Gomo user ako, so di ko pa natry ang Smart Unli data, nag kataon naman na available sya sa sim ko via *123# (wala sya sa Smart app ko). So tanong ko, permanent ba to, pag nag register ba ako, available ulit sya after mag expire, or timingan lang yong promo? Gaya sa gomo, hindi palagi available yung unli. Also, may data cap ba to?
Walang permanent lods, nagabago ang bagay bagay, kaya promo lang. Pero kung iisipin mo mag 3 years na yung unli ni smart na tuloy tuloy, nataas nga lang presyo from 299, pero sulit na rin. At di gaya ni Gomo na pasulpot sulpot lang ata yan. Kung mayroon sim mo unli, isa kang swerte din. . masama yung mawala na di mo sinubukan..hahah. From globe naman ako dati, pero nung nasubukan ko si smart. Aba smart nga..heheh. Wala naman cap. 35 mbps sakin pag sa 4g. pag 5G sa phone bilis din.
hindi sya permanent sa sim mo, may change na mawala at lumipat sa ibang sim.. hehehe! pero madalang lang, dati 3yrs na sa luma kung sim then biglang nawala, tapos nagkameron naman sa isa pang tnt sim ko, kaya ok lng.
so far within past 4 months wala pang reshuffle na nangyari sa sim ng smart/tnt/sun. tingin ko lang di na yan mag reshuffle kaso ang catch neto patass na ng pataas presyo ng unlidata.
permanent pero parang pataas ng pataas presyo.
pag nagtaas pa sila ng 99 sa 599 parehas nalang presyo nila sa converge s2s mga 700/mo aabangan ko nalang pag may free slot. sa converge pataas ng pataas speed
Meron tricks dati para magkaroon ng unli option yung sim pero katay na din. Swertihan nlng talaga ngayon. Pero yung personal sim ko na matagal ko nang ginagamit, nung nagstart yung unli na yan sa mga selected sim, unavailable sya dati sa sim ko pero ngayon meron na sya, swertihan lang talaga cguro.