Boss sa akin kasi pag maaga pa or di pa peak hours, 15 m/s lang ping ko, pero iyung experiences ko sa LTE bug iba iba. Noong una, download lang ako ng large files or I just continue watching videos before expiry, mababug na sim ko. Now, iba iba ng hours. Mayron basta manood ka lang ng videos or just download large files bago magexpired, mayroon extended lang ng 2-8 hours iyung bug tapos balik na sa safezone, tapos mayroon din after 2 hours bug na talaga, mayroon din hintay ka pa ng 24 hours, tapos mayroon din 6-12 hours ka maghihintay. Well, dalawa iyung sim na ginagamit ko. Isang jump-in and isang smart LTE. Salitan kong ginagamit kaya siguro iba iba experiences ko. Ang problema ko lang di pwede on and off iyung bug ng sa akin. Madalas kasi magbrownout dito sa amin, almost everyday lalo na pag umuulan. Iyung magbra-brownout lang ng 2-3 seconds lang & 1-4 times yan sa isang araw, so nagiging walang silbi iyung bug na sim ko. Ganundin almost everyday rin akong nagpapaload. Panira na sa internet panira pa sa appliances iyung constant brownout sa amin. Kaya nga itong useful vpn solusyon ko. Powerbank sana naisip kong solution kaso itong ultera router na may adaptor ay 48 volts / 1.25 amps iyung output. Pwede ko naman gamitan ng boost converter or regulator kaso bukod sa dagdag gastos pa iyon, hirap pa maghanap ng maganda at akma sa router ko dito & need pa umorder abroad. Kung deep cycle battery naman na ikoconnect ko sa solar panels, ayoko naman connected iyung router 24/7 kasi baka madidischarge iyung battery down sa 30% & madali lang masira non and short pa ang life span. Kailangan pa rin kasing patayin non lalo na't kung hindi pa enough yung charge ng battery & to think hours din iyung kailangan para mafull-charge iyung battery. Mayroon naman akong nakitang ibang router na may inside battery, pero it cannot power iyung mismong ultera kc may separate na 48 volts na needed to power it.