What's new

Closed Si cristo ba ay diyos o tao?(tara talakayanin natin)

Status
Not open for further replies.
napanood kona ang diskusyon ng iglesia ni kristo at ang dating daan yan ang topic sa debate
ang tindig nang iglesia ni kristo patutunayan ko na tao si kristo at Hindi diyos
sa panig nang ang dating daan patutunayan ko na si kristo ay diyos na nagkatawang tao

sana sa pag post ko nito di ako maka offend ng ibang members... sa kanilang paniniwala...
maraming salamat sa pag share nang ganitong usapin
maging bukas tayo sa puso at isipan.
at maging mapanuri...

magandang gabi ka phcorner
 
ang anak ng dois ay dios, ang anak ng tao ay tao, simple, kailangan pbang pag talunan yan,
bibliya na mismo ang nagsabi na si Cristo ay tao.
 
Nabasa mo na ba ang Filipos 2:5-11?
1 Timoteo 2:5
Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
Juan 8:40
Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham

Pakibasa po nalang mabuti. kompleto pa ang paliwanag dyan sa thread ko.
 
Filipos 2:5-8
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
 
pakibasa na lang po yung thread. para maunawaan mo.
 
gaya nang sabi ko ayaw ko maka offend nang paniniwala nang ibang mga members dito
Hindi din yun dapat pag talunan

magandang umaga mga ka phcorner
 
Oo nga't walang talata sa Banal na Kasulatan kung saan tuwirang sinabi ni Hesu Kristo ang ganito: “Ako ay Diyos,” ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi Niya kailanman ipinahayag na Siya ay Diyos. Isa sa mga halimbawa ay ang sinabi ni Hesu Kristo sa Juan 10:30, “Ako at ang Ama ay iisa.” Sa biglang tingin, tila hindi ito tuwirang pag-angkin ni Hesus na Siya ay Diyos. Ngunit, para sa mga Hudyo ang sinabi ni Hesus ay tiyakang pag-angkin na Siya ay Diyos. Ganito ang reaksyon ng mga Hudyo, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos. Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang” (Juan 10:33). Sa nabanggit na mga talata, hindi itinuwid ni Hesu Kristo ang mga Hudyo gaya ng pagsasabing, “Hindi ko inangkin ang pagiging Diyos.” Ipinahihiwatig lamang nito na si Hesu Kristo ay Diyos nang Kanyang sabihin, “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Sa Juan 8:58, ganito naman ang wika ni Hesus, “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako na!” Muling kumuha ng bato ang mga Hudyo at tinangkang batuhin si Hesus. Bakit kailangang batuhin ng mga Hudyo si Hesu Kristo, kung wala Siyang sinabi na sa paniniwala nila'y pamumusong sa pangalan ng kataas-taasang Diyos?

Sinasabi sa Juan 1:1, “Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos.” Sa Juan 1:14, nakasaad naman ang ganito, “Naging tao ang Salita at Siya'y nanirahan sa piling natin.” Ito'y malinaw na nagpapahayag na si Hesu Kristo ay Diyos na nagkatawang-tao. Sinasabi sa atin sa Gawa 20:28, “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa katawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang Iglesiya ng Diyos na Kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang sariling Anak.” Sinabi din sa Gawa 20:28 na tinubos ng Diyos ang Kanyang Iglesya sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo. Samakatuwid si Hesu Kristo ay tunay Diyos.

Ganito naman ang sinabi ng alagad na si Tomas kay Hesu Kristo, “Panginoon ko at Diyos ko” (Juan 20:28). Sinabi sa Tito 2:13 na palakasin natin ang ating loob sa paghihintay sa muling pagparito ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu Kristo (basahin din ang 2 Pedro 1:1). Sa Hebreo 1:8, ganito naman ang pagpapakilala ng Diyos Ama patungkol kay Hesu Kristo, “Ang Iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man. Ikaw ay maghaharing may katarungan.”

Sa aklat ng Pahayag, itinuro ng anghel kay Apostol Juan na tanging Diyos lamang ang sasambahin (Pahayag 19:10). Makailang ulit din na naitala sa Banal na Kasulatan na sinamba si Hesu Kristo (Mateo 2:11; 14:33; 28:9, 17; Lukas 24:52; Juan 9:38). Kahit kailan, hindi sinaway ni Hesu Kristo ang mga sumamba sa Kanya. Kung hindi Siya Diyos, sana ay pinagsabihan Niya ang mga tao na huwag Siyang sambahin tulad ng ginawang pagsaway ng anghel kay Apostol Juan sa Pahayag 19:10.

Marami pang mga talata at pahayag sa Banal na Kasulatan ang nagpapatunay sa pagka-Diyos ni Hesu Kristo. Ang pinakamahalagang nagawa ng pagiging Diyos ni Hesu Kristo ay ang Kanyang ganap na handog: ang Kanyang kamatayan, bilang sapat na kabayaran ng kasalanan ng buong sanlibutan (1 Juan 2:2). Tanging Diyos lamang ang nagtataglay ng kakayahan at katuwiran upang mahango ang tao sa walang hanggang kaparusahan. Tanging Diyos lamang ang may kakayahang akuin ang kasalanan ng sanlibutan (2 Corinto 5:21), sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Hesu Kristo, bilang katibayan ng Kanyang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan.
Amen kapatid.
 
May mga nagsasabi dito nasi kristo ay Diyos na nagkatawang tao? Nakasulat po b yan sa bible? If meron what verse po?mniniwala lang ako if meron tlgang nksulat sa bible, dahil yung bible is naglalaman ng aral ni God :)
 
May mga nagsasabi dito nasi kristo ay Diyos na nagkatawang tao? Nakasulat po b yan sa bible? If meron what verse po?mniniwala lang ako if meron tlgang nksulat sa bible, dahil yung bible is naglalaman ng aral ni God :)
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 93
    Replies
  • 5K
    Views
  • 41
    Participants
Last reply from:
Eonara

Online statistics

Members online
1,239
Guests online
4,021
Total visitors
5,260
Back
Top