Nung nabuntis ko si GF natakot ako kasi wala sa plano pero hindi ko pinakita yon sa kanya, pinaramdam kong kaya kong panindigan. Hinarap ko yung family niya then naghanap ako agad ng work. Much better kung sasabihin nyo agad, yung iba kasi sa sobrang takot hindi napapacheck-up ng maayos sa OB like yung kapatid ng GF ko. Tinago niya yung pagbubuntis niya til 5 months then nagulat yung family nila 5 months na hindi pumupunta sa OB yung kapatid niya then nasabi lang ng erpat niya dapat sinabi agad dahil wala naman ng magagawa kung ganon, suportahan nalang.
Anyway, sa part ng paninindagan nagkaron din ako doubt nung una and nagkaron kami ng option na i-abort or continue pero mas pinakita ko kasi sa kanya na kaya ko e kaya nanindigan kami. 4 yrs old na yung LO namin then masasabi ko nalang na sobrang pagsisihan ko kung inabort ko talaga tong bata na to, napaka-LOVELY, grabeee. Support lang kaya niyo yan mga paps sa una lang nakakatakot yan.