Okay lang iyan magkamali basta natututo, mas nagugustuhan nga ng mga guro iyong estudyanteng nagpaparticipate kesa doon sa mga walang pake kahit alam naman nila sagot.
Sa reciting may iba akong ginagawa pag hindi sure yung ibabato kong idea or sagot pag tinatanog, yung method ko pag reciting is more of a General answer na pde din maging topic starter. Pero if okay na okay talaga ako sa idea na nasa isip ko at ramdam ko na okay talaga, nilalabas ko din lahat ng nasa isip ko tuwing recitation, or isa sa mga ginagawa ko is nag ta-take notes at sinusulat ang key points sa isang topic at dun ko nalang din bubuuin yung sagot pagtinatanong na. Wag ka din matakot cliché man pakinggan, pero totoong mas maganda talaga pag nag e-effort ka kahit medyo malayo sagot mo or nagkamali ka. Practice din ng practice, yun lang. Goodluck sa susunod mong recitation, kaya mo yan!