What's new

Sino ANTI DUTERTE dito? paki sagot

Dear Anti-Duterte,
Nung namatay mga HongKong Nationals sa
hostage crisis, at galit na galit ang HongKong
sa atin, pinagparesign ba si PURISIMA?
Nung naging sikat sa kahihiyan ang Pilipinas
dahil sa laglag bala, pinagparesign niyo ba si
JOSE HONRADO na MIAA Chief. Nung nabulok
ang mga gamot at bigas para sa Yolanda
victims dahil hindi pinamigay, pinagparesign ba
si rainbow-haired DSWC secretary na si DINKY
SOLIMAN
Singil ng singil si HENARES sa TAX ng malilit
tapos yun pala hindi niya sinisingil si LUCIO
TAN at ang PAL na ngayon ay ginawa ni
DUTERTE. Nalinlang pala kayo ng amo niyong
si PNOY???
lyong ginawa nila sa Lumad at mga patayan sa
HACIENDA LUISITA during CORY's term,
pinagresign niyo ba sya? Tapos sasabihin nyo
sinasarmba namin si Digong, bakit inilagay nya
ba pangalan nya sa airport natin tulad ng
pagtawag sa Ninoy Aquino Airport, nagpatayo
din ba sya ng rebulto sa manila tulad ng
ginawa ng Aquino family? Nilagay din ba
mukha nya sa pera natin? Nuon gusto nyo pa
gawing santo ang nanay nya. bakit
NAG-MILAGRO ba sya at umunlad ang Pinas?
Nung palpak ang forecast at management ni
MAR ROXAS sa Yolanda, pinagparesign ba
sya?
lyong ginamit nila ang Warld danations ng
Yolanda sa sarili nilang interest at naubos na
raw, pinagparesign nyo ba si PNOY? Ni hindi
nga natupad magpasagasa sa tren dahil hindi
niya nagawa ang MRT sa Cavite? Hindi nyo din
pinag resign?
Nung magkasira-sira araw-araw ang mga tren,
pinagparesign niyo ba si ABAYA?
Nung mag leak ang personal info niyo sa
comelec, pinagparesign niyo ba si ANDY
BAUTISTA?
lyong namasaker yang SAF 44 dahil sa
desisyon nila ni PNOY at PURISIMA
dahil sa kapabayaan, pinagparesign niyo ba si
PNOY?
Nung madami na nakapuna sa kapalpakan ni
PNOY. pinagparesign niyo ba amo niyo?
Alam niyo ba kung sino lang pinagparesign
niyo? Si CJ RENATO CORONA, dahil panig sa
nga pobreng magsasaka ang disisyon niya sa
Hacienda Luicita..
Resign DU30 kuno. eh yung mga sabwat sa
krimen sa panahon ni PANOT, bakit tameme
kayo? Dahil ba ok lang kay DELIMA kahit alam
niyang sagana ang kalakaran ng DROGA sa
kulungan? Kasi para kumbinsihin sarili niyo na
karapatdapat siya sa pagkapangulo dahil
nagpakatanga kayo noon sa EDSA 1,
pinanindigan nyo pa katangahan niyo na binoto
niyo ang incompetent na taong ito na kayang
kaya niya utuin na namatay yung nanay nyang
tinawag nyong Santo? Ang galing niyo rin
ano??!! Wag kayo mandamay ng kamalasan.
Mahiya kaya oy.! kung Ang DILAWAN sangkat
sa kabulastugan at Corruption tahimik kayo
OOYung mga walang kasalanan at hadlang
sa mga dilawan yun ang ginagawan niyo ng
propaçanda para mapagtakpan ang
kabulastugan ng DILAWANOO0
Ni hindi nga nagawang gawin nuon na 5 years
ang validity ng driver's license at 10 years sa
passport eh.. check nyo muna mga biggest
accomplishment(s) ni Digong in JUST 2
YEARS. imagine that,. FACT CHECK muna bago kuda!
 
Last edited:
Maraming hindi nakulong sa quaranntine regulation.. . Yung mga nagwelga na abs cbn celebrities at mga fans at media dikit dikit na sila.. Nakuhanan pa ng video yan.....napag bigyan pa cla jan....
ibang usapan na kapag drugs, rape...
Cguro wala naman mayaman, mahirap jan.. Kapag napatunayan ang sala nila....
.
Pansinin nyu din yung mga bilyonaryong nga negosyante na tinitira ni duterte ngayon...
Kung tutuusin pwede cxa epa assasin ng mga yan...... Kaya huwag mong sabihin na mahihirap lang makakaranas ng batas..... Ultimo mga negosyanteng corrupt noon pa.. kinokonpronta nya.....
Mahirap kalabanin mga bilyonaryo...... Yung mga nagdaang presidente.. Puppet ng mga negosyante.... Kac yung ibang tumakbo sa politico... May mga pomopondo pala jan..para maproteksyonan negosyo nila..... Para tuloy tuloy ang corrupt........
.
Kaya nga nabilib ako kay duterte.... Tinitira nya mga negosyanteng corrupt....
Hahaha paano maasasinate? Pinataas nya sahod ng army at pulus pra proteksyon nya
 
Nah , kahit sino pa President , wla perfect sa mata ng tao.
May kanya kanya tayo pananaw ,, hnd tayo robot na pwd icommand , to love , like and isang president,

Para sa aqn ok si duterte sa ibang bagay nagin maauz.. "MAYBE NABAWASAN " HND MAN NAWALA ANG CORRUPTION

Try natin buhayin eto thread na eto and compare ung next president . para msav natin ok ba tlga si Duterte,
 
daming mamamatay sa mga admin na nakipag partner sa mga external countries neto hahaha.
especially sa mga malakas yung pag partner sa china at america.
 
di matatangging may nagawa na si duterte pero yeah. in times of pandemic dapat ginawa nya yung tama. madali lang naman yon, (tapos sasabihin ng mga DDS, edi ikaw na mag presidente). Sayang naman eto sana yung times na mas maraming susuporta sa kanya if maganda pag ka handle nya sa pandemic. Lumabas din baho ng gobyerno ngayon dahil napaka ****ed up na ng justice dito sa pilipinas (dati pa naman). So yeah sana sa susunod na halalan bumoto tayo ng maayos para din naman sa bansa to e
 
kontra para masabi lang. basta ba hindi para lang sa sariling kapakanan nya ginagawa nya.
Consider mo nalang, di nyo din naman kayang gawin ginagawa nila, wag epal masyado. Call out lang, wag komontra
 
Lods, clarify lang natin ah. When you call out someone, it means that you do not agree with what they're doing. Hence, kinokontra mo nga. Paki-consider din na wala rin naman sila sa posisyon nila kung hindi rin dahil sa taong-bayan. Pero tama ka naman. Suportahan ang tama at i-call out/kontrahin ang maling gawain. :)
 
Nah , kahit sino pa President , wla perfect sa mata ng tao.
May kanya kanya tayo pananaw ,, hnd tayo robot na pwd icommand , to love , like and isang president,

Para sa aqn ok si duterte sa ibang bagay nagin maauz.. "MAYBE NABAWASAN " HND MAN NAWALA ANG CORRUPTION

Try natin buhayin eto thread na eto and compare ung next president . para msav natin ok ba tlga si Duterte,
Lods wala talagang perpekto at hindi map-please lahat ng tao pero 'di ibig sabihin non ikakahon na lang natin yung sarili natin sa ideyang "okay lang na ganon siya, basta ganito naman siya eh" o pipili na kang tayo ng lesser evil sa kanila. Deserve at karapatan nating lahat na taasan yung standards natin lalo na pagdating sa mga public officials hence the importance of criticism.

Ang nangyayari kasi sating mga pilipino para tayong mga battered wife na inaabuso at sinasaktan na nga ng asawa, ayos lang at tinitiis pa rin kasi mahal niya o may nakukuha naman siyang benepisyo kahit paano kahit alam niyang lugi siya.

Maalis sana yung ganitong mentality sating mga pinoy. Demokratikong bansa tayo. Tayo ang boss dito and we deserve better.
 
[XX='PHC_Prinnsheys, c: 115019, m: 666211'][/XX]

DDS not only means Davao Death Squad noawadays. Ginagamit na rin ito to refer to Die-hard Duterte Supporters bilang biro ng karamihan magmula no'ng pumutok ang issue sa Davao Death Squad. Alvarez even admitted the use of the latter term and denied the former one. Search mo yung news. Hahaha pilit pa ngang dine-deny yang former term na yan ng mga nasa itaas dati tapos ikaw inaamin mo nga. Hahaha. Alam mo kung bakit dine-deny? Kasi kung papatotohanan at papanindigan ang term na yan, makakasama ito sa Presidente lalo na't na-lilink ang pangalan niya dito. Dine-deny niyo dapat ito to protect the President's innocence. If you wanted to defend the President's name, hindi ka nga dapat nakikiisa sa pagpapatotoo ng term na yan kasi labag sa batas ang death penalty. Bale, death squad pa kaya? Again, makakasama nga ito sa Presidente kasi dinadawit ang pangalan niya rito. Pinapaalala ko lang sa'yo kasi diba pinagtatanggol mo? Hahaha. Binibigyan lang kitang kalinawan. Hindi kita inaaway. This is just a friendly reminder para sa'yo to study your argument before you call people 'noobs'. Hahaha
 
tas si duterte pa biniblame sa 9 Trillon na utang ng Pilipinas eh Mostly nanggaling naman sa nakaraan na administration na naka utang ng 6.5 Trillon, tas panay batikos kay duterte wala namang ginagawa nag hihiga lang sa bahay at nakikitira lang sa magulang hahahah
 
Isa ba ito sa mga pinakamahahaba at pinakabagong script ng mga DDS? Haha! Unahan ko na, hindi ako dilawan. Wala tayong pinapanigan. I guess, parehong may kakulangan. We deserve better, eh? Bakit hindi tayo magrereklamo? In the first place, mamamayan ang nagluklok sa kanila. Tumakbo sila nang may pangako. Ewan ko. Change has come na dapat. Kasi noon pa change is coming. Tapos na dapat ito. Dalawang taon na lang. Ang nakita natin, pagpatay. Pag-utang. Pagsasawalang kibo. Pagmumura, but to be fair, maaring may ginawa pero uulitin ko, it is not enough.

Sa panahon natin ngayong pandemya, hindi maganda na ang utang natin ay umabot na ng ilang bilyon. San tayo kukuha ng pambayad doon? Bukod roon, nasan na yon? Alam kong alam mo na hindi mo naman talaga alam kung nasaan ang perang mga inutang. Sa ngayon, ilang buwan na tayong lockdown. Hindi parin tayo nagmass testing. May mga positive cases pa nga na confirmed na pero hindi naman kasama sa bilang. Paano yun? May gumaling pa kahit patay na.

Kawawang susunod na henerasyon. Baon sila sa utang. Hindi tayo makakabangon. Hanggat walang nakikinig sa mga suhestyon, na dapat naman talagang gawin, patuloy na may magrereklamo. Banggitin ko lang, hindi pagrerebelde ang pagpuna sa nakikita nating mali. WE DESERVE BETTER!

WAG NYO PO AKONG IBASH GAMIT AMG MGA LUMANG SCRIPT. NABASA KO NA YAN. HEHE
 
Back
Top