magulang ko. pero syempre may mga time parin ako sa tropa. nakakatuwa lang isipin na hindi ako napahamak dahil sa paghihigpit nila. ngayong alam na nilang kaya ko ang sarili ko, wala na masyadong problema tungkol sa pag gala. sinisigurado ko lang na mag ttext ako ahead of time kung hindi ako makak uwi or ma le-late ako ng uwi dahil nakasanayan ko na. madalas akong inaasar na mommas boy ng tropa. at ibinabalik ko lang sa kanilang "hindi ka lang love ng mama mo" at nagtatawanan lang kami.

sa totoo lang, natatawa akong isipin na masyado akong nagmamadali noon, totoo lang ang snabi nila. na marami pang oras para gawin ko ang mga bagay nato. sa Nanay ko, salamat ng marami at piniglan at pinaghigpitan mo ako noon. natuto ako sa bawat pangaral mo.
 
matutuhan nya lang na iappreciate ung mga gngwa ng magulang nya magiging maayos na lahat. hindi nya pa lang kasi magets kung bakit sobrang higpit ng magulang nya eh. ung mama ko kasi dati very vocal sa feelings laing nagkocompare sa ibang magulang kahit na pabiro, "ung si Karmen, pito anak non kaya pmpyag yon na maglaboy anak nya, ako iisa lang anak ko ikaw lang, kpag nawala ka wala na akong ibang anak".
 
You know what TS, only child din ako. Over protective ba yung magulang ko? Yes. Kailangan laging magpaalam, kailangan laging mag text. Tinatawagan pa nga ako e, pero never kong naramdaman na nasakal ako. Thankful ako kasi may pake sila sakin, naiirita ba ko na kailangan ko mag text lagi, minsan pero ang ginawa ko, uunahan ko ng itext yung nanay o tatay ko " me, maya pa ko uwi may tinatapos pa." pag pauwi na ko " me nakasakay na ko sa jeep" dumating yung point na di na ko nirereplyan ng nanay ko sya na ata yung nasawa.

May tanong lang ako, sayo. Nasira mo na ba ang tiwala/ trust ng nanay mo sayo? Kaya sya ganyan? Kahit once?
 
Ilang taon ka na ba? Babae ka ba o lalaki? Kung below 21 ka at lalo na kung babae ka, most likely yun ang dahilan kaya ganun ang nanay mo sa'yo. Takot kasi Mama mo na baka mapa'no ka since sabi mo nga only child ka tapos single mom pa siya. She is doing her best to raise you. Kapag may nangyari kasi sa iyo, hindi niya kakayanin 'yon lalo na't only child ka. Ikaw na lang yata meron siya kung tutuusin, 'no? Hindi siguro sa wala siyang tiwala sa'yo, rather wala siguro siyang tiwala sa mga nakapaligid sa'yo (not necessarily sa mga kaibigan mo pero as in sa mga taong maaaring makasalamuha mo araw-araw kahit stranger).

Tingin ko bata ka pa kaya nararamdaman mo yan. Dumaan din ako sa gan'yang phase kahit hindi ako only child at hindi single parent ang nagpalaki sa akin. Maswerte ka pa nga kasi kahit papa'no nakakalabas ka. Hindi pa yan sagad-sagarang "overprotective" maniwala ka. Dati, hindi ako in good terms with my parents kasi gan'yan din ang pakiramdam ko noon. Araw-araw yata kami halos nag-aaway sa bahay noon kasi gan'yan ang pakiramdam ko. Parang nakakasakal pero habang tumatagal at tumatanda ako, na-rerealize ko na kung bakit gano'n ang mga magulang. Dahan-dahan kong naintindihan lahat. Ngayon, nagpapasalamat na ako ro'n.

Isipin mo 'to. Hindi madaling magpalaki ng anak tapos sa isang iglap mawawala lang dahil sa aksidente o kung ano man. Anong silbi ng tiwala kapag may nangyari na sa'yo? Useless ang tiwala kapag may nangyari na. Mababalik ka ba ng sinasabi mong tiwala kapag may nangyari sa'yo? Yun ang tingin kong side ng Mama mo. Takot siya kasi hindi naman niya kontrolado ang paligid mo para ma-secure yung safety mo. Mahal ka ng nanay mo. Nakaka-frustrate man kasi s'yempre ang hirap makipagsabayan sa mga kaibigan at kasama kapag gano'n ang sitwasyon mo pero katagalan mapagtatanto mo rin na panandalian lang lahat yan. Yang mga kaibigan natin iiyak at makikiramay lang yan kapag may nangyari sa atin. Pero yung mga magulang natin, sila yung magdadala nung totoong bigat habang-buhay. Hindi mo maaalis sa kanila yung bigat na parang nagkulang sila kung sakaling may mangyari sa atin. It took me years to realize this.

Maiintindihan mo rin yung ganung klaseng takot kapag medyo tumanda ka na lalo na siguro kapag naging magulang ka na. :)
 
Para po ito sa mga nakakaranas na parang feeling nila overprotective ang mga magulang natin sa atin at wag na wag kayong mag iisip ng negatibo sa mga magulang natin dahil mahal na mahal tayo ng parents natin.... Unang una magkakaiba ang pagdidisiplina ng mga parents natin.... Napakaswerte nyo at ang mga magulang nyo ay sobrang naiisip at inuuna lagi tayong mga anak kesa sa mga sarili nila kahit pa may mga edad na sila at may mga karamdaman pa sa pangangatawan nila na madalas nililihim at hindi sinasabi sa ating mga anak... Isusubo na nga lang yung pagkain nila e ibibigay pa nila sa ating mga anak... May mga magulang nga na wala ng pakialam sa mga anak kapag nailuwal na e, pababayaan na yan agad...

Ang pagmamahal ng isang magulang ay di mahihigitan ninuman dahil sa huli ay sila parin ang hahanap hanapin natin at sila lang ang tunay na makapagbibigay ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Overprotective man sila alam naman natin na pinapahalagahan at mahal nila tayo.

Ang mga magulang natin ay kilala natin bilang isang konserbotibo at may wagas na pagmahal sa kanilang anak at dahil na din sa ganito ay nagagawa nilang maghigpit sa kanilang mga anak dahil ayaw nila tayong mapasama o matulad sa iba. Kaya naman minsan ay kinaiinisan ito ng kanilang mga anak at hindi nauunawaan.

Para sa ating mga magulang gusto nila na palagi nilang alam ang ating mga ginagawa upang mapanatag ang kanilang loob. Nagagalit man sila sa mga minsan nating pagkakamali ay nagagawa nila ito dahil narin sa ayaw nilang mapahamak at may mangyaring masama sa atin. Habang lumalaki tayo at mas nagkakaroon ng maraming nakakasalamuha na tao ay mas lalong di napapalagay ang kanilang loob. Nagagawa rin natin silang mapaiyak sa sobrang pagaalala kapag di tayo nakakauwi ng bahay sa tamang oras at magsisimula na silang magalit at mapagtaasan ka ng boses. Ayaw din nila na palagi kang lumalabas ng bahay kaya minsan ikaw ay tambay lamang sa bahay. Di rin nila gusto na magkaroon ka ng kasintahan dahil para sa kanila sagabal lang ito sa pagaaral. Marahil ay gusto lang talaga nila na mapabuti ka at para sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng magandang buhay.

Kaya po sana wag nating pababayaan ang mga magulang natin... Kung maging maunlad man tayo sa buhay palagi nating isasama sila sa mga priorities natin dahil kung wala sila wala rin tayo dito sa mundong ito... Mahalin po natin at ipakita sa mga magulang natin ang buong pagmamahal natin habang sila ay kasama pa natin sa mundo dahil kapag nawala ang mga yan baka huli na ang lahat tsaka mo marerealize na napakaswerte at nagkaron ka ng magulang na sobra ang pagmamahal sayo...
 
Last edited:
[XX='11mclore, c: 457737, m: 1266783'][/XX] Tru 'to. Madalas ako di payagan sa swimming, ang rason "pag nalunod ka wala ng papalit sayo, nagiisa ka lang e yung mga kaklase mo madami sila magkakapatid" naalala ko lang, dami kong swimming na di nasalihan dahil dito 😂
 
Last na TS,

May jowa ka? Or nagka jowa ka na? Or kalandian.

I'm sure kung meron man, lagi mo yang tinetext or chat. Laging ma pa "good morning, kumain ka na?" bakit di mo magawa sa nanay mo yun? Anong pinagkaiba? I mean always update her about your whereabouts. Hmmmmm?

Wala lang, just saying. 😁
 
Ako nga hindi naman only child pero ganyan sakin nanay ko. Lalaki ako ah hindi babae

Pero hindi na naman katulad ng dati. Ngayon chinachat nya pa yung mga kaibigan ko kung nasaan ako. Pero kung alam nya naman kung saan ako o nakapag paalam ako kahit gabi na hindi naman na nagtetext o tumatawag sakin kahit sa mga kaibigan ko.

Ayun kaya nagpapaalam ako kapag matatagalan pag uwi para hindi na sya mang-abala haha
 

Similar threads

Back
Top