What's new

Closed Second Chance

Status
Not open for further replies.

Cee Jay

🧿 𝕾𝖔𝖚𝖑 𝕮𝖆𝖑𝖎𝖇𝖗𝖊 🧿
Contributor
Joined
Feb 22, 2015
Posts
14,640
Solutions
2,195
Reaction
26,195
Points
8,317
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay applicable ang "second chance".


Noo'y binigyan ka ng mga mapagpipilian sa landas na gusto mong tahakin_ karangyaan, kasaganahan, kasiyahan, katiwasayan sa buhay, at marami pang iba. Ika'y namili at nagpasya... pinili mo ang sa tingin mo ay tama at makakapagpasaya sa'yo ng sobra-sobra. Pero bakit ngayong nagsasawa ka na ay gusto mong baguhin ang iyong napagpapasyahan at mamili na lang ulit ng panibago? Hindi ka ba masaya sa pinili mo? Nakukulangan ka ba sa naging kalayaan mong magdesisyon para sa sariling buhay mo? O, sadyang hindi ka lang marunong makuntento? Magsisi ka! Umiyak ka kung nais mo. Pero kailanma'y hindi mo na maibabalik ang anumang natapos na.

Sa bandang huli, ang talunan ay ang taong walang paninindigan.. yung taong masaya lang kapag ginhawa ngunit sobrang nababahala at malungkot sa tuwing tag-lungkot na.

Huwag ganun!!! Matuwa ka kapag tag-saya at dapat ka pa ring tumawa kapag tag-balisa at puno ng kalungkutan. Ito ang buhay... hindi laging puro sagana sa karangyaan. Darating din ang oras na hahampasin ka ng ang alon ng panghihina, pero huwag kang susuko. Desisyon mo yan, hindi ba? Ikaw ang nag-desisyon ng landas mo, tama?


Desisyon mo yan kaya huwag mong susukuan!

essed-and-hopeless-man-alone-in-the-dark-with-hand.jpg
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top