What's new

Closed Sa mga adik sa chess pasok!

Status
Not open for further replies.

_GRANDMASTER_

Forum Expert
Joined
Aug 29, 2014
Posts
6,728
Reaction
6,369
Points
2,103
Age
29
:)Paano Maging Mahusay sa Chess:)

Milyun-milyong tao sa buong mundo ay palaging naglalaro ng chess—pero paano ka paano ka magiging mahusay sa chess?.

1. Liwanagin kung ano ang ibig sabihin ng "mahusay sa chess"

Sa ilang tao, ang ibig sabihin ng maging "mahusay" ay kaya nilang talunin ang karaniwang manlalaro ng chess. Kung iyan ang iyong pakahulugan, ang makakuha ng rating sa pagitan ng 1200-1400 ay sapat na. Sa antas na iyon ay tatalunin mo ang karamihan sa mga taong kaswal lang na marunong maglaro. Sa ibang tao, ang ibig sabihin ng pagiging "mahusay" ay ang manalo laban sa mga manlalaro ng chess na naglalaro na ng maraming taon. Ibig sabihin ay maaaring 1600+ dapat ang rating na maabot.

Gayunman, ang ibig sabihin ng ibang tao ay maaaring "hindi kailanman natatalo" o "tinatalo halos lahat ng nakakalaro ko". Ang katotohanan ay...imposible iyon! Dahil puwera na lang kung ikaw ay si Magnus Carlsen, maraming laro ng chess ang mananalo AT matatalo ka. Kaya magbigay ng makatwirang layunin at trabahuhin iyon!

2. Mag-ensayo nang maraming beses gamit ang taktikang pangpalaisipan

Ang isa sa mga pinakamabuting bagay na pwede mong gawin para maging mahusay sa chess ay ang pagalingin ang iyong paningin sa chessboard. Kung nakikita mo ang nangyayari at namamataan ang mga mali sa laro ng iyong kalaban, mas maganda ang iyong tsansa na manalo.

3. Maging matiyaga

Hindi nakukuha sa magdamagan lang ang pagiging mahusay sa chess. Ang chess ay isang malalim na laro na kailangan ng maraming taong pag-aaral at paglalaro. Huwag hayaan ang sariling mabigo sa mga mali at talo—ang mga ito ay kailangang sangkap sa pagiging mas mahusay!


Sa maraming tao, ang pagiging "mahusay sa chess" ay isang habang-buhay na gawain. At ang ibig sabihin ng "mahusay" ay patuloy sa pagtaas nang pagtaas habang ikaw ay nagiging mas mahusay. Kaya i-enjoy ang laro anumang antas ka naglalaro.
 
Last edited by a moderator:
Panu ba maka download ng chessbasw for free ? Gosto ko kasing umasenso sa chess hehe. 1800 na rating ko kaso di ako makatawid sa 1900.
 
Sa chess, kung magaling ka dumepensa, sure panalo ka (yung tipong bawat pyesa na gagalaw mo na akmang kakainin ng kalaban, may nakaabang na pang counter attack. Much better if hindi masyadong pansin ng kalaban). Yung iba kasi ang focus kung pano, kakain ng kakain. Di ako ganun kagaling pero winning rate ko around 80%. Mga kalaro ko mga casual lang naglalaro ng chess, hindi yung talagang mga masters.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top