What's new

PILOSOPO SI JUAN

gabniel

Honorary Poster
Joined
Dec 10, 2020
Posts
258
Reaction
823
Points
184
Isang araw pumunta si Juan sa kanyang guro upang mag tanong.

JUAN: maam may itatanong ako.
GURO: ano yun?
JUAn: maam may isang eroplano sa himpapawid may karga siyang 50 sako ng bigas, nahulog yung isang sako ilan nalang
ang natira?
GURO: 49 pa yung natira.
JUAN: tama kayo maam, ito pa may tanong pa ako.
GURO: Sge
JUAN: paano mo maipapasok ang isang elepante sa loob ng freezer?
GuRO: (nag-isip) paano ngaba hindi ko alam? JUAN: edi buksan niyo yung freezer ipasok ang elepante tapos isara ang FREEZER.
GURO: (Galit)
JUAN: ito pa ma'am, paano niyo maipapasok ang usa sa loob ng freezer?
GURO: edi buksan ang freezer ipasok ang usa
tapos isara ang freezer.
JUAN: MALI na naman ma'am buksan
ang freezer ilabas ang elepante ipasok ang usa, isara ang freezer.
GURO: (naiinis na) ano may tanong Ka pa? JUAN: ito ma'am. Sa isang kagubatan nag pulong si haring Leon. Lahat daw ng hayop ay kanyang iniimbita sa kanyang birthday party.
Ang tanong anong hayop ang hindi pumunta sa birthday party??
GURO: (NAG isip) daga kasi natatakot siyang kainin ni haring Leon.
JUAN: Mali na naman kayo ma'am. Ang hayop po na hindi makakapunta sa party ay ang usa kasi nasa loob siya ng freezer
GURO: (GALIT)
JUAN: ito pa ma'am isa pang tanong. May isang matanda na gustong tumawid sa ilog ngunit hindi siya makatawid kasi maraming buwaya sa ilog. Ano ang gagawin ng matanda para makatawid?
GURO: gagamit siya ng bangka para makatawid.
JUAN: Mali na naman kayo ma'am, malaya siyang makakatawid sa ilog kasi nasa birthday party ang buwaya.
GURO: (PIkon) umalis kana dun kana sa upuan mo.
JUAN: ma'am last na ito PROMISE. Pagkatapos naman tumawid ng matanda, namatay siya ano ang ikanamatay ng matanda?
GURO: Heart attack kasi hiningal yung matanda kaya intaki sa puso.
JUAN: Mali nanaman ma'am, NAMATAY YUNG MATANDA KASI nahulugan siya ng isang sako ng bigas mula
sa eroplano. ,dahil nageffort kang basahin to kahit mahaba, isang react naman ng "haha" dyan.


🤣🤣🤣🤣🤣

ROCKZ 🤘🤘🤘
 

Similar threads

Back
Top