What's new

Pederalismo

dee-u

Forum Veteran
Elite
Joined
Apr 21, 2017
Posts
2,290
Reaction
3,231
Points
992
May tiwala ba kayo sa mga local (governors) na pulitiko ninyo para sila ang maging "senador" ng inyong probinsiya/rehiyon kung maging Federal system man tayo? Okay naman ang idea ng pederalismo, ang problema lang, para sa akin, ay ang ating mga local na pulitiko. Malamang sa hindi ay iisang apelyido lang bawat pederal state ang uupo ng mahabang panahon.

Sa tingin ninyo?
 
Ganto kasi yan, kung may dynasty na magaganap, at meron naman talaga. Ang tao padin ang mag dedecide kung karapatdapat ang uupo, at ang tao padin ang mag dedecide kung ayaw na nila sa umupo. Kung gusto nila ng dynasty then pinili nila yan. We are in a democracy at majority ang nag dedecide. Di mo mapipigilan ang gusto ng majority,

federalism is the most ideal form of government natin simula una pa, even before 1987 constitution na binida na yan ni cory aquino kaso mas pinaburan nya yung unitary form idk. Siguro bec of the oligarchy, di natin alam kung bakit ganun. Binida nyan then di nya tinuloy which is confusing...

In federalism, ang estado ang gagawa ng mga sariling batas nya para sa nasasakupan nya, na ayon sa kultura, lengwahe, tradisyon, at geograpiya ng nasasabing lugar. Since ang pilinas ay binubuo ng mga isla, napaka raming lengwage, tradition, culture at kung ano pa man. Di pwedeng maging unitary ang batas kasi tayo mismo iba iba.

Pwede sa isang estado, may death penalty, pwede sa isang estado naman mahigpit ang batas about corruptions kasi talamak ang corruptions. Depende sa estado kung ano ano ang mga batas na maipapatupad don sa lugar na yon. So nasa tao ang lakas, hindi na sa iisang ulo, hindi na sa iisang lugar. Mas mapapabilis ang action pag may kalamidad kasi nandon na mismo ang ulo, nandon na mismo ang mag dedecide, hindi na mag aantay ng utos galing sa presidente o manila.

Kahit san mo tingnan unitary form of gov hindi talaga para sa atin e, sa federalism lahat ng kultura, tradisyon, lengwahe panalo....

sa unitary form ang panalo lang dyan, mga taga luzon, mga taga manila. Makikita mo pa lang sa MANILA RATE na tinatawag e. Napaka unfair na nun. Need mo pang pumunta ng NCR para maka kita ka ng malaki. WHAT? Napaka unfair...
 
Mas maganda sana kung maipasa rin ang anti-dynasty bill kasama ng pederalismo para hindi lang iisang pamilya ang maghahari sa isang estado.

Sa Manila Rate, malayong mas mataas naman ang cost of living sa Manila kumpara sa mga probinsiya, nasubukan ko rin magtrabaho sa Manila at kahit mas mataas ang sahod dun ay wala rin dahil mas malaki rin ang gastos. May cons and pros pa rin naman sa kahit anong klase tayo ng gobyerno. Ang mas malaki kasing problema sa atin ay ang mga corrupt na pulitiko sa mga local, yan ang nakikita kong magiging problema sa pederalismo, Kung paano hindi umunlad ang isang bayan/probinsiya ay hindi malayong ganun pa rin ang mangyayari kung sila pa rin naman ang mamumuno sa atin.
 
Mas maganda sana kung maipasa rin ang anti-dynasty bill kasama ng pederalismo para hindi lang iisang pamilya ang maghahari sa isang estado.

Sa Manila Rate, malayong mas mataas naman ang cost of living sa Manila kumpara sa mga probinsiya, nasubukan ko rin magtrabaho sa Manila at kahit mas mataas ang sahod dun ay wala rin dahil mas malaki rin ang gastos. May cons and pros pa rin naman sa kahit anong klase tayo ng gobyerno. Ang mas malaki kasing problema sa atin ay ang mga corrupt na pulitiko sa mga local, yan ang nakikita kong magiging problema sa pederalismo, Kung paano hindi umunlad ang isang bayan/probinsiya ay hindi malayong ganun pa rin ang mangyayari kung sila pa rin naman ang mamumuno sa atin.
Unreasonable kasi yung manila rate talaga, duh nasa pinas pa din tayo. Hindi tayo nasa ibang bansa para magkaroon ng iba't ibang rate at iisang ang estado natin. Bakit NCR lang may rate na ganyan? How about south luzon? Or any other part ng luzon na matataas din ang cost living?

Tanggalin mo yang manila rate, lahat ng cost sa manila bababa. Cost of living ba kamo? Over crowded kasi e, napaka raming tao, at kakaonti ang lupa. More people = more accommodation = more food consumption = more waste = more waste management, sunod sunod yan pinaka basic lang na representation lang yan.

Pag tinanggal mo yang manila rate mag sisiuwian dyan ang mga di taga manila, ang resulta luluwag ang manila at kakaonti ang tao, bawas traffic, bawas accomodations, bawas food consumptions, mababawasan lahat.


in federalism lahat patas, lahat may kanya kanyang rate depende sa lugar. Unahin na muna nating ang federalism kasi di mo naman malalaman kung magiging masama ang epekto ng isang dynasty sa federalism.

Kung bad edi maraming magagalit, easy as that. Nag iiba na ang pulso ng tao ngayon, kung may ayaw ang majority pustahan tayo majority mismo ang mag papatalsik sa ayaw nila. As you can see sa latest election natin no doubt about that.

Kung inuna mo ang anti dynasty, kailan pa mababago ang form of gov natin? Next 10 years pa? Sobrang lubog na ng pilipinas, kailangan natin i maximize yung natural resources natin habang meron pa tayong natural resource na nakukuha kasi limited lang yan. 1987 pa ang constitution natin napaka tagal na nyan umunlad ba ang pilipinas? Hindi. Lalong nag ka utang pa.

So anti dynasty uunahin natin? Para mag federalism na tayo ang utang natin nasa 40trillion na? Kung kailang ang gdp natin super baba na at napupunta na lang sa interest ng utang natin?
 
Sabi ko isabay/isama, hindi unahin.
Di naman pwedeng isabay sa kamara yan e, may nakita ka bang mag kaibang batas na ginawa ng sabay sa kamara? Syempre may mauuna at mahuhuli kasi di naman pwedeng isabay, ang sabi ko mas magandang iuna ang federalism kumbaga priority ba
 
mukhang interesting battle ito ah.

eat asian food GIF
 
Di naman pwedeng isabay sa kamara yan e, may nakita ka bang mag kaibang batas na ginawa ng sabay sa kamara? Syempre may mauuna at mahuhuli kasi di naman pwedeng isabay, ang sabi ko mas magandang iuna ang federalism kumbaga priority ba
Charter change yata ang kailangan para maging pederalismo ang bansa, puwede namang isabay na rin yung alituntunin sa dinastiya para sabay na. Payag ako diyan sa pederalismo basta hindi iisang pamilya ang magiging lider ng mga estado nito.
 

Similar threads

Back
Top