What's new

Closed Silang mga komportable nakaupo.. sila din ang makikinabang sa itinutulak nila pederalismo

Status
Not open for further replies.
SILANG KOMPORTABLENG NAKAUPO..
DINASTIYANG POLITIKAL ANG MAKIKINABANG SA ITINUTULAK NILANG FEDERALISMO.

■ 94% o 73 mula sa 80 probinsiya sa bansa ay mayroong mga political dynasty

■ Nasa dalawa hanggang tatlo ang political dynasties kada probinsiya

■ 20% ng pamilyang Pilipino ang nagmamay-ari ng 80% ng yaman ng bansa

■ Dinodomina ng mga political dynasty ang mga malalaking partido politikal

■ Mas maraming political dynasty sa mga lugar at rehiyong may mataas na poverty rate

■ Mas mababa ang social mobility at mababa ang human development kung saan maraming political dynasty

■ Mas mayaman ang mga kongresistang mula sa political dynasty, ayon sa kanilang SALN (Statement of Assets and Liabilities Net Worth)

■ Mula 1907 (Unang Asembilyang Pilipino) hanggang 2004, ang Kongreso at Senado ay dinomina ng 160 pamilya na tuloy-tuloy na nakaupo sa puwesto ang dalawa hanggang tatlong miyembro ng isang pamilya

■ 61 ng kabuuang 98 kongresista noong 1946 ang mula sa pamilyang nakaupo sa politikal na posisyon mula 1907 hanggang 1941.

■ Lumawak ang lupang pagmamay-ari at ang negosyo (tabako, pagmimina, midya, real estate, banko, at iba pa) ng mga political dynasty

■ Ang mga politiko mula sa mga dinastiya na hindi pa ulit makatakbo sa aalisan o kasalukuyan na posisyon noon ay tatakbo sa ibang posisyon

■ Ang mga incumbent na opisyal na naabutan na ng term limit ay tumatakbo sa mga gawa-gawang partylist

Sa FEDERALISMO ni Duterte, sila-sila pa rin ang maghahati-hati sa posisyon sa gobyerno. Sila-sila pa rin ang magpapasasa sa pondo/yaman ng bayan.

Taumbayan ang naghihirap, Tayong dapat manindigan at lumaban!

NO TO CHARTER CHANGE. NO TO FEDERALISM.

(Datos mula sa ACT Teachers Partylist, CenPEG, Ibon Foundation at “An Empirical Analysis of Political Dynasties in the 15th Philippine Congress” ng Asian Institute of Management)
 
Dami tao dito naniniwala at ipapaubaya parin ang pamumuno sa mga mayayaman na alam naman natin na naglilingkod lamang sila sa katulad nilang uring mayaman at hindi para sa mahihirap .
 
Yes to federalism..i love it.. mas maunlad na Pilipinas kapag federalism tayo dahil mas mailalapit sa atin ang pag unlad ang Pilipinas ay mahahati sa 12 state na kong saan sabayan pag unlad hindi lang manila ang umuunlad..wag ka mag alala my eleksyon naman kahit federalism na.
 
KAWATAN by Pan

Kung ang iyong akala, tuluyan ng pumanaw,
Ang pinakadakila sa lahat ng magnanakaw
Ikaw ay nagkakamali, malinaw na malinaw
Buhay na buhay muli, dumami pa mga halimaw..

MAG-NA-NA-KAW..
magnanakaw sa opisina, may ninakaw nanaman kanina
mandarambong sa gobyerno, pakitong kitong kahit paano

kahit saan dadapo, daig pa mga langaw
maninipsip ng dugo, pagka’t sila’y uhaw na uhaw
lahat ng ‘yong pagkain, kanilang inaagaw
masibang lalamunin, pagka’t sila’y napakatakaw…

tikbalang ang pangalan, baling ang palayaw
nasa kapangyarihan, yun parin ang sinasayaw
sila’y nagpapaligsahan, at hindi magkamayaw
propesyunal na gahaman, sa pera-pera nasisilaw…

ito nga ba ang bayan ng mga magnanakaw
kung gusto mo yumaman, magnakaw araw araw

mandurukot na walang takot
maya’t maya nangungurakot
mandurugas na walang kupas
kaban ng bayan nililimas

sobra sobra nasa sobre
kaya ang daming mga pobre
‘wag na magnakaw magnanakaw
marami-rami ka ng ninakaw

tong kantang ito ay hindi kay tatay digong.. sa mga TRAPO.
 
APOLLO-CODE11 said:
Yes to federalism..i love it.. mas maunlad na Pilipinas kapag federalism tayo dahil mas mailalapit sa atin ang pag unlad ang Pilipinas ay mahahati sa 12 state na kong saan sabayan pag unlad hindi lang manila ang umuunlad..wag ka mag alala my eleksyon naman kahit federalism na.
ano po ba kahulugan sa inyo ng maunlad?
 
ano po ba kahulugan sa inyo ng maunlad?
Mas maayos na sestema mas my pag unlad unlikes ngayon na unitary government napagiwanan na ng pag unlad ang ibang kanayonan..ikaw ano ba sayo ang unitary government bat ayaw mo ang federal?bakit sa tingin mo ba manabago mo pa ang Pilipinas kong hindi tayo susubok sa iba?
 
Baka pumuti na ang buhok mo nasa hukay ka na di mo pa naalis ang sinasabi mo na political dynasty.mas ok kung tumakbo ka na lang na congressman baka sakali ikaw ang makagawa ng batas sa pag buwag ng political dynasty kasi against naman ako diyan eh ano magagawa natin ni di nga makalusot yan na batas sa congress maramigpanukala pero hindi umobra..
 
Mas maayos na sestema mas my pag unlad unlikes ngayon na unitary government napagiwanan na ng pag unlad ang ibang kanayonan..ikaw ano ba sayo ang unitary government bat ayaw mo ang federal?bakit sa tingin mo ba manabago mo pa ang Pilipinas kong hindi tayo susubok sa iba?
nasaan po ba magiging maayos ang sistema kung sila rin ang uupo.. Mahigit 1 siglo sa kanila natin pinapaasa ang ating kabuhayan at ekonomiya pero may nabago ba,? Mas lalong humihirap ang mahirap habang sila ay lalong yumayaman.. Kung sa federalism ay sila din ang manunungkulan para sa akin wal din magbabago..

Maghahangad din naman tayo ng pagbabago doon na tayo sa SOCIALISM.
Dahil ito ang sistema ng lipunan na para sa nakararaming uri ng pilipino, ang maralita, magsasaka, manggagawa, propesyunal, maliliit na negosyante. Hindi ang sistemang ngaun o ang federalism man na ito ay para sa mga naghaharing uri.
 
Sino naman ang pwede mong ipalit na officials na gusto mo? Ang mga Pilipino pag hindi kilala ang kandidato ayaw nila iboto kong bagohan ka lang na mukha..ang gusto ng karamihan yon sikat may pondasyon na..mahirap magpabango sa publiko para manalo sa eleksyon kong di ka kilala di ka nila iboboto..may kilala ka na ba na naging senador na hindi sikat?presedente na di naman kilala?sino ang uupo sa gobyerno na sinasabi mo?mga bagohan ba?na alam naman natin hindi sila pinipili ng karamihan pagdating sa eleksyon.
 
bakit ayaw mo sa federal?dahil gusto mo ang makikinabang yung taga manila lang?paano naman kami na taga visayas at mindanao na maraming ambag?
 
bakit ayaw mo sa federal?dahil gusto mo ang makikinabang yung taga manila lang?paano naman kami na taga visayas at mindanao na maraming ambag?
 
eh bawal naman tumakbo sa next election ang magkakamag anak nung predecessor kapag naging federalism na ang systema

ode mabubuwag ang political dynasty

kaya maganda ang federalism yong kita ng isang lugar sa kanya lang talaga mas mabilis ang paglago ng buhok sa kili kili ko hehe
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top