What's new

Trivia Presyo ng McDo Meal at Sweldo sa Buong Mundo

Masked Rider Black

Forum Guru
Elite
Joined
Nov 8, 2016
Posts
4,083
Solutions
11
Reaction
2,928
Points
1,348
Naalala ko lang yung kwento ng isang propesor ko noon na kung gusto mo magkaroon ng realistic na idea sa standard of living ng isang bansa, tingnan mo lang ang presyo ng McDonald's meal nila at ang average na sweldo ng manggagawa doon.

Kung mas mura ang pagkain sa McDo sa isang bansa relative sa kinikita ng isang normal na manggagawa, malamang daw eh mas maalwan ang pamumuhay ng mga tao doon.

Hindi syempre 100% accurate ang obserbasyon niya pero nagegets ko naman na interesting indicator sa standard of living sa isang bansa yung presyo ng pagkain sa McDo sa average na sweldo ng tao sa isang bansa.

Buti na lang madali na mag-Google ngayon at surprise surprise! Meron ngang nag-compile ng data tungkol sa presyo ng McDonald's ãdül† meal (Big Mac, large fries at large Coke) at porsyento ng median yearly income ng isang manggagawa sa iba't-ibang bansa.

06_Burger-Economics-The-Price-of-McDonalds_World-Map_Affordability_Hi-RES.png


Dito sa Pilipinas, 12.74% ng taunang sweldo ng isang manggagawa ang kailangan para makabili ng 100 ãdül† meals. Sa Monaco at Liechtenstein, wala pang 1% sa sweldo ng manggagawa doon sa isang taon ang gagastusin para umorder ng 100 ãdül† meals. Sa Lebanon na may inflation crisis nitong mga nakaraang taon, halos 75% ng average na sweldo sa isang taon ang kailangan para sa parehong dami ng pagkain sa McDo.

Interestingly, dito raw diumano sa Pilipinas ang may pinakamurang McDonald's large fries.

03_Burger-Economics-The-Price-of-McDonalds_World-Map_Large-Fries_Hi-RES.png


Makikita ang research methodology, presyo ng Happy Meal at iba't-ibang menu items ng McDo dito sa source article:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

wow interesting ung research at study na yan ah. though nakakatuwang pagkumparahin sya pero may katotohanan din naman talaga
 

Similar threads

Back
Top