What's new

Poll Pilipinas me pag-asa pa bang umunlad?

Oo naman kaso syempre hindi instant. At syempre kailangan ng hindi lang magaling na pangulo dapat pati mga nasa baba matitino.
 
ang pag-asa'y di mawawala kung ikaw ay hindi susuko, ganun kasimple yan kahit saang aspeto ng realidad, laging may pag-asa sa pagunlad ang pinas, syempre hindi lang naman iisang tao ang bumubuo sa bansang ito que si hodang sino pa yang iboto nila, sa ating mga Pilippino din mag-uugat ang pagunlad, ikaw? sumusuko ka na ba?
 
Sa totoo lang mahirap na umunlad Pinas. Sigurado matatagalan and if uunlad man di yung maunlad na bansa talaga na kagaya sa japan o iba pa.
 
wala na pag-asa ang pinas hahaha kaya mas okay na lang mag ibang bansa or mamatay kapag ganyan ang mga tao na nasa gobyerno haha balang araw mamasakop na tayo nang buo nang mga china
 
Kung patuloy parin ang practice ng government official wala na pag -asa. Kahit simple pagnanakaw sa oras , papel ballpen , bond paper at kung anu anu pa.. wala na its over.. ni wala man lang tau sariling mga facility for improvement like technology mga invention at research. Vaccine lage lang tayo dumedepende sa ibang bansa. Tayo ang nagturo magtanim ng palay sa ibang bansa bakit ngaun tayo na umaangkat ng bigas sa kanila... Lupet talaga ng governmt natin halos self interest at self improvement nalang ang ginagawa...
 
Parang mahirap. 10 yrs ago ako nung umalis mg ofw pa uae kase wala akong nakitang magandang work. In ten yrs maganda naman ang opportunity sa abroad. Pero pinas in ten yrs palubog (compared nung unang umalis ako). Ung kapatid ko nag migrate na din sa malamig na lugar kase wala ng nakikitang pagasa. Bale parents ko n lng ang nasa pinas dito na lang daw sila. Connect? Umalis ang ayaw, mas maunlad ang ibang bansa, if opportunity ang hanap mo, mas may shot ka sa labas 🙏
 
developing country na ang pilipinas, pero dahil nga lang sa mga corrupt politicians at mga makikitid na utak na pinoy ang di naman instant na development o pagunlad ay mas bumabagal pa. smh
 
#1 bakit internet? internet na ang sentro ng negosyo at trabaho ngayon sa pilipinas. Magmula sa mga CEO hanggang sa mga delivery riders.

pabilisin at babaan nila ang presyo ng internet, at tuluyang ibalik ang unli.

Dahil sa "per gigabyte" na internet:
*nauubos ang kinikita ng mga teachers at iba pang mga empleyado. Magastos din ito para sa work from home arrangement. Mga bagay na hindi naman prino-problema ng mga kompanya dung araw.
*ubos ang allowance ng mga estudiante kung magreresearch sila para sa kani-kanilang mga projects or assignments. Isang oras na YøùTùbé video lang eh ubos na agad ang 1gb mo.
*ubos din ang data dahil sa Windows update. Hindi lahat eh magagaling sa computer na alam kung paano i-disable ito. At kung hindi naman nila i-uupdate, possible na mapasok naman yung computer nila
*hindi lahat nabibiyayaan ng fixed line internet. Yung iba eh wala silang "proof of financial capability" para kabitan. Kaya sa mobile internet lang sila kumakapit

Hindi lang ito ang problema ng bansa natin.
#2 Insurgency. Magkano ang ginagastos ng mga militar natin sa mga bala, rockets, missiles (not sure kung ginagamit nila), smartbombs, etc. Yes, maganda kung nasa inventory natin yan, pero hindi yan mababawasan kung wala tayong mga Radical terrorists at CPP-NPA-NDF nayan. Bumibili tayo ng bagong arsenals tuwing nababawasan ang mga ito.

Magdedemand ng impossible ang mga leftist groups na ito hanggang malugi ang kompanyang pinagtratrabahuan nito. At kapag nagsara ang kompanya, maraming magugutom. Gusto nilang bumagsak ang pilipinas para maraming taong maghirap, at magalit sa gobyero. Anong gusto ng mga leftist na ito? Parang north korea? parang cuba? Eh Kapag kinontra palang sa facebook eh nagwawala na.

#3 mga buwaya at pasaway na politiko
bulsa muna, bago gawa. Walang political will, dahil sayang ang boto. Isama niyo na dito yung presidenteng naging mayor na nagkakalat sa Manila bay for publicity. Ang hurakot ay nagisisimula sa bahay natin, maging sa mga bata. e,.g. kinukuha yung mga piso piso ni nanay pambili ng kendi

#4 mga tao
Guilty rin ako sa mga ganito. Naging likas na sa mga pinoy ang pagiging pasaway. Hindi marunong sumunod sa mga alituntunin. Umpisahan natin sa mga traffic rules. Jaywalking, helmet, disregarding the traffic signs, tapon dito tapon doon, atbp. Gusto lagi pabor sa kanila. Gusto rin natin ang laging makalamang.
ubo ubo ubo bee ubo pee ubo en ubo Hindi ko dinedepensahan ito, pero babaan nila ang presyo nila para wala nang mag bee pee en


#5 mindset ng pinoy
laging ang mindset ng pinoy ay "kailangan kong magaral para makakuha ng magandang trabaho". Hindi ba pwedeng "kailangan kong magaral para makapagtayo ako ng magandang negosyo"

kahit yung pinakamagaling na presidente pa ang ilagay niyo dito, kung ganito parin tayo eh wala talagang mangyayari
 
Last edited:
Meron pag-asa, kung tatapusin muna yung mga buhay ng mga magnanakaw sa gobyerno at mga pinoprotektahan oligarko sa bansa, posbileng ang Pilipinas ay mapunta na din sa Development Country :>
 

Similar threads

Back
Top