What's new

Closed Should you know your bf/gf's social media password?

Status
Not open for further replies.
I think it's best not to know each other's passwords. Give away niyo na lang sa mga jowa niyo yun. Masyado nakakasuffocate na kapag alam lahat. Hindi talaga healthy para sa akin na nagbubukasan ng kani-kanilang social media kasi one way or another, makakahanap talaga ng pag-aawayan. Kahit simpleng bagay tulad ng paglike or comment, or follow, lalaki yung issue. Masyado nang bantay sarado. Dapat may buhay din tayo na atin lang. :)
 
samin.. alam namin ang password ng social media namin.. tas ino-open lang namin pag needed.. like "i message mo si mama gamit ang account ko".. mga ganun lang.. wala nang iba..

tas wala narin pala akong friend na babae sa facebook.. i-nunfriend nya lahat.. hahahaha
 
Sharing your password to your gf/bf isn't a problem..

Privacy? LOL.. yan ang defense mechanism ng may mga tinatago.. if the girl/boy asked for the password, it is fine basta for viewing purposes lang and if you want to use the account of your partner.. still you should ask for his/her permission..
 
tungkol sa cheat, wala na tayong magagawa dyan either malaman mo accout nya o hindi, saka pwede naman makagawa ng maraming account na di ipapalam yon sayo.. pag nagloko nagloko talaga yan..saka pag nag cheat sipain kaagad wala ng second second chance pa..hahahaha

tungkol sa priivacy, kailangan meron talaga, di naman sa may tinatago ka dahil may masama kang ginagawa, dahil may mga bagay na tayo lang dapat makaalam bilang mismo ikaw sa sarili mo, wag na intindihin medyo malalim yan.. hahahahahahaha
 
NO. hindi siya "DAPAT" kase unang una privacy yan. pero still depende pa rin yan. for me walang kaso yun pero ang mali dun is yung magbasa basa ka and then pag may nakita kang hindi maganda or ano man na na nasa past na tapos ibabalik mo pa sa present yun yung mali dun.
Exactly. Minsan kasi 'yung overthinking causes fights talaga. Hindi naman dapat pag-awayan pero pinagaawayan.
 
I think it's best not to know each other's passwords. Give away niyo na lang sa mga jowa niyo yun. Masyado nakakasuffocate na kapag alam lahat. Hindi talaga healthy para sa akin na nagbubukasan ng kani-kanilang social media kasi one way or another, makakahanap talaga ng pag-aawayan. Kahit simpleng bagay tulad ng paglike or comment, or follow, lalaki yung issue. Masyado nang bantay sarado. Dapat may buhay din tayo na atin lang. :)
Agree. Kailangan may space pa rin to grow and have our own lives kahit in a relationship na.
 
samin.. alam namin ang password ng social media namin.. tas ino-open lang namin pag needed.. like "i message mo si mama gamit ang account ko".. mga ganun lang.. wala nang iba..

tas wala narin pala akong friend na babae sa facebook.. i-nunfriend nya lahat.. hahahaha
Yikes bakit kailangan mag-unfriend ng babae
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top