What's new

Closed Sa mga may kuliti dyan. read this!

Status
Not open for further replies.

iPixx

Forum Veteran
Joined
Sep 18, 2017
Posts
2,580
Reaction
1,670
Points
781
May Kuliti, Dahil Ba Nanilip?
Dr. Willie T. Ong

May kasabihan na ang mga nagkakakuliti sa mata ay dahil sa paninilip. Hindi po ito totoo.
Ang kuliti (o sty sa English) ay isang masakit at mapulang impeksyon sa talukap ng mata. Maihahalintulad natin ito sa isang tigyawat o pigsa.
Ang mga sanhi ng kuliti ay:
(1) ang pagpasok ng mikrobyo sa mata sa pamamagitan ng natanggal na pilikmata,
(2) ang paggamit ng luma o expired na make-up,
(3) ang hindi pag-alis ng eye make-up sa gabi, at
(4) ang paghawak sa mata ng maruruming kamay.

Ang mga kababaihan ay madalas magkaroon ng kuliti dahil sa paggamit nila ng eyeliner at eyelash curler. Ang mikrobyo ay tumitira sa mga eyeliner pencil na ito, kaya kailangan mong tasahan ito o ibabad muna sa ******* bago gamitin.
Kadalasan ay kusang gumagaling ang kuliti sa loob ng isang linggo. Ngunit mayroong mga paraan para mapabilis itong gumaling.
1. Lagyan ng Hot Compress ang kuliti. Isang simpleng paraan ay ang pagbasa ng malinis na tuwalya sa mainit na tubig. Pigain ito ng bahagya at ipatong sa kuliti. Gawin ito ng 15 minutos, at 3 o 4 na beses sa maghapon. Hot compress na iyan.
2. Para sa kuliti o pigsa, may tulong ang hot compress sa pagpapahinog ng kuliti. Mas lalambot ang kuliti at bibilis ang pagputok nito. Siguraduhin lamang na malinis ang iyong kamay at tuwalya.
3. Puwedeng patakan ng antibiotic eye drops ang mata. Patakan ang apektadong mata ng isang patak lang, dalawang beses sa maghapon.

Para makaiwas sa pagkakaroon ulit ng kuliti, sundin ang mga payong ito.
1. Huwag muna gaano mag-make-up sa mata o gumamit ng eyelash curlers. May nabubunot kasing pilikmata na maaaring pasukin ng bacteria. Laging linisin at sabunin ang eyelash curler.
2. Kung ikaw ay may contact lens, huwag muna itong gamitin.
3. Itapon ang mga lumang make-up. Huwag ipagamit ang make-up sa iba at baka kayo magkahawahan.
4. Maghugas palagi ng kamay at gumamit ng sabon. Tandaan, sa iyong kamay din nanggaling ang impeksyon ng iyong kuliti. FB_IMG_1516598644221.jpg
 

Attachments

Sakto! May kuliti yung pamangkin ko haha. Akalain mo.
Sa maduming punda ng unan niya nakuha.
Akala ng iba kagat daw ng ipis :)
Half Chinita na siya ngayon. Oppa
 
Last edited by a moderator:
Sakto! May kuliti yung pamangkin ko haha. Akalain mo.
Sa maduming punda ng unan niya nakuha.
Akala ng iba kagat daw ng ipis :)
Half Chinita na siya ngayon. Oppa
Ilang taon pamangkin m?
 
Last edited by a moderator:
salamat dito boss hahaha! :D
nagkakuliti ako dati nung bata
pa ako isang beses lang ako
nagkaroon ^^ ganyan din yung
ginawa ko nililinisan ko sya ng
malinis na tubig at tela na cotton.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top