What's new

SCAM ALERT ON FACEBOOK

rOossaa

Honorary Poster
Joined
Jun 3, 2020
Posts
362
Reaction
46
Points
135
Age
34
JUST WANNA SHARE WHAT I SAW ON FACEBOOK


SCAM ALERT! PLEASE SHARE BAKA MARAMI PA PONG MABIKTIMA.

SOBRANG DAMI NA PO ANG NABIBIKTIMA, PERO BIGO ANG MGA TAO DAHIL ANG GALING NILA, NAPAKA ORGANIZED NG GROUP. IIYAKAN MO NA LANG TALAGA . IKAW PA MAHIHIYA MAG POST DAHIL ANG LABAS, ANG *****-***** MONG NANIWALA KA SA GANITO. KAYA PAG HINDI ITO NAPANSIN, PATULOY SILA SA MALING GAWAIN NILA MAS MARAMING MALOLOKO. KAHIT BASAHIN NIYO LANG DETALYE PAANO SILA GUMALAW NG MAGKA IDEA KAYO SA PARAAN NG PANLOLOKO NILA.

- Hindi na ako after mabalik ang pera ko, today, na accept ko na yun. Gusto ko na lang to maging aral sa lahat at ma expose ko kayo at wala na kayong taong maloko pa. I'll take the full responsility of my actions. Sa totoo lang againts ang husband ko dito kasi pwede daw mag counter sa akin, pero I'm willing to sacrifice para maraming taong masave sa pagmumukhang to. Medyo nakaka frustrate sa part ko kahit na report ko ito, dahil ang bagal ng proseso at Maaring hindi daw ito mapansin din ni Sir Raffy. Lalo na't nakapag file na ako sa NBI. Kakaiba ang strategies nila at kung makukuha nila ang statement ko in personal maiintindihan nila ako dahil sobrang organized ng group at napaka kumplikado. Kung meron man ako ihihingi ng tulong yun ay ma aksyunan agad ito at maimbestigahan. Kahit hindi mabalik pera ko, hulihin niyo lang to.

Nakakapanlumo na meron kang sapat na ebidensya pero hndi agad mahuli. Kaya pala maraming malakas ang loob na gumawa nito, ngayon alam ko na, ksi talagang hndi biro ang proseso kapag nag file ka ng case. ikaw na lang mapapagod at mag gi-give up. Wala na ako ibang nakikitang taong makakatulong pang ma actionan to ng mabilis at mahuli sila kundi si Sir Raffy Tulfo. Marami pa pong mabibiktima na kababayan natin lalo na po sa panahon ngayon.

Scammer: Pamela Delos Santos Omoso
(Member ko sa SuperMumsPH, kaibigan ko na rin for 4 years)

Bitcoin Mining Investment - BTX Traders

Ginagamit ang hindi na bagong panloloko sa kapwa nila sa panahon na ito. Pero kung bago mo palang ito narinig pwede kang maloko. (Parang ako)

Promising a high profit on a daily basis, 25 percent from your total investment and I'm telling you this, ang modus na to ay gagamit ng taong malapit sa buhay mo. It's either kababata, pinaka matalik mong kaibigan, kumare/kumpare o kamag-anak. At never sasagi sa isip mo na lolokohin ka. (Sa hirap ng buhay ngayon, yung dati mong kakilalang matino eh sinanla na pala ang kaluluwa sa demonyo)

Mga dapat alamin paano sila nagtatagumpay sa panloloko nila:

1. I p-pm nila ang target na alam nilang nangangailangan. (Parang ako, alam ni Pamela na bagsak ang business ko ngayon dahil sa pandemic) Indirect selling ang ginagawa niya. Hindi siya nag offer ng sapilitan, nag sh-share lang siya na meron siyang another source of income and it sounds like she wants to help me. bibigay ka sa huli kasi mangangako ito sayo na ibabalik pag hindi kumita. (Makakaayaw ka ba kung isa ito sa mga pinagkakaktiwalaan mong kaibigan?)

2. Kilala mong matulunging tao at laging may charity work, maka Diyos, Malapit sa buhay mo, kilala mong may kaya sa buhay at may maayos na trabaho. Sa madaling salita, Open book ang buhay nila at never sasagi sa isip mong scammer! Ikaw pa ma intimidate kasi mga professional talaga ang datingan pati pananalita.

3. Bawat myembro sa grupo ng mga scammers may role. Very systematic ang mga galawan nila. Tlagang mga bihasa na manloko ng kapwa. Sa madaling salita, hindi lang siya nag-iisa, may mga kasabwat siya.

4. Mangangako sayo na kikita ang pera mo every week through bitcoin mining. Mag se-set sila ng minimum capital sa mga new investors na ipapasok nila.

5. Meron silang front na foreigner, lumalabas na taga ibang bansa ang broker or account manager niyong lahat pero may isang leader sa group na nakikipag communicate kuno and that is Pamela Omoso. Siya kunwari ang account manager sa Pinas at nag mamanage sa investors dito sa atin. She will convince you na legit ito, magkwento sila ng mga testemonies nila, may instagram pa nga na may nag share ng testimonies na nag pa-payout na sila for months. Proven and tested daw and they will assure you that the investment is zero risk ( Sinong di mapapaniwala, kaibigan ko ito na very active mag sponsor sa mga events ko at sobrang bait sa akin. Sa isip ko, alam ko bahay niya imposibleng lokohin ako)

6. Once naipasok mo ang investment, Magbabago ang ihip ng hangin. i cocondition ang utak mo na itong pinasok ko daw ay may risk. pwedeng manalo o matalo. So expect mo na daw ang worst na mangyayari.

7. Pag umabot na sa puntong nagkakabukingan na. Hugas kamay na sila. Papalabasin nila na mga victims din sila. Ituturo nila yung front na foreigner at yung company kung saan kami nag invest na hindi naman talaga nag e-exist. (part of the show, ***** lang ang hindi makakaintindi sa mga nangyayari.)

Ang tanong, paano ko sila nahuli?

1. Nung nagkakagulo na kami, sinasabi niya na nawalan din sila at isa sila sa mga na biktima. Hindi niya daw ako mababayaran kasi malaki din daw ang perang nawala sa kanya. Ang total investment niya nga daw ay mas malaki $7200 that's 360k pero malinaw daw sa kanya na risk ito kaya move on na lang daw sila. (Ganun lang reaction niya, samantalang ako 50k + 30k investment ko, halos mabaliw ako kasi pinaghirapan ko yung pera na yun and that's my last money kasi nagrefund ako sa mga events ko at nag donate ako sa group ko.)

2. Na notice ko na lahat ng malalaking investors sa group namin. may 300k, may 150k eh chill-chill lang, masakit man daw pero mag move on na, alam naman daw nila na may risk ang pinasok nila, at fault daw nila nagtiwala sila(Ito ba ang normal reaction ng isang tao kapag nawalan?)

3. Dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, hinamon ko lahat ng co investors ko na magpakita ng proof of transactions na tutugma sa mga naka declare nilang investment pero yung iba walang mapakita lalong lalo na itong si Pamela! Yung malalaki ang pera na ininvest kuno (Ito yung mga oras na mas ma confused ka, kasi alam mong something fishy na sa mga co investors mo, pakiramdam ko na magkakasabwat sila pero pag chineck mo ang mga profile nila sa facebook. Open book sila at may maayos na buhay, mga professionals at mukhang wala sa bukabularyo nila ang manloko ng kapwa)

For me, this is enough to proved na involved itong Pamela De los Santos Omoso sa scam at hindi nya magagawa to mag-isa.

Ngayon, maglalagay ako dyan ng kaunting ebidnsya. enough proof na ikaw ang naka transact ko. Pero yung mga kasabwat mo, ilalabas ko yan once na magharap harap tayo.

Kung hindi ito mabibigyan ng pansin. Maraming marami pa pong mabibiktima.

- SHARE
 
problema talaga tong mga investment scheme na to.. tapos madaming madadala sa so good to be true returns . tsk3
 

Similar threads

Back
Top