What's new

Saan Niyo Dinadaan Kapag Hindi Niyo Ma-ekspress Ang Feelings Niyo Towards a guy or a girl?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,907
Reaction
874
Points
533

Curious lang ako. Lalo na sa mga babae. Diba , ang mga babae ay hindi nag-eekspress ng feelings iyan. Ang karaniwan diyan ay lagi inaantay na lalake ang unang mag-express ng feelings nito sa kanila although hindi ko naman inilalahat ng mga babae and of course , meron din lalake na ayaw mag-ekspress ng kanilang feelings but all in all , in general speaking , gusto niyo e-hide ang iyong feelings towards sa guy o sa girl , well , saan kayo bumabawi? Saan? Ang alam ko na kapag tinago niyo o hindi niyo i-nexpress ang feelings niyo sa lalake o sa babae ay mas nakaka-torture sa utak at sobrang bigat ng nararamdaman parang meron dala-dalang bigatin sa loob ng heart niyo pero hindi niyo ma-release. Naiisip ko na papaano kayo nakaka-survive? Saan niyo idinadaan? Sa diary , sa journal ba? Sa.... saan? Curious lang ako. Napapa-isip ako na papaano kayo nakaka-survive sa feelings niyo na hindi ini-express.

Ang alam ko talaga , sobrang gaan ng feeling talaga kapag ni-release siya galing from the heart. Kapag na-release siya ay ang sarap ng pakiramdam dahil nakaka-gaan ng feeling. Iyon lang. Meron risk sa bawat release ng feelings niyo toward sa guy or sa girl pero sa ibang nababasa ko, mentally healthy talaga na nagsasabi ka kung ano ang nararamdaman mismo.

Kase, kapag hindi na-release , e diba? Meron ilan-ilan diyan na nababalitaan na nagsusuicide o meron iba na napagbibintangan na topakin ang isang tao raw lalo na dati-rati, meron ako naka-encounter na lalake na nagrereklamo siya na bakit ang babae raw kuno ay topakin. Sa loob-loob ko na baka naman hindi niya ma-ekspress ang feeling nito and siyempre , nakaka-torture sa utak ay baka through aksyon na makita-kita na lang ng ibang tao na nagkakatopak na siya dahil hindi niya inilalabas kung ano ang nararamdaman niya.

Saan niyo dinadaan kapag hindi kayo nag-eexpress ng nararamdaman niyo? Mostly kase sa girls ito but at the same time , meron guys din.
 
for me either tulog nalang tas isipin its a canon event or it is what it is.
okaya socialize sa magandang environment at hindi toxic na peeps kung meron.

kung ikaw nman gusto mo ng maunawaan yung ganyan ng iba, try molang samahan for a while or damayan kahit 'di mo naiintindihan yung nararamdaman kase hindi ang sasabi. after a while mag sasabe rin kapag comfortable nasya mag sabe or may lakas na ng loob.
 
Ako usually pag di ko masabi Yung feelings ko sa isang tao, sa best friend ko nlng kinikwento, kaya Ang ending inaasar ako😅
 
Recently, ni let out ko yung feelings ko directly walang paligoy ligoy. Ayun sawi, pero worth it naman kasi after few weeks okay na ako.
 
ako umaamin ako indirectly dati at sinasabayan din ng mga jokes at some essential na mga topics para matest ang interest ng babae sa akin
 
Pinakamganda talagang lakasan mo loob mo at iexpress mo nlng directly sa tao ung nararamdaman mo. Iyon nga lang marami nga mga dahilan para hindi ito magawa.

Isang possible way, i-divert mo yung nararamdaman sa isang "gift" na ibibigay mo sakanya. Puwedeng isang sulat, or isang art, o kahit isang video or voice recording kung saan ilalahad mo ung mga gusto mo sabihin. At mag set ka ng date kung kailan ibibigay mo ito sakanya.

Pero, kasinghalaga ng pagbigay mo sakanya nito, dapat din pigilan mo ang sarili mo mag-expect ng kahit anong reaction galing sakanya. Ang goal mo lang dito ay pagaanin ang dinadala mo. Kahit ano pa ang response dito ay hindi mahalaga.

Ang pagkakaroon ng expectation kasi ang kadalasan ugat kung bakit hindi natin masabi ang nararamdaman natin sa iba. Natatakot tayo na baka mali ang response nila sa sinabi natin. Nakakalimutan natin na ang purpose natin kaya natin sinasabi ay para mag express ng sariling nararamdaman.. at hindi para manipulahin ang nararamdaman ng ibang tao.
 
Ako, sa online journal. Yung online journal ay parang best friend na rin natin. Doon pwede mag imagine at doon pwede isagaw. Ay. Wala pala gumagawa nito na katulad ng akin? Haha. First time lang ako na online journal, dati, wala. Kapag meron ako feelings, ini express ko. Ngayon, hindi na.​
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top