Dahil sa foam yan. Ang bed foam ay nag-aabsorb at nagreretain ng heat. Lalo na ngayon tag-init. Ang maipapayo ko ay patungan ang foam ng native banig na plant-based. Ok din ang plastic na banig pero mas presko at mas malamig ang plant-based tulad ng gawa sa kawayan, Karagumoy, bariw, basta native plant-based. Ang explanation dito ay dahil ang banig mai-insulate nya ang foam na mainit. Saka maraming butas ang banig kaya presko ito, may air flow. Mas cool kung alisin na lang ang foam at lagyan ng karton ang bed. Matigas nga lang pero mas prefer ko ang matigas kesa malambot