- Joined
- Nov 29, 2021
- Posts
- 28,493
- Solutions
- 541
- Reaction
- 42,008
- Points
- 19,236
Patawad mahal,
Patawad dahil ika'y aking nasaktan
Ang akala ko ako lang ang nahihirapan
Masyado akong binulag ng aking nararamdaman
Mas pinili kong umalis ng walang paalam
Patawad mahal,
Hindi kita nagawang intindihin
Patawad kung hinayaan kitang sarilihin,
Ang problemang dapat sabay nating haharapin
Patawad kung naging makasarili ako,
Akala ko ako na ang pinakaproblemadong tao
Akala ko talo na'ko
Pero nung umalis ako sa ating tahanan
Doon ko lubos na intindihan
Ang salitang "talunan"
Patawad mahal kung hindi kita naipaglaban
Patuloy ko parin tinatahak ang daan,
Pabalik sa ating tahanan.
Ngunit wala na pala akong babalikan
Hindi mo na ako hinihintay na maka uwi
Patawad mahal,
Patawad kung ngayon lang ako nakahingi ng tawad.
Patawad dahil ika'y aking nasaktan
Ang akala ko ako lang ang nahihirapan
Masyado akong binulag ng aking nararamdaman
Mas pinili kong umalis ng walang paalam
Patawad mahal,
Hindi kita nagawang intindihin
Patawad kung hinayaan kitang sarilihin,
Ang problemang dapat sabay nating haharapin
Patawad kung naging makasarili ako,
Akala ko ako na ang pinakaproblemadong tao
Akala ko talo na'ko
Pero nung umalis ako sa ating tahanan
Doon ko lubos na intindihan
Ang salitang "talunan"
Patawad mahal kung hindi kita naipaglaban
Patuloy ko parin tinatahak ang daan,
Pabalik sa ating tahanan.
Ngunit wala na pala akong babalikan
Hindi mo na ako hinihintay na maka uwi
Patawad mahal,
Patawad kung ngayon lang ako nakahingi ng tawad.