What's new

Help Refund

Woooshing

Eternal Poster
Established
Tanong lang po sa mga seller dyan ng physical item. May binentahan kasi ako ng bulk item last month (di ko na lang po babanggitin kung ano yun), bale shopee seller siya. Kumuha siya sakin ng 100pcs at 100 pesos each ang bigay ko sakanya bale 10k yun. Tapos benta niya sa shop niya is 300 each, pero mabilis niya lang napaubos yun 3 days lang ata

All goods naman lahat noong nabenta ko sakanya, at naibenta niya na rin lahat makalipas ang ilang araw lang. Then isang araw kinontact niya ako at may problema daw, marami daw nagpaparefund ng item. Ako naman willing irefund yung pera niya, ang kaso ang sabi hindi na niya raw pinareturn yung item. Bale nirefund niya na lang bayad ng mga bumili sa kanya.

Ngayon ang problema ko mga lods 50pcs yung pinaparefund, ng walang proof na 50pcs yung nagkaproblema. May proof naman kaso nasa 10pcs lang pinakita na may problema. At ang gusto mangyari is irefund ko yung binayad niya na worth 50pcs (5k) pero di na mababalik yung item sakin.

Ako naman tong ayaw masisi eh nirefund ko na yung kalahati, dahil kulang laman ng gcash ko.

Ang tanong ko po is tama ba na binalik ko bayad niya, kahit walang item na bumalik sa akin? Kasi parang nautakan ako kapag ganun eh. Tsaka parang pinamigay niya lang yung paninda ko sa mga buyer niya, na di naman ako ang nakipag transaction. Di na niya raw pinareturn/refund kasi siya pa raw mag aabono sa shipping fee.

Pa advice naman mga boss.
 
Last edited:
Binenta ko 100 benta niya 300, tapos nalugi pa raw siya dahil sa mga nagparefund. Willing naman ako ibalik eh, basta sana babalik sakin yung item.
 
dapat di mo nirefund lods kung di bumalik sayo yung item mo, and dapat may terms and conditions ka especially sa mga refund at rts
Di na namin masyado napag usapan terms and condition boss. Basta ang sabi ko lang "contackin niya lang ako pag may problema.) At yun na nga nagkaproblema na, willing naman ako irefund pera niya, pero sana naman bumalik sakin yung item ko. Ang kaso hindi eh, parang ako kasi naiipit eh, pinamigay lang yung item ko.

Sana di ka pumayag kung di mareturn yung item😅
Di ko nga alam boss bakit nirefund ko yung kalahati. Iniisip ko kasi baka ipost ako bigla. Ilang araw ko na iniisip to actually.
 
Last edited:
di ka ipopost nun boss, babalik lang sakanya yun pag pinost ka, tsaka kumita sya jan lods kahit 50pcs yung nabenta nya ng 300 pesos each di na sya nalugi nun
 
Hindi ba pwedeng checkin sa shopee support center yung account ni seller kung tutoong maraming nag-claim ng refund sa items na galing sa iyo? Pagkaalam ko, seven days lang ang grace period sa pag-claim ng refund, kung lampas diyan, rejected na yung claim, considered as done deal na yung transaction.
Saka sa 50 pieces na items na nabenta niya, bawi na yung investment niya may profit pa. Ang ire-refund naman niya ay galing din sa mga buyer, Wala siyang abono.
I-require mo sa kanya na isauli yung mga items for refund, kahit saan naman ganyan ang palicy. Walang refund kung wala yung item.
 
di ka ipopost nun boss, babalik lang sakanya yun pag pinost ka, tsaka kumita sya jan lods kahit 50pcs yung nabenta nya ng 300 pesos each di na sya nalugi nun
Di ko nga alam pano niya nasasabing lugi siya. Ganto kasi ginawa niya, nirefund niya bayad ng buyer niya thru gcash, kasama daw shipping fee, bale dun daw siya nalugi sa shipping fee kasi abonado daw siya. Di na rin niya binabalik yung item kaso another abono na naman daw

Hindi ba pwedeng checkin sa shopee support center yung account ni seller kung tutoong maraming nag-claim ng refund sa items na galing sa iyo? Pagkaalam ko, seven days lang ang grace period sa pag-claim ng refund, kung lampas diyan, rejected na yung claim, considered as done deal na yung transaction.
Saka sa 50 pieces na items na nabenta niya, bawi na yung investment niya may profit pa. Ang ire-refund naman niya ay galing din sa mga buyer, Wala siyang abono.
I-require mo sa kanya na isauli yung mga items for refund, kahit saan naman ganyan ang palicy. Walang refund kung wala yung item.
Yun nga boss eh. Tinanong ko nga siya kung pwede baka ipabalik niya yung sim sa mga buyer niya. Kaso mag aabono pa raw siya. May nabasa ako na magkakaltas sa seller yung sf kapag nag rts si buyer, pero pwede ka mag file kay shopee at ibabalik din naman yung sf sayo.
 
Di ko nga alam pano niya nasasabing lugi siya. Ganto kasi ginawa niya, nirefund niya bayad ng buyer niya thru gcash, kasama daw shipping fee, bale dun daw siya nalugi sa shipping fee kasi abonado daw siya. Di na rin niya binabalik yung item kaso another abono na naman daw
hiningan mo sana ng proof boss kung talaga bang nag refund sya, baka naman refund sa sariling bulsa :ROFLMAO:
 
mukhang mali po na binalik mo boss kase nasa shopee naman na need ng proof muna pag irereturn e
May iilang proof siya na nagkaproblema nga yung item, at ang ginawa niya is binalik niya pera ng buyer niya pero yung item di na niya pinabalik kasi gagastos pa raw siya. Sabay contact sakin na nagkaproblema nga yung item at humihingi siya ng refund. Willing naman ako irefund kaso yung item ko wala na.

hiningan mo sana ng proof boss kung talaga bang nag refund sya, baka naman refund sa sariling bulsa :ROFLMAO:
May proof siyang iilan na pinakita. Tapos biglang 50pcs na nga raw nagrereklamo. Ayos naman ako sa refund kako. Ang problema lang is di na mababalik sa akin yung paninda ko. Di na niya pinapalik sa buyer kasi abonado na naman daw siya sa sf.
 
kung magiging strikto ka lang lods, dapat talaga no item, no refund, proteksyon mo din kasi yun as a supplier. tsaka kung may nirefund sya, kung ilan yung bilang ng proof, kung ako lang yun ha, yun lang ang irerefund ko. kung nakapagpakita sya ng 50 proof edi ibabalik ko ng buo yun, pero kung mga 10 lang pinakita, 10 lang din irerefund ko. kasi meron at merong record yan nakatransact mo. well kung mejo nalugi man tayo ngayon lods, icharge nalang natin sa experience 😓
 
Siguro nga ganun na lang boss. Iniisip ko kasi yung item ko talaga di na mababalik. Usable pa rin naman yun kahit papano. Sa totoo boss ilang araw ko na to pinoproblema. Ayoko lang talaga yung inuutakan ako.

Baka irefund ko na lang din siguro yung kalahati bukas o sa susunod na araw, para matapos na iniisip ko.
 
oo lods the best talaga jan gawa ka ng terms and conditions mo sa next clients mo incase may return/refund na item para sa una palang informed na sila
 
Binalik mo pera nya dapat po binalik din yung item, ganun lang.

Kung iniisip po kasi na valid yung situation nayun, edi gagawin na ng lahat, scammed ang lahat.
 
oo lods the best talaga jan gawa ka ng terms and conditions mo sa next clients mo incase may return/refund na item para sa una palang informed na sila
Yun nga siguro mali ko. Nagsisimula palang kasi ako maging seller. Yung iba ko namang nabentahan goods naman. Yan lang talaga naging problema ko

Binalik mo pera nya dapat po binalik din yung item, ganun lang.

Kung iniisip po kasi na valid yung situation nayun, edi gagawin na ng lahat, scammed ang lahat.
Yung kalahati po nabalik ko na. Yung kalahati baka bukas o sa susunod na araw.

Iniisip ko po kasi baka mapost ako bigla. Nagsisimula palang kasi ako maging seller, pero parang di pala para sa akin pagiging seller. Andali ko lang kasi maniwala sa totoo lang, lalo na kung tiwala ako sa tao
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top