What's new

Share ko lang..

eniger31

Addict
Joined
Jul 27, 2015
Posts
128
Reaction
18
Points
88
Age
29
Hello po! Pasensya na kung dito ako maglalabas ng sama ng loob. Pero baka makatulong din kasi sa akin para kahit paano gumaan ang loob ko.

Panganay po ako sa tatlong magkakapatid. Yung dalawa nagaaral pa yung Isa may pamilya na. Nito lang nakabili po ako ng bahay, yung dati kasi naming bahay maliit saka dumadami na din kami. Yung dalawa kong kapatid saka si mama lumipat na sa bagong bahay. Kaming mga nagttrabaho naiwan sa manila gawa ng andito nga yung trabaho, uwian na lang tuwing weekend. Dumating yung time na tumuloy muna yung pamilya ng kapatid ko sa bagong bahay. Dun sila pinapwesto sa kwarto ko nila papa, sa isip ko pansamantala lang naman sige hayaan mo na. Kada weekend na uwi nakikitulog na lang ako sa kwarto nila mama. Then, one time bumili na yung kapatid ko ng kama at naifix dun sa kwarto ko. Di ko na naitago yung naramdaman ko, sobrang nakakatampo bakit parang pinaalis na nila ko sa bahay? Hindi na muna ako umuwi sa bahay, kinakausap ko pa din sila pero pag tinatanong lang, tamang sagot lang. Ang akin lang sana may plano sila, hindi yung sa amin pa din umaasa, saka wala sanang naargabyado. Wala silang sinabi kung anong plano nila, kung pansamantala lang ba o pangmatagalan na. Ngayon, masama yung loob ng kapatid at magulang ko sa akin, parang nabaliktad pa lahat though sinabi ko kung saan ako nagtampo. Sa ngayon tinanggap ko na lang lahat by the grace of God. Yun lang, salamat po sa pagbabasa. Anyeong and Stay safe!
 
Pwede kayong mag open forum ng pamilya mo at yung side ng hipag mo or else. Pwedeng pagusapan yan ng maayos bilang parte ng nagpundar ng inyong tahanan lalo na bilang isang pamilya. Siguro Hindi masama ang loob sayo ng magulang mo o ng kapatid mo baka feeling mo lang din yun kapatid or Ikaw kang nagiisip dahil nga sa nangyayari/nangyari. Karapatan mo din naman magtanong at malaman yung Plano nila at tungkol sa kwarto mo Wala namang masama magtanong sa kanila kung ano ba talaga ang balak nila sa kwarto mo. Karapatan mo yan linawain ang bagay bagay dahil parte ka ng pamilyang yan maging totoo ka lang in a nice way sa pag approach makukuha yan sa maayos na usapan bilang pamilya.

And pray lang God bless sa inyo ng pamilya mo. 🤟
 
Ang masasabi ko lang, Kapag may pamilya bumukod na, kasi kawawa yung nasalo. rules talaga yan. kaso ngayon may asawa na patabain parin buhay binata tapos ang anak nila iaasa sa magulang. Kaya nga ko hanggat wala ko stable na trabaho, hinding hindi ako mag aasawa . kamay muna gagamitin ko 🤣
 
Isa ka'ng mabuting tao ts. Mahirap talaga tanggapin kahit sino man nasa sitwasyon mo kasi kahit saan mo tingnan ikaw talaga ang aggravated pero alam ko di mo din naman gagawing paalisin sila lalo't wala silang malilipatan. Siguro kausapin mo nalang kapatid mo na bayaran ka nalang pa-unti unti sa mapagkakasunduan n'yong ammount para sa nagastos mo at nang makapag-simula ka muli.
 

Similar threads

Back
Top