What's new

Closed Sino dito madalas nanaginip o binabangungot?

Status
Not open for further replies.
Ako noon madalas, ginagawa ko kinakalma yung sarili saka dahan-dahan ginagalaw yung daliri hanggang maramdaman mo na ang yung sarili.

Yung sakin laging may dumadagan na parang maitim na tao na syang mga kamay ay sinasakal ako. Importanti yung maalala mong tulog ka nun kahit pakiramdam mong eto ay parang real. MagFocus ka o mindset na iyan ay isang parti lang ng iyong masamang panaginip kaya wag mag panic.
 
Idilat agad ang mata pag ganun pero mas effective yung iyak ng pamangkin kong makulit sa madaling araw hahaha😂
 
ewan ko lang pero kapag binabangungot ako, gumagawa ako ng paraan sa panaginip ko para makontrol yung panaginip ko (weird nga eh), tapos once makontrol ko nah nagdadasal ako at pinipilit ko magalaw kahit daliri lang ng paa o kamay, tapos nagigising na ako 😂 😂 :ROFLMAO::ROFLMAO:
 
Alam mo yung sleep paralysis ts? Ganun nangyayari sakin. Nakakatakot nung una ko naexperience yun kasi dika makagalaw eh ang numb pa ng pakiramdam mo pero nung nasanay na kinakalma ko lang sarili ko tapos dinededma mga kakaibang nakikita, gagalawin ko mga daliri ko hanggang maramdaman ko na sarili ko ganun teknik ko
 
Madalas ko tong naeexperience,lalo na kapag stress ako. Dati prayers in my mind lang kaso habang tumatagal mas lumalala,kaya ngayon sa tuwing nagkaka sleep paralysis ako, kumakalma na lang ako sabay sabi sa sarili na "Kalma,bangungot na naman to" . Tapos habang humihinga ka na kumakalma,kusa na lang didilat mata mo.
kapagka kasi dika kumalma,maaari kang atakihin sa puso na magiging sanhi ng pagkamatay.
 
Woah parehas tayo halos araw araw nangyayari sakin dati nung depress ako kahit nga idlip lang eh nangyayari parin. Pero sakin kahit nakadilat na mata ko hindi parin ako makagalaw mga ilang minuto pa bago makagalaw
 
Halos kada madaling araw nangyayari sakin.

ganyan din mom ko, kaya hirap gisingin kahit ilan beses ng sampalin di sya magising.. pag minsan nagpapatulong sya gisingin kasi di nya kaya imulat.. pero nasasaktan sya kapag sinasampal namin sya or inuuga pero tulog sya pag ganun...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top