What's new

Pwede bang manligaw ang mga babae sa lalaki?

Wala naman 'yan kung lalaki ka or babae. Kung sapat yung guts/motivation mo para magtapat sa isang tao sapat na 'yon para makapagconfess ka ng nararamdaman mo. Gusto mo, edi gawan mo nang paraan. Gender is social construct pinipigilan ka lang n'yan gawin iyong mga bagay na gusto mong gawin.
 
Pede naman. It depends. Kase ako nakaranas n ligawan ng babae. Like my gusto sya sken tas ako wala tas chinat nyako sbe nya gusto nyako. Tas sbe ko di ko naman sya gusto. Pero sya nag insist na manligaw. Hahaha 1 month lng tinagal namin pinagbigyan ko lang talaga sya . but usually babae dapat ang nililigawan
 
I think yes po pero sana may respeto sila sa babae may time kasi na trip lang nung lalaki yung babae, mahirap rin intindihin lalaki guloo HAHAHHA
 
ewan pero naranasan kona.ligawan ng babae, ako yung nahihiya kasi siya pa nag uunang move palagi. pero di siyanabigo xd nafall din ako sa kanya dahil don
 
Pwedi rin siguro na babae ang manligaw depende na lang yun sa babae kung like nya talaga si lalake yung bang ayaw nya na mapunta pa sa ibang babae.
 
Ano ba ang definition ng ligaw? Tricky kase at magulong definition kaya ayaw na ayaw ko hawak-hawakan or ayaw na ayaw ko eembrace ang katagang ligaw literal speaking. But wala ako magagawa dahil kinakailangan maki-go with the flow kung ano ang kultura o kung ano ang social behavior ng bawat kapwa tao so meaning to say , lugi ako dahil it is either ako lang ang nabubukod tanging kakaiba mag-isip or let us say, non-conformist ako. Hindi ako rebelde. Dati sinasabi ko na rebelde ako pero iba kase pala ang definition ng rebelde.

Diba? Ang definition ng ligaw is nagbubuhos ng effort para makuha ang isang babae. Naghahanap ng paraan para ma in love ang isang babae sa lalake.

Bakit ang babae ba ay walang karapatan? Gusto ba gawin robot ang mga babae na tipong hindi magsasalita at tipong ikikimkim ang kanyang nararamdaman hanggang sa kamatayan at halos mabaliw-baliw ito? Ganun? Pagkatapos nagkakatopak-topak na lang siya at kulang na lang ay dalhin siya sa mental hospital dahil ang kinakausap-kausap na lang niya ay mga walls sa bawat sulok ng kwarto dahil kinakailangan niya antayin ang lalake na ligawan siya at antayin na lalake ang una mag-express ng feelings sa kanya na hindi naman natatamaan sa utak at hindi naman na iin love ang lalake dahil wala naman ginagawa ang babae?

She is like a mannequin na ganito ang itsura....


Mannequin.jpeg


Ang kulang na lang is hindi gumalaw or ano? Imagine? Meron ba na lalapit na lalake na gusto niya kapag ganyan ang kalagayan niya o status ng kanyang kinakatayuan?

Women are not robots. Women are not mannequin. And also , women are not seks object. Tipong sinusuppress or tipong ino-oppress. Sabi nga ng isang member ng phcorner , women are not oppress. Wala daw oppression na nangyayari. Weh.... hindi pa ata nabubuklat ang kanyang isip or sabihin natin na hindi pa na oopen ang mind niya o hindi na eenlighten ang kanyang mind and so , ano tawag diyan sa behavior ng mga lalake towards sa mga babae na dini-disagree nila na manligaw ang babae huh? Hindi lang lalake. Babae din. E diba , suppression and oppression ang dating? Dahil sa ganyan social behavior ng mga lalake towards babae at sa kapwa babae na rin , wala ng abilidad ang mga babae na eexpress ang kanilang feelings. Dagdag , tinitake advantage pa ang babae kapag nalaman na meron gusto ito sa lalake na gusto niya.

Nah. Wala talagang absolute gender equality. Subjective lang talaga siya. Although meron gender equality but hindi sa lahat ng pagkakataon.

But meron ako alam na sa tingin ko na makakabenefit ang both lalake at babae. Based on my perception , meron gender equality sa lesbian , gay , bisexual , transgender at queer community. Sa totoo , meron siyang more than 20+ ang labels o different gender orientation which is sobrang dami po sila. Hindi ko na kinakailangan emention.

Masasabi ko na meron gender equality sa lesbian , gay , bisexual , transgender at queer community dahil wala silang discrimination sa bawat isa at most of all , wala ng labels na ipapataw sa bawat isa dahil same gender silang lahat.

Imagine ha? Sakaling babae sa babae ay either of them na meron abilidad eexpress ang kanilang feelings at emotions. Kahit sino ay pwede. Wala ng discrimination at wala ng labels or ang iba ay dinidescribe pa sa isang babae as desperada from homosexual group na keyso ang babae na nag-eexpress ng feelings towards sa lalake, wala ng label as being desperada. O-diba? Saan ka pa? Sulit. Pagdating sa seks ay walang discrimination din.

Ganun din sa lalake sa lalake. Kahit sino sa kanila. Walang discrimination sa kapwa nito lalake. Either of them ke lalake o babae , kapag same gender ay pwede angkinin kung ano ang role na gusto nila. Malaya sila hawakan ang role na ikinaliligaya nila mentally , emotionally and most of all ang kanilang spiritually.

Unlike sa heterosexual group as a whole , naku , umasa tayong lahat na meron siyang hierarchical. Meron siyang superior gender at meron submissive or subservient gender. Kung baga hindi siya pwede mag-reverse ng role for a gender o kaya ang gender role na ginagampanan is limit lang at hindi siya pwede mag-exceed sa role na gusto niya gampanan dahil hindi niya daw hawak iyon kungdi ang humahawak lang ay ang ibang gender. Kung baga , yup , hindi malaya sa role na gusto hawakan o makamit.

Ganun.

Iyon nga lang ang cons ay it is sin kuno ang homosexual in bible lalo kung involved about pagkakaroon ng jowa. Hindi ko alam ang God in bible kung bakit nililimitahan nito ang bawat role sa bawat gender sa lalake at babae. Tipong naka-fix lang siya preferably sa role ng lalake at babae. Siguro nga mahilig siya magkaroon ng hierarchical or something? At saka siguro nga favorable sa God na walang equality in gender dahil gusto niya na meron dominant role at meron submissive type of gender.

Ganun.

Anyway, kapag nag-eexpress ng feelings , walang pumapasok sa isip ko na ligaw iyon. Parang awkward ang definition ng ligaw sa akin. Ang akin , it seems na nilalabel lang ang salitang ligaw para sa mga lalake sapagkat sila lamang ang may authority at may kapangyarihan humawak nun. So meaning to say na mas malaya ang mga lalake kaysa sa mga babae.

Sa mga babae diyan sa tabi-tabi na gusto niya eexpress ang feelings towards guy , dalawang option ang pwede pagpilian. Pwede mamili ng lalake na labas ng Pilipinas or maghanap ng lalake na pinoy. If ever hindi type ng babae ang ganoon klaseng behavior ng lalake towards babae (halimbawa , he does not like girls na nag-iinitiate ng first move or sabi daw ng iba ay nililigawan siya) , meron naman choice na maghanap sa labas ng bansang Pilipinas na agree ang lalake sa ganoon klase ebahave ng babae.

Same din sa guy na kapag hindi gusto ang ganoon klase behavior ng babae na matatapatan katulad na gusto ng babae ay siya ang nililigawan , pwede naman maghanap kahit labas ng bansa.

Ganun.

Sa isip-isip ko , siguro kaya ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako na iin love sa lalakeng pinoy. Hahaha 😅








 

Attachments

Yep yung gf ko nanligaw sa akin.
Sobrang pogi ko pala. 😁
Pero seryoso sya yung unang nagpakita ng motibo. Good mornings kinukumusta nya yung araw ko mga ganun.
Pero ako nanligaw sa kanya (making the moves) at sinagot nya ako.
Sa babae kung manliligaw=Signal
Sa lalake=Make a move
Happy ang dalawa.
 
Back
Top