He he. Sa tagal kong mag-oobserba ng forums at mga posts here and abroad sa kung anong issue, bawat reply ay nahahati sa edad, mga paniniwala at karanasan ng bawat tao, edukasyon at kaalamn, estado sa buhay, at kundisyon ng utak. Sa tema at pagpili lang ng mga salita, maiintidihan mo na sila ng bahagya.
Dyan sa sinabi mo, tama ka, matagal na nga yan since naimbento noong 1959 at sumikat na noong 90's and onwards using radio frequencies and the net. Yang microchip ay usually allowed lang sa hayop for tracking at pinagtatalunan pa rin hanggang ngayon dahil doon sa side-effects, privacy ng client owners, etc. especially sa "implants" - sa tao pa kaya he he. Kung tutuusin, halos lahat ng tao ngayon ay may "microchip" na dala from cellphone, ID...Pero yung isip ng tao ang mas mabilis pa sa technology kaya yung iba ay nag-assume na at naliligaw lalo na sa mga mapalinlang na balita!