Boss pa tulong naman, nastuck ung logo ng o+ 360 hd 2.0 ko then hanggang dun lang sya sa logo tapos magooff na, bootloop ata tawag dun. Tapos so triny ko mag wipe ng cache pero ayaw gumana then nag wipe na ako ng data, nag hard reset na ako pero ganun pa din. So since ayaw gumana, nagdecide na ako magflash ng firmware. Gumamit ako ng SP flash tool ung latest version na 5.1628 pero palagi ako nagkakaron ng error "brom error s_ft_download_fail (4008)" nagtry na ako ng iba pang version ng flash tool (5.1516 and 5.1352) also nagtry na dn ako ng ibang firmware o scatter pero palaging un ang error eh. Ok naman ung drivers, nainstall ko thru MTK VCOM. Any suggestion boss ?
Ung O+ ko detected pa sya ng PC and ng flash tool. pag nagchacharge lumalabas naman ung battery na icon and napupunta ko pa nman sa recovery mode.