grimmjoes123
Eternal Poster
- Joined
- Mar 28, 2018
- Posts
- 834
- Reaction
- 203
- Points
- 338
May binebenta kasi akong laptop ng mura sa isang fb page. Tapos mura ko lang binebenta para agad maalis unit. Then may bumibili po malayo siya sakin tiga ibang province, tumawad ng konti sa unit then binigay ko nadin. Tapos po dahil malayo daw siya, kinausap daw niya friend niyang nandito malapit sakin para siya nalang kumuha ng laptop. Turns out, di pala niya kaibigan yun. Inoffer niya ng mas mahal sa kanya unit ko, tapos after niya magbayad sakin, magbabayad pa siya sa kanya ng additional amount sa napagusapan nila. Then nung nalaman niya na middle man siya, sobrang naghihinayang siya. Ang sabi kasi niya kakilala niya ako kaya mura yung unit. Then sabi nung bumibili kung pwede daw i cancel ko kase sayang pera niya e middle man lang naman. Ang ginawa ko kinancel ko nalang kase kawawa yung seller and besides fake account lang lagi pinagchachat sakin nung middle man, nagdahilan nalang ako sa middle man. Then yun sabi niya popost ako sa fb, baka yung mga bogus seller tas lalagay fb ko haha. Tanong lang mga sir. Tama ba ginawa ko o mali?