Ang dami mong binanggit sa post mo sir,goodluck na lang sa mapapaniwala mo at sorry na lang sir hindi ako ganyan kababaw para yan ang maging batayan ko.court cases at mga libels?parang ito lang yan sir oh kasi sa usapang biblia hindi nila kaya kaya assassination na lang nong character niya ang puede nila magawa:
Jer.18:18 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.
Yan na lang talaga ang puede niyong magawa sir ang saktan siya ng dila dahil pagdating sa biblia tulad mo rin silang malaki ang kakulangan.na sayo yan sir kung magpapaakay ka sa pastor na kung magsalita di makapabasag pinggan pero ang dala ng bibig niya pala ikapapahamak mo pala.
Mat.15:14 Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
Mas gusto ko na yong pranka magsalita kaysa tulad mo na malumanay daw kuno sa pagsasalita pero sa likod pala pag nagsalita noong murang salita ay nasa superlative degree nasa unahan yong NAPAKA.
Ikaw sir ano puede kung itawag sayo noong sabihin mo na NAGING MINISTRO SIYA NI MANALO.tamang-tama ang tittle para sayo diba?nauukul talaga sayo yan mas maganda na ito maging batayan ko kung magpapaakay lang naman ako.
Tito 1:13 Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y sawayin mong may kabagsikan sila, upang mangapakagaling sa pananampalataya,
Kung gusto mong magpagaling sa pananampalataya piliin mo yong nakasulat diyan yong sumasaway ng may kabagsikan dahil yan daw po ay may patotoong tunay.
Ganun talaga ang mga tuso na tao. Kapag wala ng matutulang aral at di kayang matutulan. Gaya ng kinote mo, Sila ibabaling lahat sa haka at malulugod sa paggawa ng katha, rumors, chismis, Character Assisination diyan sila magagaling.
"Huwag natin pansinin ang aral at turo, saktan natin ng Character Assisination". Diyan sila mahuhusay.
Sila yung naniniwala agad sa mga salit-saling sabi ng mga tao na walang patunay at hindi pa napapatunayan. Mas kapaniniwalaan nila imbentong mapanghikayat.
2 Tesalonica 2:11 - At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
Dahil sa paghahagad dun na lang sila pupuntos. Sumasaksi ng hindi katotohanan. Nagsasalita ng mga kasinungalingan.
1 Timoteo 4:1 - Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
1 Timoteo 4:2 - Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
Mapapansin mo pag di na kayang tutulan? tawa sila ng tawa? Sa kanila natutupad ito eh.
Ecclesiastes 2:2 - Aking sinabi tungkol sa tawa, Ito'y ulol: at sa kasayahan, Anong ginagawa nito?
Tawa yan ng mga mapagpaimbabaw, pakitang tao na masaya sila kuno pero yung budhi niyan natatamaan.
Kawikaan 14:13 - Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
Pero ganun talaga nandito sila upang ang kabanalan sa kanila ang pakinabang. Hindi nila intensyon na makapagligtas ng kaluluwa ng mga tao. Akala nila malaking pananagutan ang makapangligaw ng kaluluwa.
1 Timoteo, 4:16 - Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
Sa kasukatan ng pananampalataya magsipanatili tayo ayon sa nasusulat. Dios na lamang ang bahala sa kanila ang mahalaga ay nagawa nating maibahagi sa kanila ang Salita ng Dios sa abot ng ating makakaya.
Out of topic: napanood nyo na ba Ang Dating Daan Bible Study noong Friday, Feb 14? (Hayaan ang makakabasa) Kung napanood na Salamat sa Dios. "Mapalad ang isang alipin na makaunawa sa bagay na nasusulat".