What's new

Closed Saging: ang pinaka-healthy na prutas sa mundo !

Status
Not open for further replies.

LostMember

Forum Guru
Elite
Joined
Dec 8, 2018
Posts
4,069
Solutions
1
Reaction
1,322
Points
1,239
MAY kasabihan na “An apple a day keeps the doctor away.” Mali po iyan. Ang bago ngayon ay “Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at napakabuti sa katawan.

Heto ang mga nilalaman ng isang saging na 100 grams: Calories: 88 calories, Vitamin A: 430 I.U., Vitamin B: Thiamine .04 mg., Vitamin C: 10 mg., Calcium: 8 mg., Iron: 6 mg., Phosphorus: 28 mg., Potassium: 260 mg., Carbohydrates: 23 grams, at Protein: 1.2 mg.

Sobrang dami ang benepisyo ng saging:


1. Tiyan – Napakaganda ng saging para sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura. Ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating tiyan.

2. Puso – Mabuti ang saging sa puso dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Lalo na kung umiinom ka ng mga gamot sa puso at altapresyon, dagdagan mo na rin ng 2 saging bawat araw.


3. Parang multivitamin — Kung susuriin mo, parang multivitamin na ang saging dahil may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium ito. Kapag kumain ka ng 2 saging bawat araw, you can Have It All like Edu Manzano and Feel Complete like Piolo Pascual. Tipid pa!

4. Mabuti sa Colon - Dahil mataas sa fiber ang sa-ging, puwede itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka natin.

5. Good for exercise – Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan mo ng saging para hindi bumaba ang iyong potassium. Magbaon ng 2 saging sa bag lagi, tulad ko.

6. Para sa stress at pang-relax – Alam ba n’yo na ang saging ay may tryptophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapa-ganda ng ating emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend, huwag nang lumuha, mag-saging ka na.

7. Pang-baon talaga – Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng abokado o mangga sa bag? Hirap kainin hindi ba? Pero ang saging ay napakaganda ng lalagyan. Talagang ginawa ng Diyos para kainin.

8. Baka makabawas ng leukemia at hika sa bata – May pagsusuri na nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihikain, at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Hindi pa ito tiyak, pero marami ang naniniwala nito.

Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka na ng saging para maging healthy at malakas.


Read more at You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Eto yung gamot ko :) kasi may hypokalemia ako .. Mababa ang potassium ko .. May tendecy na minsan nawawalan ng lakas ang mga buto at muscles ko . Pati pagpitik ng puso ko .. Kumakain lang ako ng saging then boom umeepekto agad ..
 
agree talaga ako dito kase sa buong buhay wala pa ko nabalitaan na may unggoy na nagkasakit :):)
 
Last edited by a moderator:
POWER HERBS solution po ang pinaka healthy product compose 300+essentials products herbal extract IONIC TRACE MINERALS
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top