What's new

Help Pwede raw kami kasuhan kasi di maayos ang pag reresign.

Z4ptor

Eternal Poster
Sensya na dito nalang ako maka pag tatanong.
Need po help anong pwedeng gawin

Umalis kasi kami sa company na maliit lang.
Wala naman po kaming pinirmahan na contract as a probationary nong pumasok kami, tapos ngayon pong umalis kami na basta basta sinabi ng boss namin na pwedeng kasuhan kami dahil sa hindi maayos ang pag alis namin, nag sabay kasi kami ng isa kong kasama, nagsabay kaming umalis at sinabotahe daw namin ang pag alis.
May pinirmahan kami, pero yung pay slip lang po at yung resignation letter, at yung resignation letter pinagawa ko sa kasama ko kaya sinabihan din kaming sinabotahe kasi daw parehas kami ng resignation letter.

Hindi kasi raw pwedeng aalis nalang basta basta kasi po may policing sinusunod ang company.

Pero dagdag ko po sa tanong ko, nasa policy din po ba nila ang di pag bigay ng sahod samin nong January 5 2023? At hindi nila pag bigay ng overtime namin sa trabaho?

Sabi po niya dapat nag sabi nalang po kami na date kung kailan kami mag resign, pero di po namin kaya yon kaya umalis nalang po kami at on the spot nalang na umalis nong binigay yung letter.
Bakit di po namin kaya? Mabulaklak po boss naming yon, at madali po kaming mauto.

Di niya nga po binigay yung incentive ni Ate(nag hanap ng customer namin) wala nga po siyang natanggap na pera na per customer dapat may matanggap siya.

Pasabi po anong dapat gawin

Yes po aaminin po namin na may mali din po kami pero sa pag alis lang po yon ng di maayos
 
wala karapatan ang kumpanya na i demanda kayo, wala naman breach of contract na nangyari since wala naman kayong pinirmahan na kontrata, ang kumpanya pa nga ang pede nyo i demanda nyan dahil yang hindi nila pag bibigay ng sahod pati na ng overtime labag yan sa labor code.. unahan nyo na agad sampahan nyo ng demanda sa dole
 
magkakaparehas naman talaga ang resignation letter..
may tamang proseso lang talaga ang pag resign sa trabaho pero depende yan sa sitwasyon

i-check mo yun kontrata mo na pinirmahan nung nag apply ka kasi lahat ng empleyado sa kumpanya at may pinipirmahan na hiring form, may mga clauses yan at baka nakalagay na kailangan maghintay ka ng one month bago ka nila i-release..
check pa kasi nila kung may utang ka sa kompanya o kaya may mga kailangan ka i-turn over.

kahit probi ka meron parin yan documents na involve at baka meron din blue book o company book na kung saan nakasulat lahat ng policy ng isang kompanya parang end-user agreement..
 
sabihin mo sa HR lalapit ka sa dole yun ka work ko dati nag awol pa yun ayaw bigyan ng backpay sinabi sa hr magrereport sa dole ayun wala pa 1week may backpay na haha
 

Similar threads

Back
Top