Sa mga gustong sumubok, maging extra careful lang kayo. Hindi man natin sila nakikita kasi wala tayong kakayahan pero learn to respect them. Dun din kay lods na nagsabi na ingat kasi laging may evil na katabi tayo, siguro hindi katabi pero laging naghahanap yan ng way para makaspread ng evil sa mundo at sa maling pagamit ng medium na katulad ng ganyan spirt of the glass, or ouija board ang isang paraan.
Iba iba tayo ng paniniwala, may totoong nakakakita o nakakaramdam, nakakakita ng premonitions, at madaming hindi naniniwala dahil hindi pa nila nararanasan, pero matutong rumespeto lalo na sa gustong sumubok dahil hindi natin alam kung anong kakaharapin mo pag hindi kayo well educated sa mga bagay na ganyan.