What's new

DITO Sa nagtatanong: Kung sa umpisa lang malakas ang DITO kaya posibleng bumagal pag dumami na ang subscriber?!

r5yn1r4143

Addict
Joined
Jul 25, 2019
Posts
191
Reaction
38
Points
101
FYI, bawat barangay ay nagtatayo ng tower ang Dito bagay na hindi ginagawa noon ng Smart at Globe. Uulitin ko, nasa likod ng Dito ang isa sa mga higanteng telecommunication sa buong mundo, ang China Telecom. Ibig sabihin, parang mga tungaw lang ang Globe at Smart na ‘yan.

Ngayon lang nagkukumahog ang Globe at Smart sa pagtatayo ng mga tower. Busy kasi sila dati sa pagkuha ng mga K-Pop dancer at singer para mag-endorso sa kanilang mga produkto.

Ang pangako ng Dito sa publiko, tatadtarin nila ng mga tower ang bawat sulok ng Pilipinas at ang mga subscriber na nila ang bahalang mag-endorso sa kanilang produkto sa mga tao. Hindi rin puwedeng ikumpara ang Dito sa Converge dahil maliit na kumpanya lang ito kaya sobrang bagal na ng kanilang internet nang dumami ang kanilang subscriber.

Ang problema pa, ni wala man lang silang mga technician para magresolba sa problema sa internet ng kanilang mga subscriber. Singil lang sila nang singil gaya ng ginagawa ng Smart at Globe. Mabilis pa sila sa alas kwatro para makapangulimbat ng pera sa mga tao sa kabila ng palpak ang kanilang serbisyo! Iyan ang totoo!

source:
 
Don't go into conclusions muna. Sa area na nagstay ako (Tisa, Cebu) 8-20mbps nalang speed niya using mobile data. While back in Iloilo, City Proper where walang users gumagamit ng Dito I can easily reach 80+mbps. Factually speaking mas maraming towers si Smart/Globe kesa kay Dito, they're trying their best to build towers pero maraming requirements jan. At pala, about sa tinukoy mo na China Telecom owned si Dito. Just an FYI, NTT Docomo owned si PLDT/Smart. And yung Speeds ni NTT Docomo is well above China Telecom.
 
maglalagay ata sila ng mga monopole tower pag populous ang area at may performance bond na Php 25.7B na kung sakali di nila matupad ang mga commitments (1st yr 27mbps average speed 37% coverage at 2nd-5th year, 55mbps 84% coverage) ay di na nila makukuha yung pera. papasukin din ata nila after 5yrs ang wired internet (fiber).

kaya tingin ko may tulog si smart at globe kay DITO pag di sila nagstep-up kahit nauna sila. hintayin na lang natin ang official launch at mga official promo. tayong consumer ang panalo sa competition ng tatlo na ito.
 
parang imposible naman yung "bawat barangay" hahaha, saka kaya mabagal makapag tayo ng tower ang Globe at Smart dahil sa mga LGU's na matagal i approve ang permit, hindi naman basta basta kasi pwedeng mag tayo ng tower kailangan din nyan ng permit.
 
Hindi naman lahat ng barangay pwede lagyan ng tower dahil din sa cost at xmpre sa area. Lalo na pag residential papayag ka ba sa likod bahay nyo ay magpapalagay knowing the danger.
 
Actually dahil sa madaming permits kung bakit matagal nakapagtayo nga mga towers si Smart and Globe. Actually advantage si DITO ngayon (parang pinapaboran si DITO sa government). So yun lang, hopefully Smart and Globe can compete sa DITO so that consumers like us can benefit sa services nila.
 
[XX='yamsonjulius, c: 1007953, m: 897041'][/XX] sir mas dangerous p yung cellphone mo kaysa tower ng telco. mag research ka muna
 
Well said pots ang mga sinabi mong info, mukhang makukumbinsi na din akong lumipat sa dito pag may official launch na dito sa'tin sa luzon area. At sana wag sila magsawang magbigay ng promo na sulit at may mabilis na speed ng internet. 😊
 

Similar threads

Back
Top