What's new

Closed Pinoy nga naman

Status
Not open for further replies.

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
26,039
Solutions
6
Reaction
66,690
Points
16,695
Yeheeey simbang gabi nanaman!!Kahit nabuburaot na ang mga neurons natin sa utak kaka-process ng araw-araw na mga suliranin eh matuwa parin tayo mga kapatid dahil binigyan pa tayo ng isa pa uling pasko sa buhay natin!Hayaan mo muna ang mga problema ,para din yang mga ex boyfriend nyu,babalik at babalik pag wala nang ibang malandi.Kumbaga sa mathematics,given na yan,hahanap ka nalang ng formula tapos i-substitute mo ang problema para makuha mo ang answer sa solution.Nalito ka ba?Ako din eh!hahaha..Ganito nalang,basta tandaan mo lang na pag may mabigat kang problema,tumingin ka lang lagi sa “mas panget” sayo,kung masaya sila,dapat mas masaya ka!Isipin mo,yung problema nga nila wala ng lunas eh,mas malala pa sa stage 4 na cancer. Pero kahit ganun,bakit masaya pa din sila?Bakit may gf silang maganda at hot?Samantalang ikaw hanggang ngayon “nganga” pa din.Magpapasko na wala ka pa ding love life.Tapos ang matindi nyan yung pagkatapos ng pasko at bagong taon.Kainis,nakaka-pressure lage eh!Anyway,habang sinusulat ko to,iniisip ko kung bakit ba tinawag na simbang “gabi” samantalang simbang “madaling araw” naman talaga ang ginagawa natin sa probinsiya.Tinatawag din itong Misa de Gallo or simbang tandang (tandang:Spanish=gallo) na simbolo ni san juan bautista na gumising sa ating lahat na paparating na ang Mesias. Tinawag daw na “simbang gabi” dahil sa “madilim pa” at hindi yung pagkatapos ng hapunan.Yung iba naman nagtataka kung bakit may Misa de Gallo sa gabi at hindi sa madaling araw.Tinatawag kasi nila itong “anticipated” mass para sa mga taong tamad gumising ng maaga(kagaya ko) or dun sa mga taong nagtitinda ng pandesal sa madaling araw,sa mga graveyard shift na call center agent,sa mga artista na may magdamagang taping at sa mga kababayan nating security guard na magdamagang nagbabantay sa mini-stop.Pero kahit saan ka mang lupalop ng mundo makarating,hahanap-hanapin mo pa din ang pasko sa Pinas.Kahit wala yung pinapangarap mong “white christmass”,mas masaya pa din panoorin ang mga batang nag ka-caroling at iba parin kung kasama mong mag simbang gabi ang buong pamilya at mga kapitbahay nyu.Unfortunately,may mga taong nagsisimbang gabi sa ibang kadahilanan katulad ng:

1.) Naghahanap lang talaga ng mapapangasawa.Ito yung mga kalalakihan at kababaihan na mahilig pumuwesto sa labas ng simbahan at parang may “eye scanner” sa lahat ng taong daraan.Sila din yung merong mas matalas na peripheral vision kumpara sa mga ordinaryong taong nagsisimba.

2.) Nang huhunting ng tsiks.Para to sa mga barkada ko dito sa Qatar na mahilig sa babae at gagawin ang lahat magkaroon lang ng jowa ngayong pasko.Mag simbang gabi na tayo!!!hehehe

3.) Magpapa-picture sa Christmass Tree.Ito lang talaga yung pinaka-main reason nila kaya nag-simbang gabi.Gawain ko din to dati eh,tapos gagawing profile pix sa FB.Style nyu hmp!

4.)Makakain lang ng mainit na bibingka na may keso tapos kape tapos…..ate mag-diet ka!!Tingnan mo yung braso mo te oohh,parang hita na ng construction worker..hihihi

5.)Gusto lang isuot ang bagong Polo para makapag-pasikat na halata namang napanalunan nya lang sa raffle nung christmass party nila nung isang araw.

Ang Misa De Gallo ay isang nobenaryo na binubuo ng siyam na simbang gabi.Ito raw ay simbolo ng siyam na buwang pagdadalaang tao ni Mama Mary (oooh the learnings from google).Naging debosyon na nga nating mga katoliko na i-perfect ang attendance para sa siyam na gabi sa paniniwalang matutupad ang kahit anung i-wish natin.





Ang tunay daw na kahalagahan ng pag-sisimbang gabi ay sa kung paano tayo na “tatransform” para maging handa sa kapaskuhan.Dapat may malalim tayong pang-unawa sa mga pagbasa at taimtim na panalangin sa bawat misa hindi yung parang na “oobliga” lang tayo dahil nga tradisyon na natin tong kinalakhan.Ngayong gabi,pagnilayan mo kung anu ba talaga para sayo ang tunay na diwa ng Misa De Gallo.Bago ka magsimba,humarap ka sa salamin……tapos tingnan mo yung bangs mo,kumukulot na te!!Mag pa rebond ka na tutal nakuha mo naman na ang bunos mo!Para mag ka lovelife ka:)


Ctto:)
 
Last edited:
HAHAHA!! Kaloka yung gumawa nito bes!! nagmura pa yung gumawa, bawal 'yun dito bes. :) Pero yung gumawa ng post mensahe na ito ay halos totoo lahat bes. Salamat sa pagbabahagi dito. :)
 
Last edited by a moderator:
Acording to my data my freind is reading he got 15minutes and 56seconds and i were taking my milk for 5minutes and i drunk the second time for 10minutes u know why? | ang init kasi ng milk at may babae dumaN
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 10
    Replies
  • 1K
    Views
  • 9
    Participants
Last reply from:
PHC-Dan

Online statistics

Members online
328
Guests online
3,488
Total visitors
3,816
Back
Top