What's new

Globe TM PyGAH Auto Ballance Checker GAhäçk

Status
Not open for further replies.

Dark Chroma

Elite
Joined
Sep 22, 2015
Posts
794
Reaction
817
Down na po checker ni Quiboloy Stop at naka lock narin thread ng GAH Bal Data Checker kaya gusto ko lang i clarify post ko

Hindi ko po inaccess yung php file, alam ko po pwedeng i retreive yung files mo gamit request handler pero hindi ko po yun ginawa... sadyang hinaluan ko lang ng automation yung Checker para hindi ko na mano manohin, as in sobrang simpleng codes lang walang halong scraping yung ginawa ko
Wala po akong pinag bentahan at wala rin akong ine entertain sa bumubulong sakin kasi alam kong hindi yun sakin, honestly wala rin akong ginalaw sa lahat ng na daanan ng PyGAH. Lahat ng nakita kong numbers naka log lang sa txt file ko pero hindi ko pinakekealaman at wala akong plano kasi may pang load naman po ako.

gusto ko lang po talaga i clarify na wala po akong ninakaw o binenta o kung ano pa man

Idagdag ko nalang po na hindi na talaga bago yang mga ganyang pangyayari, matagal na po yang ganyang kalakaran na nakuha ng libre at ibi benta sa market.
Example ko nalang panahon pa ni Dzebb o JV Diaz sa mga gawa nyang handler for free internet na binebenta sa market na walang paalam... Ang gusto ko lang i point is "Great power comes with great responsibility" kaya kahit sabihin nating hindi mo hinangad na magpa bayad sa gawa mo ay naging responsible ka rin sa mga bumili kahit hindi ikaw ang nakinabang

Wala po akong sinisisi pero maging aral po sana ito sa lahat ng mga nagsi share ng sensitive na tricks. Marami pong nanakawan at naloko dahil sa mababang security ni GAH kaya sana magkaroon tayo ng mas mataas na censorship lalo na at maraming leecher na Hit, Run & Sell dito

Siguro pag nag share kayo ng tools o tricks o kung ano mang tuts na pwedeng maka sira ng iba ay i limit natin ang audience, bawasan yung circle of friends, baka ilagay lang dapat sa mga elite members at hindi na maka abot sa kung kani kanino pa

Sorry pero sadyang ganun talaga, Sharing Forum po ito pero dapat isipin natin yung mga pwedeng masira pag mga gahaman na ang naka hawak ng binabahagi nyo

KUDOS parin po kay Quiboloy Stop at sa mga tumulong sa kanya kasi patunay na maraming natututo at hindi puro tiktok ang inaatupag :)
 

LokipatZ

Honorary Poster
Screenshot_2021-12-04-20-19-34-12.jpg

Ayus natong sakin wew 🥰
 

Attachments

Omsim matagal na talaga ang bentahan ng no load pero benta nakaw sa ibang tao parang ansama pakinggan 😅 Kaya pala wala na ko masyado nakikitang No Load sharers kasi Nakaw Threads na pala ang sikat 🤣
 
Status
Not open for further replies.
Top